CHAPTER 30

1181 Words
Binaba ng Demon Lord ang katawan niya at tinayo si Mark para makausap. Hindi pumalag si Mark dahil alam na niyang hindi niya ito mahahawakan kahit na anong gawin niya. Pinanggigilan niya ito ng tingin habang nagsasalita ang Demon Lord. “Kailangan mo muna lumakas bago mo ko mapatay at doon mo pa lang makakamit ang katarungan na hinahanap mo. “Sabihin mo sa akin kung anong kailangan kong gawin para mapatay ka.” Tumawa ang Demon Lord at itinayo na ang katawan niya. Tumingala na naman si Mark dahil nga tumayo ulit ang Demon Lord. “Simple lang naman ang gagawin mo dahil nasa dugo mo ang pagiging Curse Sealer.” “Ano naman ang ibig sabihin ng Curse Sealer?” “May tatlong uri ng tao dito sa mundo, ang una ay ang normal na ta, sila ang gumagawa ng masama at tama. Ang pangalawa naman ay ang Curse Catcher, sila naman ang pumipigil sa akin para hindi ko mapatay ang mga tao na nilagyan ko ng curses at ang pang huli, sila ang mga taong extinct na.” “Extinct?” “Oo, ikaw na lang ang nag-iisang nagdadala ng dugo nila at galing iyon sa una mong mga magulang.” “Ano naman ang mga kaya nilang gawin?” “Sila ay ang nagdadala ng pinaka malakas na espiritual sa buong mundo at pag nakamit nila ‘yon, kaya nilang tumalo ng demonyo na katulad ko pero hindi ganun kadali ‘yon.” “Bakit?” “Hindi nila kinakaya ang kapangyarihan na nasa nakukuha nila, kaya humahantong sila sa kamatayan.” “Ganun ba ang nangyari sa una kong pamilya?” “Oo, dahil hindi nila ako kinaya.” Huminga ng malalim si Mark at nag-isip hanggang sa makapag desisyon na siya, sinabi niya ng malakas ang desisyon niya sa Demon Lord. “Pumapayag ako!” “Ano ang gagawin ko para makamit ang bagay na ‘yon?” Tumawa ang Demon Lord kay Mark at muling sinabihan ito pero desidido si Mark sa sinabi niya. Napatigil ang tawa ng Demon Lord ng sabihan siya ni Mark. “Bakit ka tumatawa?” “Dahil sinabi ko na sa ‘yo na hindi ganun kadali ‘yon.” “Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para matapos na natin ang usapan at masimulan ko ng magpalakas.” “Tandaan mo, kapalit nito ang buhay mo pag hindi ikaw nagtagumpay.” “Alam ko.” Ramdam ng Demon Lord ang galit na nasa loob ni Mark pero tiningnan muna ng Demon Lord si Mark ng ilang segundo para mas makita pa sa mga mata nito kung gaano ba talaga ito kadesido. Matapos ang ilang segundo binaba ulit ng Demon Lord ang katawan niya at ipinaliwanag kay Mark kung ano ang gagawin niya. “Ilabas mo ang braso mo.” Hindi na nagtanong si Mark at inilabas na lang ang braso niya. Tinutok ng Demon Lord ang mahaba niyang kuko sa maputing braso ni Mark at tsaka ito tinusok. Hindi ito dumugo pero nasaktan ng sobra si Mark. “A-anong ginawa... mo?!” “Masasanay ka rin diyan. Tingnan mo na ang braso mo.” Tiningnan ni Mark ang braso niya pagkatapos na mawala ng sakit. Nakita niya ang isang salita sa braso niya na hindi niya maintindihan kung ano ito. “Anong ito?” “Iyan ang magsisilbing persyento ng lakas mo, ngayon subukan mong hawakan ang daliri ko.” Sinunod ulit ni Mark ang inutos ng Demon Lord at biglang naramdaman ni Mark na may kakaiba at hindi na ito katulad kanina na wala talaga siyang nakakapa. Tumatagos pa rin ang hawak niya pero nararamdaman niya na parang may nahahawakan na siya. “Ang marka na ‘yan ay tinatawag na Enochian.” “Saan ko naman makukuha ang iba pang ganito kung ngayon ay ibinigay mo lang sa akin?” “Makukuha mo ‘yan sa mga curses na ilalagay ko sa mga tao.” Tinaas na ulit ng Demon Lord ang katawan niya at ipinaliwanag kay Mark ang iba pang kailangan niyang malaman tungkol sa markang meron siya sa braso. “Ang isa na ‘yan ay isang example lang.” Nag-snap ang Demon Lord at nawala ang mark sa braso ni Mark. Nabura ito paunti-unti sa braso ni Mark na parang nasusunog. Tumingin ulit si Mark sa Demon Lord matapos niyang makita na nawala na ng tuluyan ang marka sa braso niya. “Makukuha mo ‘yan sa mga curse na ilalagay ko sa mga taong napili ko.” “Sa oras na matalo mo ang mga curses sa katawan ng mga taong pinili ko, automatic na itong pupunta sa katawan mo at magiging marka.” “Hindi ito sasanib sa ‘yo dahil may dugo ka ng pagiging Curse Sealer.” “Lahat ng Curse Sealer ay hindi ko kayang lagyan ng mga curse dahil sa oras na lagyan ko sila lalakas lang sila at makakaya nilang patayin ang isang katulad ko.” “Kaya ang hindi ko pwedeng ibigay lang sa ‘yo ang mga curse katulad kanina, kailangan mo silang paghirapan.” “Nakuha mo?” Hindi tumango si Mark pero mukhang nakuha niya naman ang lahat ng sinabi ng Demon Lord. “Iyon lang ba?” “Huwag ka makampante dahil hindi mo alam kung ano ang mga susunod na makakalaban mo, maaring malakas o maaring triple ang lakas.” “Hindi ako nakakampante, meron lang ako ng utak para kalabanin ang mga ganoong klaseng halimaw.” Bigla napaisip ang Demon Lord at naalala niya na si Mark pala na ang nagmamay-ari ng librong itim ng pangalawa niyang magulang. “Ahh… Malakas ang loob mo dahil tanda mo ang mga nakasulat sa libro na ibinigay sa ‘yo ng pangalawa mong magulang, tama ba ako?” Ngumiti ng sobra ang Demon Lord kay Mark matapos niyang maisip na ang nilalaman pala ng itim na libro ay ang mga curses na nakuha sa kanya ng pangalawang magulang ni Mark. “Bakit ano namang problema roon?” “Wala, mukhang magiging advantage mo ang bagay na ‘yon pagdating sa pakikipaglaban sa kanila.” Parang may mali sa reaksyon ng Demon Lord, kaya hindi ito tinigilan ni Mark. “Ano ngang meron?” “May mga curses pa ba na wala sa libro?” “Sumagot ka, huwag kang puro tawa.” Tumahimik bigla si Mark nang ilapit ng Demon Lord ang kamay niya. Abot tenga ang ngiti ng Demon Lord habang nakatingin kay Mark at namumula ang mata. Nakakatakot ang mukha ng Demon Lord, biglaan na lang talagang napatahimik si Mark. “Malalaman mo na lang pag nakita mo na silang lahat dahil nasa matured stage ka na ng pagiging Curse Sealer mo.” Pinitik si Mark ng pagkabilis at tumama siya sa mga upuan na nasa gilid, nawalan ng malay si Mark pero maayos lang siya. Nagpalamon naman sa lupa ang Demon Lord para pumunta sa impyerno kung saan magtatago siya habang pumipili sa mga tao kung sino ang una niyang lalagyan ng curse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD