Paggising ni Mark, inaapoy siya ng lagnat. Hindi naman niya magawang tumayo para makatawag ng tulong, kaya naisipan niya na matulog na lang ulit at baka mawala na ang lagnat niya paggising niya. Nang magising na siya ulit medyo bumaba na ang lagnat niya pero nagtaka siya dahil parang may nag-asikaso sa kanya, may basang bimpo na kasi siya sa noo. Nakaya niya ng bumangon sa kama niya dahil bumaba na ang lagnat niya, tinanggal niya ang bimpo sa noo niya at tumingin sa gilid. Nakita niya ang isang maliit na tambo na may lamang tubig, dito niya nilagay ang bimpo bago lumabas ng kwarto. Nakita ni Mark si Renzo na nanonood ng T.V habang nakaupo sa sofa, kumakain rin ito ng pagkain na mukhang kakabili pa lang dahil nakalagay pa ito sa plastic. Maya-maya pa ay napansin na ni Renzo si Mark, kaya napalingon si Renzo sa gilid.
"Gising ka na pala, kumusta?"
Hindi sinagot ni Mark si Renzo dahil pumunta muna si Mark sa kusina at uminom muna ng tubig, nang makainom naman na si Mark, akala ni Renzo sasagutin na ni Mark ang tanong niya pero hindi dahil siya naman ang tinanong ni Mark.
"Paano ka nakapasok?"
"Hinaram ko kay yung extra susi mo kay papa."
Pumunta si Mark sa sala at umupo rin pagkatapos na makita ang extra susi na inaangat ni Renzo para makita ni Mark. Ibinaba na ni Renzo ang kamay niya na may hawak na susi at sinundan lang ng tingin si Mark hanggang sa makaupo sa sofa at tsaka kinausap ni Renzo si Mark tungkol sa nangyari kahapon.
"Binigyan tayo ng isang araw para ayusin ang mga gamit natin bago tayo bumalik sa klase,"
"Pero pagpasok ko nakita ko yung mga gamit mo, nasa loob pa ng bag mo, hindi mo nilalabas, kaya basa pa rin."
"Muntikan na tuloy akong madulas."
Humiga si Mark sa sofa na parang nilalamig. Napansin ito ni Renzo, kaya tumayo si Renzo at pumunta sa kusina. Kinuha niya sa refrigerator ang dinala niyang lutong ulam na niluto ng mama niyang si Clara. Pagkatapos ay kinuha na rin ni Renzo ang thermometer sa loob ng kwarto ni Mark at bumalik sa sala para gamitin ulit kay Mark.
"Saglit lang, tingnan nating kung bumaba na talaga ang lagnat mo."
Pinindot ni Renzo ang buton sa thermometer at hinintay mag-zero ang number nito bago niya ilagay sa kili-kili ni Mark. Nang malagay na ni Renzo sa kili-kili ni Mark ang thermometer kinausap muna ni Renzo si Mark tungkol sa pag-inom ng gamot.
"Uminom ka ng gamot pagkatapos mong kumain ng luto ni mama."
Hindi makuhang makapag-usap ni Mark dahil kahit pa mukhang bumaba na ang lagnat niya, matamlay pa rin siya.
"Matulog ka muna ulit diyan kung gusto mo,"
"Teka, patayin ko lang yung aircon at mag-electric fan na lang tayo."
Tumayo si Renzo sa sofa at pinatay ang aircon tsaka bumalik sa pwesto niya dahil bigla nang tumunog ang thermometer. Inalis niya na ang thermometer sa kili-kili ni Mark at tiningnan kung ano ang resulta ng body temperature ni Mark.
"Medyo bumaba na nga,"
"40 kasi ang temperature mo nung unang kitang kinuhaan,"
"pero ngayon?"
"37.8 na lang."
Binalik ni Renzo ang tingin kay Mark, matapos nitong tingnan ang temperature sa thermometer. Nakita niya si Mark na nakatulog na pala at mukhang hindi pa nito narinig ang sinabi ni Renzo na temperature niya. Umupo na lang si Renzo ulit sa sofa at binuksan ang electric fan dahil nakalimutan niya itong buksan nung tumunog kaagad ang thermometer. Nang mabuksan niya na ang electric fan, bumalik na siya sa panonood ng T.V habang kumakain ng chocolate at chichirya. Pagkatapos mainit ng lutong pagkain na nilagay ni Renzo sa oven, ginising niya na si Mark para kumain. Nagising naman si Mark sa gising ni Renzo at kumain na pero konti lang ang kinain ni Mark bago siya uminom ng gamot. Natulog pa ulit si Mark sa sofa at inasikaso lang siya ulit ni Renzo. Pinunasan sa katawan ng basang bimpo at pag tapos iniwan na ang basang bimpo sa noo habang natutulog si Mark.
Gabi na ng magising ulit si Mark at nasa bahay pa rin ni Mark si Renzo. Mas bumaba pa ang temperature ni Mark ng nagising siya ngayon dahil kinuhaan ulit siya ni Renzo. Hindi na matamlay si Mark, kaya nakakausap na siya ni Renzo ngayong gabi.
"Gutom ka na ba?"
"Medyo,"
"Nag-order ako ng pagkain, padating na rin 'yon."
"Salamat,"
Tumayo si Mark at kumuha ng maiinom na tubig sa kusina pero habang umiinom si Mark, biglang may ibinalita si Renzo kay Mark na ikinasanhi nang pagkaduwal ni Mark sa tubig.
"Buti gumaling ka na ngayon dahil kailangan ka daw makausap ni Mr.Lorence."
"Hindi yung papa ko ah, si Mr.Lorence."
"Yung masungit na nagtuturo sa atin."
"Yung guro na kasama natin nung bumuhos yung tubig sa ro-"
Umubo-ubo si Mark matapos nitong maduwal dahil naalala niya kaagad ang mga nakita niya kahapon. Nag-alala naman si Renzo, kaya napatingin kay Mark.
"Anong nangyari?"
Tinapos muna ni Mark ang pag-inom niya bago siya sumagot habang pabalik sa sala.
"Bakit daw?"
"Ano pa, edi yung tungkol sa nangyari kahapon."
"Ang ibig kong sabihin, sinabi ba ng malinaw kung bakit ako gustong makausap?"
"Hindi, dahil sinabi niya lang na hinahanap ka niya at pinapasabi sa amin na gusto ka niyang makausap."
Nagsisimulang mag-alala na si Mark sa sarili niya at nakikita ito ni Renzo sa aksyon ng katawan ni Mark dahil na nginginig siya kahit wala na siyang sakit.
"Tumaas na naman ba ang lagnat mo?"
Ginamitan na naman ni Renzo si Mark ng thermometer at nang malaman ni Renzo na hindi naman tumaas o bumaba ang temperature ng katawan ni Mark, nagtaka na siya habang nakatingin kay Mark.
"Bakit ka na nginginig?"
"Natatakot ka ba?"
Hindi umimik si Mark dahil nag-iisip siya kung paano niya tatakasan si Mr.Lorence hanggang sa tapikin na siya ni Renzo. Nagulat si Renzo dahil biglang tumingin si Mark sa kanya na parang nakakita ng multo. Naalala kasi ni Mark ang nagbabagang kamay na humaplos sa mukha ng masungit nilang guro.
"Ayos ka lang ba?"
"Hindi ako papasok bukas, sabihin mo may sakit ako."
"Huh, bakit?"
Magsasalita na sana si Mark tungkol sa nakita niya kahapon at kung bakit ganun na lang ang nangyari sa emergency fire sprinklers ng paaralan pero biglang tumunog ang doorbell ng bahay, kaya pinatigil muna siya ni Renzo sa pagsasalita.
"Teka lang, huwag mo munang umpisahan."
"Pagkain na ata natin 'yon."
Kinuha ni Renzo ang wallet niya at pumunta na sa labas para kunin ang pagkain na inorder nila. Bumalik si Renzo sa sala at inayos ang pagkain. Tatlong box ng chicken wings ang inorder ni Renzo para sa kanilang dalawa lang ni Mark.
"Ayan, pwede mo ng ituloy."
Inantay ni Renzo magsalita si Mark pero hindi ito nagsalita, tulala na naman kasi ito at kailangan niya pa itong tapikin ulit pero wala siyang magagawa kung hindi 'yon lang.
"Mark?"
Tumingin si Mark kay Renzo pero hindi na muna tinanong ni Renzo si Mark kung bakit hindi siya papasok. Inalok muna ni Renzo si Mark kumain ng chicken wings dahil baka gutom lang si Mark, kaya ganun.