Tinapat ni Mark si Renzo kung ano ang lahat ng nangyari bago sila mag-umpisa sa klase nung nakaraan.
"Naalala mo pa nung sinabi ko na umapoy ang bag ko pero wala kayong nakita?"
"Iyon ba ang dahilan kung bakit parang wala ka sa sarili?"
Tumingin si Mark sa T.V para iiwas ang tingin kay Renzo, nag-reflect si Mark sa T.V at nakita niya ang sarili niya na parang isang takot na bata habang inaalala ang mga nangyari. Hindi sinagot ni Mark ang tanong ni Renzo at nagbanggit lang ng ibang bagay.
"Eh yung tungkol sa sinabi ko na may mga nakikita ako na hindi niyo nakikita dahil mga normal lang kayong tao?"
Binalik ni Mark ang tingin niya kay Renzo at sa punto na ito, tiningnan niya ng straight sa mata si Renzo ng seryosong-seryoso ang mukha. Nakaramdam ng kaba si Renzo dahil sa tingin ni Mark, kaya si Renzo naman ang napaiwas kay Mark pero tinawag rin naman siya ni Mark, para tingnan siya ni Renzo sa mata at makita ni Renzo na hindi siya nagsisinungaling.
"Renzo."
"Bakit ka ba ganyan makatingin sa akin?"
"Para malaman mo na hindi ako nagsisinungaling."
"Alam ko naman na hindi ka nagsisinungaling."
Nag-iba ang reaksyon ni Mark dahil hindi niya ine-expect ang sinabi ni Renzo.
"Huh?"
"Eh bakit parang ayaw mong maniwala?"
Sinabi ni Renzo ang rason habang nakatingin sa baba at kumakamot sa likod ng ulo. Nagtaka naman si Mark dahil antagal ni Renzo sumagot, nakailang kamot pa ito sa ulo bago sumagot at ibinaba ang kamay.
"Gusto ko lang na iwasan,"
"Ano?"
"Nung una pa lang na sinabi mo sa akin na nakakakita ka ng mga hindi namin nakikita bilang isang normal na tao, naniwala na kaagad ako sa 'yo dahil wala akong nakita na kasinungalingan sa mata mo habang sinasabi mo sa akin ang mga bagay na 'yon."
"Natakot ka ba, kaya gusto mo iwasan?"
"Bukod sa takot na 'yan, para sa 'kin imposible pa rin ang ganung bagay."
Tumahimik si Mark at humarap ulit sa T.V habang nakaayos ng upo. Pagdating naman sa nararamdaman ni Renzo, gusto niya talagang ibigay kay Mark ang buong paniniwala pero si Renzo kasi ang tao na hindi rin na niniwala sa diyos. Kung hindi niya nakikita hindi niya pinapaniwalaan pero para kay Mark na kaibigan niya binigay niya ang kalahati ng pagtitiwala, kaya sinasabi niya kanina na naniniwala siya kay Mark pero natakot at umiiwas lang siya.
"Ayos lang, naintindihan ko ang kalagayan mo Renzo."
Hindi alam ni Renzo kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Mark sa kanya. Iniisip kasi ni Renzo na baka galit ito pero iba ang lumalabas sa bibig, maari rin na naiintindihan talaga ni Mark si Renzo. Tatanungin sana ni Renzo si Mark pero hindi natuloy ni Renzo dahil sinabi kaagad ni Mark ang sagot habang nakatingin sa harapan.
"Kung natatakot kang tulungan ako at samahan ako sa landas na ito, ayos lang dahil kaya ko namang mag-isa."
"Sino bang nagsabi na hindi kita tutulungan dahil takot ako o umiiwas?"
Napatingin kaagad si Mark kay Renzo dahil sa sinabi nito, tinuloy ni Renzo ang gusto niyang sabihin kay Mark.
"Tutulungan pa rin kita alamin ang mga sagot pero dahil hindi ko naman nakikita ang nakikita mo, kailangan mong sabihin sa akin ang lahat, pati na kung ano ang gagawin ko."
"Talaga ba?"
"Ginagawa ko ito dahil ikaw ang una na naging kaibigan ko."
Napangiti si Mark sa sinabi ni Renzo, kaya tumayo si Mark at gustong kamayan si Renzo dahil ang buong akala ni Mark, isang matigas na bato ang puso ni Renzo na hindi kayang basagin ng kung sino dahil masyado ng lumipas ang panahon para sa kanya bago siya nakahanap ng kaibigan.
Kinabukasan, maagang nag-asikaso si Mark para pumunta sa bahay nila Renzo at hintayin ito na makapag-asikaso rin dahil sabay silang papasok. Pagkatapos malaman ni Mark ang nasa isip ni Renzo kagabi, sinabi niya na kay Renzo ang buong nakita niya nung araw na akala nila Renzo ay pinagtripan lang sila o sira lang talaga ang sprinklers ng kwarto nila. Ngayong alam na ni Renzo ang nakita ni Mark kay Mr.Lorence, mas natakot na sila dito. Pagpunta nila sa paaralan naghiwalay na kaagad sila ng daan ni Renzo at Mark. Pumunta si Renzo diretso sa silid aralan nila, habang si Mark naman ay sa office ni Mr.Lorence. Bago kumatok si Mark sa pinto nilakasan niya muna ang loob niya sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Pagbukas niya ng pinto nakita niya si Mr.Lorence na nakaupo at may ginagawa.
"Gusto niyo daw po akong makita?"
"Yes, yes, take a sit."
Tinigil ni Mr.Lorence ang ginagawa niya at itinabi ito. Pinaupo ni Mr.Lorence si Mark sa isang upuan na nasa harapan ng lamesa. Pag-upo ni Mark, diniretso kaagad niya si Mr.Lorence kung ano ang kailangan nito dahil may klase pa si Mark.
"Pwede ko po bang malaman na kaagad kung ano ang gusto niyo dahil may klase pa ako?"
"Yes,"
Tumayo si Mr.Lorence at pumunta sa likod ni Mark, tinitingnan nito ang bag niya. Naiilang naman si Mark at napapalingon kay Mr.Lorence dahil baka kung ano ang gawin nito pero hindi naging ganun kadali 'yon.
"Mukhang bago ang bag mo?"
"Kamusta nga pala ang mga gamit mo?"
"Basa pa rin ba?"
Nag-umpisa ng magtaka si Mark hanggang sa makaupo na nga si Mr.Lorence sa isang upuan na kaharap lang ni Mark.
"Nagdala po ako ng mga bagong gamit dahil lahat ng gamit ko ay nasa bahay pa, pinapatuyo."
"Bakit?"
"Na sabi naman po ata sa inyo ni Renzo na nagkasakit po ako, kaya hindi ko po na asikaso."
"Dahil ba sa nangyari nung nakaraan?"
"Hindi po ako sigurado."
Tiningnan ni Mark ng diretso at matapang si Mr.Lorence sa mata pero walang kakaiba na nakikita si Mark sa appearance ni Mr.Lorence. Ilang saglit lang habang magkatingin sila ni Mark at Mr.Lorence sa mata, biglang iniwas ni Mr.Lorence ang mata niya. Tumingin ito pababa at tumayo ulit. Sinundan lang ni Mark ng tingin si Mr.Lorence na naglakad pabalik sa talagang upuan nito.
"Okay, pasensya na."
"Dumiretso na nga talaga tayo sa kung bakit pinatawag kita."
Bago sabihin ni Mr.Lorence ang gusto niyang malaman napalunok muna si Mark, dahil sa kaba.
"Gusto ko lang malaman Mark kung bakit bago bumukas ang sprinklers nakapag-react ka kaagad?
Hindi nakagalaw at nakapagsalita si Mark sa upuan niya habang nakatingin kay Mr.Lorence.
"May ibig sabihin ba ang bagay na 'yon Mark?"
Kailangan ni Mark sumagot kaagad dahil mas pagdududahan lang siya ni Mr.Lorence kung hindi siya sasagot kaagad. Pinipilit niyang sumagot pero bumabalik lang sa isip niya ang lahat ng pangyayari na nakita niya noon. Ang nagbabagang kamay na lumabas at humaplos sa mukha ni Mr.Lorence na para bang galing sa impyerno. Naka abang lang si Mr.Lorence sa isasagot ni Mark pero medyo matagal hanggang sa bigla na lang magsalita si Mark ng kung ano ang unang pumasok sa isip niya.
"Natatae po ako non,"
"Gusto kong magpaalam, kaya bigla po akong tumayo sa upuan ko pero bigla na lang pong nangyari 'yon."
Na pa sara ng bibig si Mr.Lorence dahil sa sinagot ni Mark, umiwas din ito ng tingin at napatanggal ng kamay sa lamesa.
"Ganun ba?"
Binalik ni Mr.Lorence ang tingin kay Mark pagkatapos nitong sumandal sa upuan niya.
"Opo, pasensya na po kung hindi ko nasabi noon kaagad."
"Dahil nagulat din ako sa sprinklers."
"Nahihiya naman po akong sabihin ngayon, kaya hindi po ako nakasagot sa inyo kaagad matapos niyo akong tanungin."
"Pasensya na po ulit."
Tumayo si Mark pagkatapos niyang sabihin ang mga hindi totoong rason na 'yon at yumuko kay Mr.Lorence.
"Sige na at pwede ka ng lumabas, maraming salamat Mark."
Inangat ni Mark ang katawan niya at umakting na sobrang nahihiya sa rason niya hanggang sa makalabas na siya sa office ni Mr.Lorence.
"Pa sarado na lang ng pinto,"
Habang sinasara ni Mark ang pinto, sinubukan niyang tingnan kung ano ang gagawin ni Mr.Lorence kung lalabas na siya pero nang masara na ni Mark ang pinto, wala pa rin itong ginagawa na kakaiba, nakaupo pa rin ito at bumalik lang sa ginawa niya kanina nung dumating si Mark.