CHAPTER 23

1396 Words
Ilang araw pumasok sa si Mark sa saktong oras ng klase niya pero mukha siyang nagmamadali, kasi tumakbo siya at hinihingal para hindi mahuli. Tuwing maagang naman umuuwi si Mark at hindi niya na medyo napapansin si Renzo kahit pa nasa harapan niya na ito. Hindi naman na-o-offend si Renzo dahil sinabihan na rin siya ni Mark nung una pa lang at makalipas ang ilang linggo, maaga na ulit pumasok si Mark para makausap niya si Renzo. Lumapit si Mark kay Renzo habang nakatalikod ito, hindi alam ni Renzo dahil naka-focus si Renzo sa harapan niya papasok ng paaralan. Naramdaman na lang ni Renzo na biglang may humawak sa kaliwang balikat niya. Huminto si Renzo sa paglalakad at lumingon sa likod niya. Nakita niya si Mark na nakatingin sa baba, napatingin din si Renzo sa kaliwang kamay ni Mark kung saan hawak nito ang librong itim. Nakasara ang libro sa kamay ni Mark pero malalaman mo na namamatay na ang mga pahina sa loob nito dahil sa abo na hindi matigil ang paglabas sa libro. Wala namang reaksyon si Renzo, binalik niya lang ang tingin niya kay Mark at tinanong ito. "Kumusta ang paghahanap ng next clue mo?" Inangat ni Mark ang mukha niya at nakasimangot lang kay Renzo. Tumalikod na lang si Renzo ulit at naglakad paharap, base kasi sa basa niya sa reaksyon ng mukha ni Mark wala itong nahanap na next clue. Na pabitaw ang kamay ni Mark sa balikat hanggang sa bumagsak ito. "Wala akong nahanap," Nang marinig ni Renzo ang sinabing 'yon ni Mark, huminto ulit si Renzo ng paglakad at humarap kay Mark. Inangat ni Renzo ang braso niya at tinapat nito ang isang kamay kay Mark. Sinenyasan niya ito na lumapit sa kanya at lumapit naman si Mark. "Tara dito." Paglapit ni Mark ay agad siyang inakbayan ni Renzo. Nagulat si Mark at napatingin siya kay Renzo. "Pumasok na muna tayo sa klase." Hindi sumagot si Mark dahil malungkot talaga siya na wala siyang nahanap na next clue at ngayon naubusan na siya ng oras. Ang natitirang ala-ala niya sa kanya ng magulang ay onti-onti ng nawawala ngayong araw. Bago sila pumasok sa kwarto ni Renzo, tiningnan muna ni Renzo kung wala na bang abo na lumalabas sa libro na hawak ni Mark. Hindi na sila magkaakbay, kaya madali na lang kay Renzo na tingnan ang libro sa kamay ni Mark. "Itago mo muna sa loob ng bag mo 'yang libro dahil tuloy-tuloy ang paglabas ng abo." Tiningnan ni Mark ang libro na hawak niya, hindi niya napansin na sobrang dami na nga ng abo na binubuga nito at tinatangay ng hangin. "Pasensya na," Tinago ni Mark ang libro sa loob ng bag niya kahit pa wala naman gaanong estudyante sa paligid o sa loob ng silid aralan nila dahil maaga nga silang pumasok. Sa loob ng bag naipon ang lahat ng abo ng libro at hindi ito nakalabas hanggang sa mag-umpisa na ang unang klase nila Mark. Walang kaalam alam ang lahat ng estudyante pati na ang masungit nilang guro sa mga sunod na nangyari. Bigla na lang lumiyab ang itaas ng bag ni Mark, na gulat ang lahat ng tao sa loob ng kwarto pero mabuti na lang ay may emergency fire sprinkler ang paaralan, kaya ng maabot ng apoy ang sprinkler nag-alarm agad ito at nagbuga ng tubig. Hindi nag-panic ang masungit na guro nila pero dahil biglaan ang pangyayari ay agad nitong pinalabas ang mga estudyante pero wala silang ibang dala kung hindi sarili nila. "Lumabas na kayong lahat." Hinanap ni Renzo si Mark dahil sa biglaang pangyayari. "Mark?" Nahanap ni Renzo si Mark na nasa tapat ng pangalawang pintuan. Nakatingin si Mark sa masungit nilang guro na nasa loob pa ng kwarto. Matapang na tinitingnan pa kasi nito kung ano ang nasa loob ng bag ni Mark, hindi pinapansin ni Mark si Renzo, kaya napatingin na lang rin si Renzo kung saan nakatingin si Mark. Nakita ni Mark ang isang nagbabagang kamay na lumabas sa butas ng bag niya kung saan lumabas din ang nakita niyang sunog. Hinaplos ng nagbabagang kamay ang mukha ng masungit nilang guro at bigla na lang napatayo ng tuwid ang guro kasabay ng pagbago ng kulay ng mata nito. Naging mapula ng sobra ang mata nito na parang isang demonyo at bigla na lang bumalik ang nagbabagang kamay sa loob ng bag kasama ng apoy na hindi mamatay-matay. Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuga ng tubig sa sprinklers nila hanggang sa mawala na ng tuluyan ang mga konti pang apoy sa bag ni Mark. Humarap si Mark kay Renzo at napaharap rin si Renzo kay Mark. "Nakita mo ba 'yon?" "Alin?" Tinuro ni Mark ang masungit nilang guro na hindi pa rin umaalis sa pwesto at basang-basa na. "Hindi ba nakita 'yon?" "Ang alin hindi ko alam." "Umapoy yung bag ko tapos-" Napahinto sa pagsasalita si Mark nang sunod-sunod ang pagsasalita ni Renzo na wala naman siyang nakitang apoy. "Umapoy?" "Anong umapoy?" "Wala namang umapo-?" Nawala ang focus ng pandinig ni Mark kay Renzo dahil mas napukaw ang pandinig ni Mark sa mga kaklase niyang nasa likod na nag-uusap tungkol sa sprinkler at hindi sa apoy na nakita niya. "Ano ba 'yan, basa na ang mga gamit ko sa loob." "Bakit naman bumukas ng ganun yung emergency sprinkler?" "May apoy ba?" "Nakakainis naman, may nang ti-trip ba sa atin?" "May pumindot ba ng fire alarm?" Sari-sari ang naririnig ni Mark sa mga kaklase niya na nag-uusap tungkol lang sa sprinkler, marahil hindi talaga nila nakita ang apoy na nakita ni Mark at hindi talaga nag-panic ang mga estudyante sa apoy, dahil ang totoo talagang dahilan kung bakit sila nag-panic ay dahil sa tubig ng sprinkler. Matapos ang insidenteng nangyari pinagbihis muna sila ng gym uniform at pinauwi na sila dala-dala ang basa nilang gamit. Sinabi sa kanila na kung kaya nilang i-recover ang lahat ng gamit nila na nabasa gawin nila dahil ganun din ang gagawin ng mga guro sa mga gamit na nasa loob ng silid aralan nila Mark. Hindi naman lahat ng kwarto ay nagbuga ng tubig galing sa sprinklers, sa klase lang talaga nila Mark. Sinabi rin ng mga guro na iimbistigahan nila kung sino ang may pakana non at talagang malalagot kapagnahuli nila. Umuwi si Mark ng inaalala ang mga nangyari. Sa kabilang banda naman habang nakaupo si Renzo sa sasakyan ng kuya niyang si Clarence ay inaalala nito si Mark kung ano ang nangyari dito dahil sinubukan ni niyang alukin si Mark ng masasakyan. Nagpasundo kasi si Renzo sa kuya niya pero tinanggihan ito ni Mark. Wala sa sarili si Mark ng tanggihan niya si Renzo sa alok nito. Kukulitin pa sana ni Renzo si Mark na sumabay na dahil basa rin ang gamit ni Mark pero naramdaman ni Renzo ang lamig sa mga salita ni Mark, kaya hindi na ni Renzo pinilit si Mark. Habang papaalis si Mark sa harapan ni Renzo, sinundan lang ni Renzo nang tingin si Mark hanggang sa lumiko na ito sa kanto at hindi niya na ito makita. Habang iniisip ni Renzo ang mga bagay na 'yon sa loob ng sasakyan, sumingit naman ang kuya niya, kaya natauhan siya at napatingin dito. "Saan mo gusto kumain?" "Kahit saan," Tumango lang si Clarence ng isang beses habang tinitingnan si Renzo sa maliit na salamin sa harapan. Hindi nagsalita si Clarence sa nararamdaman niya ngayon sa bunso niyang kapatid dahil napansin ni Clarence na parang malalim ang iniisip nito. Kanina pa naglalakad habang nakayuko si Mark, simula ng pinauwi sila hanggang ngayon na nakasakay na siya ng tren. Iniisip niya pa rin kasi ang mga nakita niya kanina, kung ano talaga ang totoong nangyari at ano ang ibig sabihin ng nagbabagang kamay na lumabas sa bag niya. Hindi lang 'yon dahil matapos niyang makita ang guro nilang masungit na naging pula ng saglit ang mata, napansin niya rin na parang nag-iba ito ng ugali. Naramdaman niya rin na parang ibang tao na ang guro nila na masungit dahil paglabas nito sa pinto, dumaan ito kay Mark at aksidenteng nagkadikit sila ng balat ni Mark. Nang makauwi si Mark tulala pa rin ito pero alam niya ang gagawin niya. Naligo siya at nagbihis ng pangbahay pero pagkatapos non humiga na siya sa kama niya at tumulala sa kisame, hindi niya na inasikaso ang mga basa niyang gamit hanggang sa makatulog na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD