CHAPTER 28

1262 Words
Pagkatapos magsinungaling ni Mark kay Carol tungkol kay Renzo, inisip niya na sasabihin niya na lang kay Renzo sa oras na mahanap niya ang panulat. Umuwi muna si Mark sa bahay nila at naligo, nag-ayos na rin siya ng mga gamit para sa mahabang paghahanap sa panulat. Buong araw siya nagtanong-tanong sa mga tao kung may alam ba sila sa panulat na hawak-hawak niya, pinapakita niya kasi ang picture ng panulat. Pagkauwi niya sa gabi kahit pa pagod siya, nakuha niya pang i-research kung may kamukha ba ang panulat na nasa picture. Kinabukasan ganun din ang ginawa niya sa buong araw. Naging busy siya tuwing walang pasok dahil ganun ang ginagawa niya. Pagdating naman sa may pasok tinatapos niya kaagad lahat ng homework niya para wala ng gagawin pag walang pasok. Hindi na ulit sila nagkakausap ni Renzo pero wala lang ito kay Renzo hanggang sa matapos na ang first semester. Ganun pa rin ang ginagawa ni Mark at wala siyang panahon para sumuko o magpahinga. Matapos ang isang taon nalibot niya na ang buong japan para hanapin lang ang panulat ng mama at papa niya. Sa unang bakasyon niya sa Tokyo wala siyang ibang ginawa kung hindi tumapat sa computer dahil nakikipag-socialize siya sa iba’t ibang lahi. Pagkatapos niya kasing malibot ang buong Japan wala na siyang ibang choice kung hindi pumunta sa iba’t ibang bansa pero dahil nga kailangan niya pa rin mag-aral naisip niya na. Sa internet na lang makipag-interact sa mga ibang lahi. Ilang araw, buwan at taon na ulit ang nakalipas wala na naman siyang nahanap na kung ano sa panulat. Tiniis ni Mark ang lahat dahil wala naman siyang dapat na gawin kung hindi lang ‘yon pero ngayon na 18 years old na siya, kailangan niya ng maghanap ng trabaho habang nag-aaral siya. Nauubos din kasi ang pera niya sa bangko na nakatabi lang para sa pag-aaral niya at gastusin niya sa araw-araw hanggang sa makahanap siya ng trabaho. Nag-18 na rin si Renzo, kaya na iisip ni Renzo na i-recruit din si Mark sa trabaho niya dahil kailangan pa nila ng isang nag-pa-part time job. Tinanggap ni Mark ang trabaho habang tinatapos nila ang huling taon nila sa pagiging senior high school sa paaralan nila. Mas naging busy si Mark dahil nadagdagan ang gawain niya. Na papatakbo naman niya ng maayos ang mga gawain niya sa buhay pero wala siyang oras para sa relasyon at pag-uusap. Kahit pa magkasama sila ni Renzo sa trabaho, hindi ni Mark kinakausap si Renzo. Ang hindi alam ni Renzo habang nagtatrabaho si Mark nag-iisip din siya tungkol sa mga na research niya sa internet. Hindi naman nawala ang focus ni Mark sa trabaho tuwing ganun dahil nasanay na rin siya nung pinagsasabay niya ang paghahanap sa panulat at ang pag-aaral. Dumaan na naman ng mabilis ang panahon at graduation na nila. Naka-graduate ang dalawa katulad ng mga normal na tao, pagkatapos ng graduation nag-picture silang lima dahil sinama na nila si Mark sa picture. Pagkatapos ng isang picture biglang tumunog ang cellphone ni Mark at nakita niya ang text ni Mr. Lorence. Pinapapunta siya sa loob ng gym kung saan wala ng tao dahil lumabas na ang lahat, matapos ang graduation, kaya habang tinitingnan nila Renzo ang kuha ng picture sa camera, nag-excuse muna si Mark na may pupuntahan saglita. “Pwede na po kayong mauna, susunod na lang po ako.” Nagtaka si Renzo kung saan pupunta si Mark dahil para itong nagmamadali. “Bakit? “Saan ka pupunta?” Hindi sinagot ni Mark ang sagot dahil hindi nito narinig ni Mark, nakalayo na kasi kaagad si Mark. Nakatingin lang si Renzo kay Mark habang tumatakbo ito dahil baka lumingon ito at sagutin ang tanong niya hanggang sa akbayan si Renzo ng kuya niya, kaya nawala ang tingin ni Renzo kay Mark at nalipat sa kuya niya. “Sa girlfriend niya ‘yon pupunta, ano ka ba?” Nakangiting sabi ni Clarence at nang ibinalik ni Renzo ang tingin niya, hindi niya na makita si Mark. “Tara na, hintayin na lang natin siya sa bahay.” Hinatak ni Clarence ang bunso niyang kapatid habang nakaakbay ito, walang nagawa si Renzo sa kuya niya kung hindi sumunod lang hanggang makasakay na silang pamilya sa sasakyan. “Mag-picture rin tayo sa bahay bago pumasok.” Tumango si Mr. Lawrence sa sinabi ng kanyang asawa habang kaakbay rin ito. Pumasok si Mark sa gym kahit pa medyo madilim dahil nakasarado ang ilaw pati na ang mga blinds sa matataas bintana pero wala namang nakatalisod sa kanya dahil nakatabi na ang mga upuan na ginamit nila kanina. “Mr. Lorence?” Hanap ni Mark kay Mr. Lorence pero parang wala namang ibang tao sa gym kung hindi siya lang. Mabuti na lang iniwan niya ang pinto na pinasukan niya na buka pero bigla na lang itong sumarado at nag-lock mag-isa. Natakot si Mark at kinabahan dahil wala na talaga siyang makita. Pinakiramdaman niya na lang ang paligid niya, kaya nakalahad ang mga braso niya hanggang sa bigla na lang magkaliwanag sa likod ni Mark. Alam niya na apoy ito dahil naramdaman niya ang init, hindi lang iyon dahil napansin niya rin ang kulay. Iba kasi ang kulay ng ilaw na ginamit nila kanina, sa kulay ng liwanag ngayon na nasa likod niya. Humarap si Mark sa likod niya at nakita niya ang malakas na apoy na nanggagaling sa likod ni Mr. Lorence habang papalapit ito sa kanya. “Mr. Lorence?” Sinigurado muna ni Mark na si Mr. Lorence ang naglalakad papalapit sa kanya at ng masigurado niya, nagtaka na siya kung bakit umaapoy ang likod nito. Hindi umatras si Mark hanggang sa makalapit na si Mr. Lorence sa kanya. “Ano pong-” Naputol ang sinabi ni Mark ng i-angat ni Mr. Lorence ang kamay niya at hawak nito ang panulat na ginamit ng kanyang magulang noon. Kukunin sana ito ni Mark kaagad sa kamay ni Mr. Lorence pero biglang umapoy ang kamay ni Mr. Lorence at nasunog ang panulat. Dito na napaatras si Mark dahil sa dalang init ng apoy, napatakip din siya ng saglit sa mata dahil sa liwanag ng apoy. “Mark.” Nanlaki ang mata ni Mark pagkatapos niyang marinig ang boses ni Mr. Lorence. Ilang saglit lang pagkatapos na tawagin ang pangalan ni Mark bigla na lang may lumabas na malaking demonyo sa likod ni Mr. Lorence. Nakita ni Mark kung gaano kalaki ang sungay at kuko ng demonyo, malaki rin ang katawan nito at punong-puno ng muscle ang katawan. Ibinaba ni Mark ang tingin niya at nakita niya ang kamay ni Mr. Lorence na sobra ang naging sunog nito. Wala ng apoy pero makikita mo na parang pinirito ang kamay niya, ganun din ang likod niya kung saan lumabas ang demonyo. Tinaas ulit ni Mark ang tingin niya at hindi niya namalayan na nakalapit pala ang mukha ng demonyo sa mukha niya. “Mark Vil.” Sobrang natakot si Mark at dahil sa takot niya hindi niya na maramdaman ang buong katawan niya, hindi niya na ito maikilos, hindi na siya maatras ang paa niya, hindi niya na maangat ang kamay niya. Ni hindi siya maiyak o makasigaw, hindi niya na alam kung ano ang nangyayari pero mabuti na lang ang inilayo rin ng demonyo ang mukha nito sa mukha ni Mark. Natauhan si Mark at sinubukan na umatras pero nadulas siya at bumagsak sa lapag. Naalala niya na naman ang naramdaman niyang takot nung may nakita siyang halimaw sa likod ng magulang niya pero mas matindi ang takot na nararamdaman niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD