CHAPTER 27

1399 Words
Sumabay na si Mark sa pagkain nila Renzo pero hindi muna nila binaggit kay Mr. Lawrence ang tungkol sa panulat dahil sinabihan din ni Renzo si Mark na pag mag-isa na lang si Mr. Lawrence baka kasi mabalik ang takot ng mama ni Renzo at pagbawalan sila sa ganung usapan. Hinintay ni Mark at Renzo na matapos ang pagkain nila dahil si Carol lagi ang naghuhugas ng pinagkainan nila sa kusina. Pagpunta ni Carol sa kusina para maghugas tumayo na rin ang kuya ni Renzo na si Clarence at pumunta sa kwarto nito habang nag-se-cellphone. Katulad ng inaasahan nila Renzo hindi umalis si Mr. Lawrence sa pwesto niya, kaya lumapit na sila Mark para tanungin ito tungkol sa panulat na gamit ng mga magulang noon ni Mark. “Pa,” “Yes?” “Pwede ka po ba namin tanungin kung natatandaan mo pa ang itsura ng panulat na gamit noon nila Mr. and Mrs. Vil?” “No need,” Nagtaka ang dalawa kung bakit ito sinabi ni Mr. Lawrence at tumayo na ito sa upuan. Sinundan lang ni Mark at Renzo ng tingin si Mr. Lawrence hanggang sa magsalita ito. “Sumunod kayong dalawa sa akin.” Nagtinginan ang dalawa pero agad din namang sumunod kay Mr. Lawrence. Pumunta sila sa personal office ni Mr. Lawrence. “Pagkatapos ng pag-uusap natin noon sa sasakyan, naisip ko na tulungan ka hanapin ang panulat na iyon dahil nakita ko sa mga mata mo na parang may gusto kang hanapin na sagot pero hindi ko alam kung ano.” Tahimik lang ang dalawa habang nakikinig sa sinasabi ni Mr. Lawrence hanggang sa makapunta si Mr. Lawrence sa desk niya na nasa gitna ng kwarto at binuksan ang drawer sa lamesa. Nilabas niya ang isang envelope at nilapag ito sa lamesa. “Hindi mo naman kailangan sabihin kung ano ang gusto mong hanapin, just take a look what is inside.” Hindi muna lumapit o kinuha ng dalawa ang envelope na inilapag ni Mr. Lawrence sa lamesa dahil tiningnan muna nila ito pati na ang mukha ni Mr. Lawrence. “Sige na kunin niyo na at pumunta na kayo sa kwarto ni Renzo.” Si Renzo ang kumuha sa envelope at si Mark naman ang nagpasalamat bago lumabas ng office. “Salamat po.” Walang idea si Mr. Lawrence sa gusto nilang malaman pero matagal na siyang naka-move on sa panulat na ‘yon, kaya wala na sa kanya ang ganung bagay. Pagpasok nila Mark sa kwarto binuksan kaagad nila ang envelope at tiningnan kung ano ang laman. Picture ito na kuha dati, hawak-hawak ng papa ni Mark ang panulat habang ang mama niya naman ay hawak-hawak ang libro. Nilipat pa nila ang picture dahil tatlong picture ang nilalaman ng envelope. Ang una nilang nakita ay ang original picture. Paglipat nila sa pangalawang picture, nakita nila ang zoom picture na hindi pixelated. Malinaw na malinaw ang zoom picture na binigay sa kanila ni Mr. Lawrence. Habang ang pangatlo naman, nakita nila ang animated picture ng panulat kung saan buong katawan ng panulat ay makikita mo. Sa mga nauna kasing picture, makikita mo na putol ang panulat dahil hawak nga ito ng papa ni Mark. Nakaharang ang daliri nito pero dahil sa animated picture na binigay sa kanila ni Mr. Lawrence mas malaki ang chance nila na mahanap ang panulat. “So ganyan talaga ang itsura niyan?” “Hindi ko alam pero pinagkakatiwalaan ko naman ang papa mo.” “Para kasing normal na panulat sa akin,” “Basta, salamat sa papa mo dahil may maipapakita na ako sa mga tao kung ano ang itsura ng panulat na hinahanap ko.” Humiga si Renzo sa kama niya at nag-relax, napansin naman ito ni Mark. “Tsaka pa kita matutulungan sa oras na mahanap mo ang bagay na ‘yan hindi ba?” “Oo, ayaw ko kasi na aksidenteng makita ng mama mo ito.” Pumikit si Renzo pagkatingin niya ulit sa picture kung saan pinapakita sa kanya ni Mark. “Mabuti. Matutulog na ako.” “Huh?” Dinaganan ni Mark si Renzo, kaya agad na napabangon si Renzo sa kama. “Gagawin pa natin ang homework natin.” “Bukas na, wala naman din tayong gagawin.” “Ay bahala ka, basta ako magsisimula na.” Bumalik ulit si Renzo sa paghiga hanggang sa makatulog na. Tiningnan ni Mark si Renzo dahil akala niya nagbibiro lang ito pero seryoso pala talaga si Renzo na matutulog. Ngumisi si Mark at pumunta na sa desk ni Renzo dala-dala ang bag. “Dito ako gagawa sa lamesa mo ah,” “Pwede mong hiramin ang lahat ng gamit ko rito sa kwarto basta huwag mo lang akong abalahin sa tulog ko.” Hindi na sumagot si Mark at ngumiti na lang tsaka inilabas ang mga gamit sa bag na kailangan niyang tapusin. Buong gabi tinapos ni Mark ang lahat ng homework niya at pagkasikat ng araw doon na siya natulog, katabi ni Renzo sa kama. Natapos ni Mark ang lahat ng homework niya nung gabi at paggising niya, inayos niya na kaagad ang mga gamit niya para makauwi na. Wala na si Renzo sa kwarto paggising ni Mark, kaya akala ni Mark nasa baba si Renzo pero pagbaba niya si Carol lang ang nakita niya. “Salamat po sa pagkain kagabi, nasaan nga po pala si Renzo?” “Sinamahan ang kuya niya, ang papa niya naman nasa trabaho.” Tumango-tango si Mark habang tumitingin sa paligid ng bahay. “Sige po, maraming salamat po ulit kagabi.” “Aalis na po ako.” Ngumiti si Mark kay Carol at nginitian naman rin siya ni Carol pero parang mali sa ngiti ni Carol, lalabas na sana si Mark sa pinto pero bigla siyang pinigilan ni Carol para kausapin. “Mark?” Humarap si Mark kay Carol pero hindi siya lumapit dahil si Carol ang lumapit kay Mark. “Po?” “Narinig ko kagabi kung ano ang pinunta mo rito.” Kinabahan si Mark at hindi nakapagsalita, kaya tuloy-tuloy lang si Carol sa pagsasalita. “Narinig ko rin ang konting usapan niyo sa office ni Lawrence dahil sinundan ko kayo matapos kong marinig sa kusina ang gusto niyong hingin.” “Gusto ko lang sabihin na nagpapasalamat ako sa magulang mo dahil buhay pa rin hanggang ngayon ang asawa ko.” “Dahil sa kanila iyon, pero natatakot pa rin ako bilang asawa at anak ng dalawa kong anak na baka kung ano ang mangyari sa kanila sa oras na isama mo sila sa paghahanap mo ng sagot sa magulang mo, lalong-lalo na si Renzo.” “Nagpapasalamat din ako sa ‘yo dahil naging kaibigan mo si Renzo, pero bilang mama niya.” “Alam mo naman kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay nila hindi ba?” Naintindihan naman ni Mark ang mga sinabi ni Carol, kaya sinabi niya na rin kung ano ang plano niya. “Huwag po kayong mag-alala dahil sinabi ko na rin po kay Renzo kagabi na ako na ang bahala sa lahat at hindi niya na ako kailangan tulungan.” Ngumiti si Mark kay Carol para mawala ang ka-awkward-an sa paligid pero nang ngumiti si Carol parang may mali pa rin hanggang sa magtanong nga ulit ito. “Ano ang sabi niya?” “Pumayag po siya dahil si Renzo po ang tao na hindi naman sumasama sa mga ganitong sitwasyon.” “Talaga ba?” “Huwag po kayong mag-alala.” Hinawakan ni Mark ang magkabilang braso ni Carol habang tatakot pa rin ito, ramdam kasi ni Mark ang konting nginig sa buong katawan ni Carol. “Hindi ko po gustong sabihin ito pero para po mapakalma ko kayo sasabihin ko po.” “Si Renzo po ay isang tamad na tao, kaya hindi niyo po kailangan mag-alala na baka sumama siya sa akin sa ginagawa ko.” “Pinapangako ko po na hindi ko po hahayaan na sumunod sa akin si Renzo sa path na nilalakaran ko ngayon.” Ngumiti si Mark sa pangatlong pagkakaton kay Carol at nginitian din siya ni Carol katulad kanina pero ngayon wala ng mali sa ngiti ni Carol at hindi rin nanginginig ang buong katawan ni Carol. Tinanggal na ni Mark ang kamay niya sa braso ni Carol at kumaway na habang papalabas ng pinto. “Alis na po ako,” “Mag-iingat ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD