CHAPTER 31

1071 Words
Nagising si Mark sa hospital at ang una niyang kita ay si Renzo, kasama ang pamilya. Kinumusta kaagad si Mark ng mga ito, matapos siyang makita na nakamulat na ang mata. “Mark?” Nahihirapan magsalita si Mark at gusto niyang umupo sa higaan, kaya tinulungan siya ni Renzo na iangat ang kalahati ng kama niya. “Anong nangyari sa loob ng gym?” Nagtaka si Mark na nakatingin kay Renzo dahil hindi alam ni Mark kung ano ang mga sunod na nangyari matapos siyang pitikin at mawalan ng malay. “Anong meron sa gym?” “Nasunog ang buong gym pero mabuti na lang at nasagip ka ng isa sa mga naglilinis noon.” Walang alam si Mark sa sinasabi ni Renzo, sinubukan na tandaan ni Mark ang sinasabi ni Renzo pero walang pumapasok sa isip niya hanggang sa sumakit na ang ulo niya, kaya pinahiga na lang ulit si Mark. Kaya naman nasunog ang gym dahil sa iniwang apoy ng Demon Lord matapos siyang magpalamon sa lupa. Alam kasi ng Demon Lord na magtataka sila sa taong sinaniban niya na si Mr. Lorence kung ano ang nangyari dito pati na kay Mark. Ngayon dahil sa ginawa ng Demon Lord, lumabas sa mga bumbero na nagmula ang apoy sa mga wire na pumutok at nahimatay si Mark dahil sinubukan niyang sagipin si Mr. Lorence sa loob pero hindi siya ang tagumpay at namatay sa sunog si Mr. Lorence. Kinuwento ni Renzo ang lahat ng sinabi sa kanila ng bumbero matapos nilang bumalik sa paaralan dahil bigla nilang napansin ang mga tao na nagsisigawan at pabalik sa pinanggalingan nila hanggang sa makita nila ang makapal na usok sa ulap. Nalaman kaagad ni Renzo kung saan ito nanggagaling, kaya pinabalik niya ang papa niya sa paaralan dahil nga naiwan si Mark sa paaralan. Pagkarating nila sa paaralan malaki na ang sunog, tinanong nila sa bumbero kung may tao ba sa loob at tinuro na lang ng bumbero ang ambulansya na umalis na. Tsaka lang nila na realize na nakasalubong pala nila ang ambulansya kung saan nakasakay si Mark. Sinabi naman ng bumbero kung saang hospital dinala si Mark. Dali-daling bumalik sa sasakyan ang magpamilya at pumunta sa hospital kung at dito na nila na abutan si Mark na binibigyan ng oxygen. Sa ngayon sinabi ng doctor na maayos na siya at pwede na siyang i-uwi maya-maya pagkatapos na makapagpahinga ng konti. Wala naman kasing paso si Mark sa katawan dahil maaga siyang nasagip. Hindi na naghintay pa ang mga magulang ni Renzo at nauna ng umuwi sa bahay nila kasama si Clarence dahil kailangan pa nilang asikasuhin ang mga pagkain sa bahay. Si Renzo ang naiwan kay Mark dahil wala namang iba. Mag-co-commute na lang sila papunta sa bahay nila Renzo. Dalawang oras din inantay ni Renzo si Mark magpahinga at tsaka sila lumabas sa hospital. Hindi muna tinanong ni Renzo si Mark ng kung ano dahil nakita ni Renzo na medyo mahina pa talaga ang katawan ni Mark. “Sa bahay ka na muna tumuloy.” Ngumiti lang si Mark habang nakaakbay ito kay Renzo dahil inaalalayan siya ni Renzo sa paglakad. “Hindi ba sa bahay niyo naman talaga ako matutulog ngayon dahil may handaan kayo para sa graduation nating dalawa?” Naghintay pa sila ng kaunti sa sakayan ng bus bago sila nakabyahe talaga papunta sa bahay nila Renzo. Pagpasok naman nila sa bahay busy pa ang mga tao at meron rin mga bisita na hindi kilala ni Mark pero hindi naman tumagal si Mark sa sala dahil dinala siya kaagad ni Renzo sa kwarto at doon pinahiga. “Diyan ka muna.” “Salamat.” Kinumutan ni Mark ang sarili niya at lumabas na si Renzo sa kwarto para pumunta sa sala at harapin ang mga bisita nila. Isang oras ang nakalipas umakyat ulit si Renzo sa kwarto niya para dalan ng pagkain si Mark. “Gumising ka na muna.” Tinapik ni Renzo si Mark para magising at nagising naman ito. Tinulungan ni Renzo si Mark bumangon sa kama pero si Mark na ang nagsubo sa sarili niyang pagkain. Pumunta na lang si Mark sa desk niya at umupo sa upuan nito. “Kaya mo bang pumasok bukas?” “Kung hindi sasabihin ko kay boss na may sakit ka, kaya hindi ka muna papasok ng ilang araw.” Hindi nagsalita si Mark dahil kumakain na siya pero sumenyas siya na huwag sabihin sa boss nila na hindi siya papasok bukas. “Kaya ko naman, ngayon lang naman ‘to. Mawawala na rin ito bukas.” “Gusto mo kumuha ako ng damit sa bahay niyo para hindi ka na pumunta bukas sa bahay niyo, pag-uwi mo na lang?” “Pwede mo bang gawin ‘yon?” Hindi naman na kailangan magpaawa ng mukha dahil gagawin naman ni Renzo ‘yon kahit anong mangyari pero ginawa pa rin ni Mark. Natawa na lang si Renzo at sumunod naman si Mark dahil nakita niya ang reaksyon ni Renzo. “Huwag mo ngang gawin ‘yan, kukuha naman talaga ako ng damit mo sa bahay mo kahit pa hindi mo gawin ‘yan dahil ayaw ko na gamitin mo ang mga damit ko.” Binaba ni Mark ang kutsara niya sa tray at kinuha sa bulsa ang susi ng bahay niya pero hindi ito tinanggap ni Renzo. “Huwag na meron ako rito.” Nilabas ni Renzo ang spare key ni Mark, kaya nagulat si Mark. “Hindi na sa akin kinuha ni papa ito dahil hindi mo naman daw siya madalas nakakasama.” “Alam mo, nag-aalala na ako sa sarili ko.” “Bakit?” “Baka kasi biglang patayin mo ko sa bahay ko dahil may susi ka ng bahay ko tapos nakawan mo ‘ko.” Lumipat si Renzo kay Mark at hinampas ito sa ulo kahit pa alam ni Renzo na biro lang iyon ni Mark. “Gusto mo bang mamatay na ngayon dito?” “B-biro lang naman.” Awkward na tumawa si Mark habang nakapikit. Tumalikod naman si Renzo habang nakalingon ng kaunti kay Mark. “Sige na at pupunta na ako sa bahay mo.” Naglakad na si Renzo papalabas ng pinto pero bago pa makalabas si Renzo nagpasalamat muna si Mark dahil sa ginawa niyang pag-aasikaso sa kanya. “Salamat!” Sinarado ni Renzo ang pinto at tinuloy naman ni Mark ang pagkain na hinatid sa kanya ni Renzo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD