Ilang araw na rin matapos ipatawag si Mark ni Mr.Lorence sa office nito pero ngayon wala namang kakaibang nangyayari. Wala naman ibang natuklasan si Mark sa mga nakaraang araw, kaya wala rin siyang masabi kay Renzo pero pinag-uusapan pa rin nila ang tungkol dito, tinitigil lang nila sa oras na may lumalapit na tao sa kanila. Isang araw umuwi sila ng gabi ni Renzo galing paaralan at habang nasa daan pinapakita ni Mark kay Renzo ang iilang page na natira sa libro na walang sulat.
"Ano ba?"
"Ilang beses mo na sa akin pinapakita 'yan."
Layo ni Mark sa libro dahil hahawiin sana ito ni Renzo. Ilang araw na rin kasi naghahanap si Mark ng clue sa libro at hindi sa ibang bagay. Hindi nakatiis si Renzo at tinapat na si Mark habang nakalingon dito. Sinarado naman ni Mark ang libro pagkasalita ni Renzo tungkol sa paghahanap ni Mark sa maaring maging next clue niya.
"Ano bang plano mo diyan?"
"Sa totoong lang iniisip ko pa, dahil baka ang iilang pahina na natira dito sa libro ang maging tulay para mahanap ko ang panulat na sinasabi ng papa mo."
"Hindi mo na lang siya tanungin at kung maaari i-describe niya para ma-drawing pagkatapos tsaka natin hanapin."
Hindi nakapagsalita si Mark dahil pinag-iisipan niya ang sinabi ni Renzo hanggang sa magulat na lang si Renzo dahil tinapik siya ni Mark sa balikat ng malakas.
"Bakit nga pala hindi ko na isip iyon no?"
"Tara, sa bahay niyo naman ako matutulog."
Hindi lang sa tapik nagulat si Renzo kung hindi sa sinabi rin ni Mark pero wala na siyang magagawa dahil sakto ang dating ng bus sa sakayan, hinatak ni Mark si Renzo papasok ng bus at si Mark na rin ang nagbayad ng pamasahe nila bago sila umupo. Magkatabi sila ni Renzo sa bandang unahan ng bus. Nag-panic si Renzo dahil hindi niya pa nalilinis ang kwarto niya at makikita ni Mark kung gaano kapabaya si Renzo sa kwarto niya.
"Hindi ko pa nasasabihan na doon ka matutulog."
"May damit ka bang dala?"
Kalmado lang si Mark sa upuan habang nakatingin sa bintana at nakahawak sa bakal na hawakan na nasa unahan nila. Inaabangan naman ni Renzo ang isasagot ni Mark hanggang sa lumingon si Mark kay Renzo at nakatingin ito ng masama.
"Bakit hindi mo ba ako papahiramin ng damit?"
Medyo natakot si Renzo pero agad rin naman iniba ni Mark ang reaksyon niya dahil niloloko niya lang rin si Renzo na kunwari galit-galitan siya.
"Biro lang,"
"Pero seryoso wala akong dalang damit, kaya kailangan mo talaga ako pahiramin.
Napaharap na lang si Renzo at napabuntong hininga. Ilang minuto lang ang tinagal at nakababa na silang dalawa pero maglalakad pa sila ng konti papunta sa bahay mismo ni Renzo. Habang naglalakad sila nadaanan nila ang isang bilihan ng mga pagkain.
"Ano magandang gawin sa bahay niyo?"
"Humilata,"
Sumimangot si Mark at muling hinatak si Renzo papasok sa bilihan ng pagkain.
"Bakit mo na naman ako hinahatak?"
"Bibili tayo ng pwede natin makain sa gabi."
"Sino naman nagsabi na magpupuyat tayo?"
Pagpasok nila Mark sa bilihan, tumingin-tingin kaagad si Mark kung ano ang mga gusto niyang pagkain habang hatak-hatak pa rin ang bag ni Renzo.
"Wala pero hindi ba may mga homework pa tayong nakatambak?"
"Huwag mo sabihing-"
"Oo, gagawin natin lahat 'yon."
"Ano ka ba?!"
Hinawi ni Renzo ang kamay ni Mark sa bag niya pero wala naman ito kay Mark, dumiretso lang si Mark kung nasan ang pagkain na gusto niya.
"Wala naman tayong klase bukas, hindi ba?"
Walang nagawa si Renzo sa sinabi ni Mark dahil totoo naman. Ang plano kasi ni Renzo ay bukas pa gagawa dahil wala ngang pasok.
"May pagkain naman sa bahay bakit bibili ka pa?"
Napalingon si Mark kay Renzo habang namimili ito ng pagkain, maya-maya pa ay tinapat ni Mark ang kamay niya kay Renzo at sinenyasan ito na lumapit. Paglapit ni Renzo ng dahan-dahan, napansin niya ang matinding hawak ni Mark sa isang wrap ng pagkain, kaya hindi na tuluyang lumapit si Renzo.
"Sige na, bumili ka na, pera mo naman 'yan."
Namili na ulit si Mark ng makakain niya sa bahay nila Renzo, matapos siyang payagan ni Renzo kahit wala naman kay Mark kung hindi man pumayag si Renzo sa pagbili niya ng pagkain, samantala si Renzo naman ay pumunta sa drinks area. Pagkatapos mamili ni Mark ng mga makakain niya, katulad ng chocolate at chips ay pumunta na siya sa cashier. Habang i-ni-scan ang mga binili ni Mark, hinanap niya si Renzo sa paligid dahil akala niya namili lang rin ito hanggang sa sumulpot si Renzo sa gilid niya at may dala-dalang soft drinks. Nagtaka si Mark dahil kakasabi lang ni Renzo na may pagkain sa kanila pero bumili pa rin siya ng maiinom.
"Akala ko ba may pagkain sa bahay niyo?"
"Ikaw bakit ka bumili niyan?"
"Malamang, para makain ko?"
"Kahit pa sinabi ko na may pagkain naman na sa bahay?"
Nanahimik si Mark dahil minata siya ni Renzo. Humarap na lang ulit si Mark sa cashier at sakto naman na tapos na i-scan ang pagkain niya pero hindi muna ni Mark binayaran, hinablot niya ang hawak-hawak ni Renzo na soft drinks at sinama ito sa pag-scan. Nagtaka si Renzo pero nagsalita si Mark kaagad, kaya hindi natuloy ni Renzo ang sasabihin niya.
"Bumili ako ng sarili kong pagkain dahil hindi ko alam kung gusto ko ba ang mga snacks niyo sa bahay niyo."
"Mapili kasi ako pagdating sa mga ganung pagkain."
Nahiya bigla si Renzo hanggang sa lumabas ang presyo ng soft drinks. Nilabas kaagad ni Renzo ang wallet niya pero hindi na ito pinabayaran ng cashier sa kanya. Napatingin siya kay Mark at magsasalita ulit sana pero hindi na naman niya natuloy.
"Ako na, papahirapan mo pa si kuya."
"Ikaw na lang ang magdala niyan."
Dinala ni Renzo ang plastic bag na naglalaman ng pagkain ni Mark pati na ng soft drinks hanggang sa bahay, pagkatapos na bayaran ni Mark ang mga binili nila. Sinalubong sila ng mama ni Renzo, tuwang-tuwa naman ito dahil nakita si Mark. Na unang pumasok si Renzo, kaya sinabi niya na rin kung bakit nasa bahay nila si Mark.
"Dito daw po siya matutulog,"
"Talaga ba?"
"Opo,"
Sinarado ng mama ni Renzo ang pinto at pinatuloy na si Mark hanggang sa hapag kainan nila sa bahay.