CHAPTER 29

1312 Words
Nagsimulang magsalita ang demonyo tungkol sa mga kailangan malaman ni Mark habang nasa lapag pa rin si Mark at hindi makatayo. “Natatandaan mo pa ba ako?” “H-hindi k-kita k-kilala?!” Inilapit ng Demon Lord ang malaki niyang kamay kay Mark, akala ni Mark hahawakan siya nito pero hindi pala. Hinarang pa ni Mark ang kamay niya sa mukha dahil akala niya kukunin siya. “Siguro nga.” “Ganito ka pa kasi kaliit noon nung huli kitang nakita.” Nakita ni Mark na dine-describe lang pala ng Demon Lord kung gaano siya kaliit noon. Pagkababa ng kamay ng Demon Lord, nawala ang takot ni Mark dahil inisip niya bigla na baka ang demonyong nasa harapan niya ang makasagot sa mga katanungan niya. Tumayo siya at matapang niyang hinarap ang Demon Lord. “Anong alam mo sa buhay ko dati?” “Saan mo ba ako gustong magsimula?” “Sa pinaka simula.” “Kung iyon ang gusto mo.” Pinakita ulit ng Demon Lord ang malaking niyang kamay at bigla itong nag-snap. Nagulat si Mark dahil biglang umapoy ang buong gym at maya-maya pa ay gumanaw ito pero imbis na labas ng paaralan ang makita niya ay biglang nasa ibang lugar na sila. Dinala si Mark ng Demon Lord sa impyerno pero hindi nakakaramdaman ng init si Mark dahil binigyan na siya ng proteksyon ng Demon Lord. Bago magkuwento ang Demon Lord tumingin-tingin muna si Mark sa lugar na puno ng apoy. Nagtaka si Mark kung bakit wala siyang nakikita na ibang demonyo sa lugar. “Bakit wala ang ibang kasama mo?!” Sinigaw ni Mark ang sinabi niya dahil akala niya kasi hindi siya naririnig ng Demon Lord dahil sa mga tunog na nagliliyab sa paligid. Nainis ang Demon Lord ang nagsalita tungkol sa pag sigaw niya bago dumiretso sa dapat nilang pag-uusapan. “Hindi mo kailangang sumigaw,” Binaba ng Demon Lord ang inis niya at nagsalita ng mahinahon kay Mark. Hindi naman nagsalita si Mark at nakinig lang. “Didiretsuhin na kita sa unang dapat mo malaman.” “Ang una mong dapat malaman ay isa lang talaga ang demonyo sa buong mundo at wala ng iba ‘yon kung hindi ako.” “Iisa lang din ang anghel na nasa langit.” “Ako ang pumapatay at siya naman ang nagbibigay ng panibagong buhay.” “Para maliwanagan ka sa mga sinasabi ko, ibuka mo ang bunganga mo.” Sinunod ito ni Mark at binuka niya ang bunganga niya ng dahan-dahan pero bigla na lang may pinasok ang Demon Lord na apoy sa loob ng bunganga ni Mark. Sinubukan isuka ni Mark ang apoy pero hindi niya ito magawa hanggang sa magbago na lang ang mga nakikita niya sa paligid ng impyerno. Nakita ni Mark ang mga tao na walang mukha, nakatali sa kadena bawat isang leeg nila habang gumagapang sila papunta sa Demon Lord. “Sigurado akong nandyan ang una at pangalawa mong pamilya, Mark.” Napatingala si Mark sa Demon Lord dahil sa sinabi nito. “Ano ang ibig mong sabihin?!” “Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo?” Ngumiti ang Demon Lord habang nagtataka sa ibaba si Mark. “Kakasabi ko lang na ako ang pumapatay at ang anghel sa taas ang nagbibigay ng panibagong buhay.” “Ako lagi ang may responsibilidad sa mga taong namamatay sa buong mundo.” “Binibigyan ko ng curse ang lahat ng tao na gusto kong patayin pero isang araw nakilala ko ang una mong pamilya.” “Nilagyan ko sila ng curse at hindi nila ito kinaya, kaya kinalaunan, namatay silang dalawa pagkatapos mong ipanganak.” “Dinala ka sa orphan at doon ko nakilala ang pangalawa mong pamilya.” “Nakasunod ako palagi sa ‘yo hanggang sa paglaki mo pero hindi ko alam na isa palang Curse Catcher ang pangalawa mong pamilya.” “Sinubukan nila akong ikulong sa libro nang maramdaman nila ako na nakasunod sa ‘yo,” “Ang hindi nila alam hindi ako nakukulong sa libro ng matagal dahil hindi ako isang curse.” “Isa akong Demon, ako si Demon Lord.” “Nagkaroon ako ng pagkakataon na maglabas ng dalawang curses na pwede kong itanim sa pangalawa mong magulang at nagtagumpay naman ako.” “Namatay sila at ikaw na walang alam na ang nag may ari ng libro.” “Dahil sa ginawa mo sa libro, nagkaroon ako ng malaking pintuan para makalabas ng tuluyan at ito ako, nakalabas na.” Nanggigil ang kamay ni Mark habang nakayuko ang ulo pero nakikinig pa rin naman siya sa sinasabi ng Demon Lord. Nagtitiis si Mark na huwag lumaban sa Demon Lord dahil alam niya na wala siyang laban dito, lalong lalo na kung nasa kontroladong lugar sila ng Demon Lord. “Alam ko na nakita mo at naramdaman mo ako sa loob ng katawan ng guro mo pero wala kang ginawa dahil hindi mo alam kung ano talaga ang nakita mo.” “Sinubay-bayan lang ulit kita hanggang sa mag-18 ka na at ito na ang tamang oras para malaman mo ang lahat.” Naalala ni Mark ang lahat ng pagduda niya pagkatapos ng insidente noon sa emergency fire sprinkler. “Ngayon na wala na ang panulat na hinahanap mo sa loob ng ilang taon, may gana ka pa bang maghanap pa ng ibang kasagutan sa buhay ng mga magulang mo?” “Hindi na kasagutan ang hinahanap ko ngayon,” “Ano na?” “Katarungan.” “Ano namang gagawin mo para makamit ang bagay na ‘yon?” Hindi nakasagot si Mark sa sinabi ng Demon Lord dahil hindi talaga alam ni Mark kung paano makakamit iyon. Ang nasa isip niya lang ay patayin ang Demon Lord pero paano niya magagawa ‘yon? “Gusto mo ba na bigyan kita ng paraan para makamit ang bagay na ‘yon?” Natigil si Mark sa pag-iisip at napatingin kay Demon Lord dahil sa sinabi nito. Hindi hiningi ni Mark ang gustong ibigay ng Demon Lord sa kanya dahil nakakapagduda naman talaga na ang pumatay sa mga magulang niya ay ito rin ang magbibigay ng paraan kung paano makakamit ng mga magulang ni Mark ang katarungan na kailangan nila. Dahil sa sobrang tagal ng sagot ni Mark, tinaas na ng Demon Lord ang kamay niya at kinuha ang apoy na pinakain niya kay Mark. Sinuka ito ni Mark at biglang nag-snap ulit ang Demon Lord, kaya bumalik na sila ulit sa mundo ng mga tao. Habang nakadapa at umuubo si Mark dahil sa pagsuka niya, nakita niya ulit si Mr. Lorence na patay na sa sunog. Dahil wala na sila sa impyerno hindi na nagtiis si Mark na sumugod sa Demon Lord. Sinubukan niya itong sapakin sa paa dahil ito lang ang abot niya. Pagsapak niya sa papa ng Demon Lord tumagos siya sa hita nito at nadapa siya sa kabila. Hindi siya sumuko at tumayo siya ulit para sipain naman pero bumagsak lang siya ulit sa kibila. Nakailang subok na atake si Mark sa Demon Lord pero hindi niya ito mahawakan kahit na katiting. Hindi niya alam kung anong problema, bakit hindi niya ito mahawakan hanggang mapagod siya at siya naman ang subukan na hawakan ng Demon Lord. Hinawakan siya ni Demon Lord sa bandang likod ng damit niya at tinaas siya para kausapin. “Hinding-hindi mo ako mahahawakan ng ganyan ka kahina.” “Kahit gaano ka pa kalakas sa physical kung mahina ka sa spiritual hindi mo ako mapapatay katulad ng hinahanap mong katarungan.” Pumapalag-palag pa si Mark habang hawak siya sa damit ng Demon Lord. Hindi namalayan ng Demon Lord na sobrang talas pala ng kuko niya at dahil don nabitawan niya si Mark. Pagbagsak ni Mark sa lupa, sira-sira na ang damit niya at masakit ang pareho niyang paa dahil sa pagkabagsak mula sa mataas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD