CHAPTER 32

2284 Words
Kinuhanan kaagad ni Renzo si Mark ng damit sa kwarto niya ng bigla niyang nakita ang family picture nila Mark at ng pamilya niya. Inilapag na muna ni Renzo ang mga damit na kinuha niya at tiningnan nang mabuti ang picture. Totoo ang saya sa ngiti ni Mark pati na ang magulang niya at ipinagkumpara ni Renzo sa isip niya ang ngiti ni Mark ngayon sa ngiti ni Mark sa picture. Malaki ang pagkakaiba pero naalala ni Renzo ang mga minsan nilang pagsasama at katulad ng ngiti niya sa picture ganun din ang mga ngiti niya noong nagkakasiyahan sila ni Mark pero halos kaunti lang ang mga alaala na ganun na nasa isip ni Renzo dahil nga palaging busy maghanap si Mark ng sagot sa mga katanungan niya. “Kailan mo pa kaya mahahanap ang hinahanap mong sagot sa mga katanungan mo..?” Lingid sa kaalaman ni Renzo na nahanap na ni Mark ang sagot nito, pero dahil sa sinabi ng Carol kay Mark ay magdadalawang-isip si Mark na sabihin kay Renzo ang mga pinagdaanan niya. Ngumiti si Renzo sa picture ng pamilya ni Mark at ibinalik na ito kung saan nakalagay. Lumabas si Renzo dala-dala ang damit na kinuha niya para kay Mark, ni-lock na rin ni Mark ang pinto ng bahay ni Mark pagkalabas niya. Mabilis na bumalik si Mark sa bahay nila, katulad ng sabi niya kay Mark bago siya umalis. Kinabukasan ay bumangon si Mark sa kama ni Renzo at hindi na naman niya nakita si Renzo pero nakita niya ang damit niya sa lamesa. Iniwan ito ni Renzo noong gabing tulog siya. Inisip niya na nasa baba ito, kaya kinuha niya na ang damit at bumaba sa sala. Pagbaba ni Mark sa hagdan ay nakita niya na busy ang ang mag-asawa. Napansin siya ng mag-asawa pero si Mr. Lawrence lang ang tumigil sa harapan niya. “Hinahanap mo si Renzo?” “Opo, may kailangan po akong sabihin sa kanya.” “Pabalik na ‘yon, hintayin mo na lang.” “Sige po, pero habang wala po siya eh maliligo po muna ako.” Ngumiti si Mr. Lawrence at sumunod na sa asawa papunta sa kusina. Ngumiti rin si Mark ay Mr. Lawrence kasabay ang pagyuko at hinintay si Mr. Lawrence na lumiko sa kusina bago siya pumunta sa banyo na nasa gilid ng hagdanan na binabaan niya. Naligo si Mark at pagkatapos niya ay saktong sumalubong sa kanya si Mr. Lawrence dahil papunta ito sa second floor. “Renzo tapos na si Mark maligo!” Tinawag ni Mr. Lawrence ang anak niya na nasa sala dahil sinabihan niya si Renzo kanina na may kailangang sabihin si Mark sa kanya. Habang pinupunasan ni Mark ang buhok niya lumabas si Renzo sa sala at napatigil sa si Mark sa ginagawa niya. Nakita ni Mark ang isang sloth na nakakapit sa leeg ni Renzo. “Mark?” Sinusubukan siyang tawagin ni Renzo pero hindi umiimik si Mark, naka-focus kasi ang lahat ng senses ni Mark sa sloth. Normal lang naman itong sloth pero alam ni Mark na curse ito dahil sa kakaibang awra na binibigay nito sa paligid. Ilang beses na siya tinatawag at tinatapik ni Renzo pero hindi ito nararamdaman ni Mark dahil inaalala niya kung ano ang dinescribe ng mga magulang ni Mark sa libro. Isang minuto rin siyang nakatulala hanggang sa maalala niya kung malala ba ang curse na ito dahil may mga curses na mahihina, pero sa oras na galawin mo at pakialaman mo ay lalakas sila. Dahil nalaman na ni Mark kung paano niya matatalo ang sloth na curse sa leeg ni Renzo. Habang nakatingin kay Renzo bigla na lang nag-aya si Mark na mag-jogging sa labas. “May sasabihin ka raw sa akin sabi ni papa?” “Oo, pero kung sasamahan mo muna ako mag-jogging.” “Huh?” “Teka lang.” Nagtataka si Renzo kung bakit bigla na lang nag-aya si Mark ng jogging eh kaliligo lang nito. Pumunta ulit si Mark sa banyo para isauli ang tuwalya na kinuha niya at tsaka siya bumalik kay Renzo pagkatapos na ibalik ang tuwalya. “Seryoso ka ba?” “Oo, tara na.” “Hindi naman pang-jogging ang suot mong ‘yan.” “Okay lang ‘yan!” Sumigaw si Mark dahil nakalabas na siya sa pintuan at iniwan niyang nakabukas ang pinto dahil hindi pa lumalabas si Renzo sa loob ng bahay. Wala namang magawa si Renzo kung hindi sumunod lang kay Mark. Nag-jogging silang dalawa hanggang sa mapagod si Renzo at napaupo sa tabi. Nag-ja-jog in place pa rin si Mark sa harapan ni Renzo. “Hindi mo na kaya?” “Pahinga muna.” Tumigil si Mark sa pag-jogging at tumabi kay Renzo. Hindi na pinalampas ni Mark ang pagkakataon at tinapik niya si Renzo sa likod, nang maramdam ni Mark ang curses agad niya itong hinawakan sa leeg. Hindi niya alam kung paano niya nahahawakan ito pero mukhang dati niya pa ito kaya gawin, hindi niya lang ginagawa dahil takot siya. Habang hawak niya ito sa leeg, tinatago niya rin ito sa mga mata ni Renzo. Ang curse kasi na lumapit kay Renzo ay kailangan na ilayo ng ilang minuto sa katawan ng isang tao kung saan ito unang dumampi para mapatay. Isa rin sa mga katangian nito ay hindi ito kakapit sa iba sa oras na maramdaman mismo ng curses na hindi normal ang isang tao. Kaya nang mahawakan ni Mark ang sloth na curse, pumalag ito pero dahil sa leeg nakahawak si Mark wala itong kawala. Bago pa lumingon si Renzo kay Mark, namatay na kaagad ang curse na sloth. Nagtaka pa rin si Renzo dahil nakataas ang kamay ni Mark. Nakalimutan kasing ibaba ni Mark ang kamay niya dahil inoobserhan niya pa ang curses kung paano mamatay. Nang mapansin niya naman si Renzo na nakatingin na pala, agad niyang binaba ang kamay niya at umakting ng normal. “Ano ‘yon?” “Wala.” Tumayo si Mark at nag-jogging na ulit, tumayo na rin si Renzo at sumunod kay Mark. “Hindi ka na ba hinihingal?” “Oo. Ewan ko pero parang mas gumaan ang pakiramdamn ko kaysa kanina.” Magkatabi silang nag-ja-jogging habang nag-uusap. “Mabuti naman.” “Nga pala, ano ‘yung sasabihin mo?” “Ahh, tungkol lang iyon sa trabaho mamayang hapon.” Nagsinungaling si Mark kay Renzo, gusto niya sanang sabihin ang totoong nangyari kahapon sa paaralan nila. Pero dahil sa curse na nakita niya kay Renzo ngayong umaga, kasama ng alaala niya kay Carol tungkol sa ayaw niyang madamay sila Renzo sa kung ano man ang hinahanap ni Mark, ay kinailangan niyang magsinungaling. Dalawang araw na ang nakalilipas matapos makuha ni Mark ang marka na galing kay Renzo. Sa ngayon wala pa siyang nakikitang iba, naghihintay lang siya habang tinatapos niya ang trabaho niya. Kasama ni Mark sa trabaho si Renzo pero dahil maraming customer, hindi sila pinapayagan na mag-usap. Habang nag-se-serve ng pagkain si Mark dumating ang isang babaeng customer na nakapagpatigil sa kanya pero dahil marami silang naglalakad sa restaurant naging masikip ang daan at muntik pang matapon ang dala ni Renzo. Dumaan kasi si Renzo kung saan nakahinto si Mark para ibigay ang order ng tao na um-order sa bandang gilid ni Mark. “Mark?” “Ay, sorry.” Mas mabilis naman mag-react ngayon si Mark dahil hindi niya na ito first time na makakita ng curse. Bumalik ulit si Mark sa trabaho niya, may magtatanong na sana sa babae na katrabaho rin ni Markpero agad niya itong pinigilan at sinabihan na siya na magpalit sila. “Ako na riyan. Dalhin mo ‘to roon.” “Bakit po?” Nag-isip pa si Mark ng isasagot hanggang sa wala siyang choice kung hindi magsabi ng weird. “Type ko siya.” Wala nang nagawa ang katrabaho niya at nakipagpalit na lang ng gawain kay Mark, habang si Mark naman ay lumapit na sa babae para hingin ang order nito. “Can I take your order please?” “Yes.” Habang kinukuha ni Mark ang order ng babae pinag-usapan ni Renzo at ng tao na nakipagpalit sa trabaho ni Mark. Nahalata kasi ni Renzo na parang may kakaibang nangyayari kay Mark. “Anong meron do’n?” “Kay Mark?” “Oo.” “Ahh, sabi niya type niya raw yung babae.” “Talaga?!” Nagulat si Renzo at napatingin sa kanya ang iilang tao na nakarinig sa boses niya. Nang makita niya na nakatingin sa kanya ang mga iyon ay yumuko na lang siya bilang tanda ng paghingi ng pasensya niya. “Sige na, iba na lang ang gawin mo.” Para maiba ang usapan niya sa katrabaho nila ay iniba niya na lang ang usapan at pinabalik niya na sa trabaho. Bago pa lang kasi ang lalaking katrabaho nila, kaya nasasabihan nila ito ng gano’n. Pagmamasdan pa sana ni Renzo si Mark dahil ngayon lang nakita ni Renzo na nagkagusto si Mark sa babae pero dahil maraming customer ay sunod-sunod ang kilos nila. Nagpipigil si Mark huwag pansinin ang curse dahil alam niyang magwawala ito sa oras na malaman nito na nakikita niya ang curse. Ang curse ay isang malaking elepante, hindi ito kasya sa loob ng restaurant pero dahil curse nga ang elepante ay nakatatagos ito sa kahit anong bagay. Kanina, habang nakatayo si Mark at pinagmamasdan ang babae pati na ang curse nito, inaalala ni Mark kung nasa itim na libro ba ang curse. Noong nakipagpalit na siya ng trabaho sa katrabaho niya at nagsinungaling na type niya ang babae, doon niya na naalala kung ano ang curse na ito. Um-order ang babae ng maraming pagkain at maraming tubig pero hindi ito um-order ng maanghang na pagkain. “Pwede niyo pong subukan ang specialty namin na spicy ramen namin for free.” “Talaga?” “Marami po kasi kayong in-order, kaya free na ang isang pagkain para sa inyo.” “Sige po, hindi ko po tatanggihan ‘yan.” Nang isusulat ni Mark ang spicy ramen sa papel biglang nag-honk ang curse na elepante sa kanya. Nabingi siya pero pinigilan niya ito para hindi mapansin ng elepante na hindi siya normal na tao. Ang mga katangian kasi ng curse na ito ay kabaliktaran ng una niyang nakita kay Renzo. Hindi ito nakararamdam kung normal ba o hindi normal ang tao na malapit sa kanya. Gusto lang nito lagi kumain at hindi ito palipat-lipat sa tao dahil sa laki nila, pinipili lang din nila ang mga taong alam nilang malakas kumain. Mamamatay kasi sila sa oras na ang pinili nila ay mahina ang sikmura sa pagkain. Maayos na ang order ng babae, kaya pumunta na siya sa kusina para ibigay ang listahan sa mga tagaluto pero pinagsinungalingan niya rin ito. “Order!” “Finish the spicy ramen first. Our customer wants to eat spicy ramen first.” Sinunod naman nila ang sinabi ni Mark at mabilis na na-serve ni Mark ang spicy ramen sa babae. “I’m sorry, but your other orders may take a while.” “Ayos lang. ‘Yan na ba ang free na spicy ramen?” Nilapag ni Mark sa lamesa ang spicy ramen sa babae pagkatapos nitong mapansin. “Yes, pwede mo na po siyang kainin habang hinihintay mo ang iba mong order.” Ngumiti ang babae at nilasahan na ang pagkain. Isang malakas na honk na naman ang narinig ni Mark matapos na matikman ng babae ang maanghang na ramen. Naubo-ubo ang babae, kaya agad itong inasikaso ni Mark. “Do you want some water?” “No, no. Kaya ko na ‘to.” Tumayo ng maayos si Mark at humarap sa curse na elepante. Nakita siya nito na nakatingin sa kanya, kaya nagwala ang elephante. Isang malakas na hangin ang pumasok sa loob ng restaurant kahit pa nakasara naman ang pinto. Nagtaka ang mga tao pero hindi naman nag-panic. Dahil sa nangyari kailangan ni Mark na mapalayo ang curse na elepante sa babae para ma-seal niya ito sa katawan niya. Tinapat ni Mark ang kamay niya sa nagwawalang curse na elepante at ginamit niya ang kakaunting kapangyarihan na nakuha niya sa curse na sloth para maitulak ang elepante sa labas. Walang nakapansin sa ginawa ni Mark dahil hindi ito ramdam ng mga normal na tao. Tumaob ang elepante sa labas ng restaurant at nahihirapang tumayo dahil sa laki nito, hindi na inisip ni Mark ang trabaho niya. Lumabas na lang siya bigla sa restaurant habang nakasuot ng uniform. Walang nakapansin sa kanya dahil busy ang lahat ng tao sa loob, lahat ay may ginagawa maski ang mga tao na kumakain, busy sa pagkain ng mga in-order nila. Lumapit si Mark sa elephante at hinawakan ito, hindi rin siya pinansin ng mga dumaraan na tao sa labas ng restaurant dahil may kanya-kanya silang pupuntahan. Nilapat ni Mark ang kamay niya sa katawan ng curse na elephante at pumikit. Nag-focus siya hanggang sa higupin ng katawan niya ang elepanteng curse. Tiningnan ni Mark kaagad sa braso niya kung nag marka ba ang bagong curse na na-sealed niya. Naghintay pa siya ng ilang segundo bago niya makita na nagmarka ang bagong curse sa katawan niya. Nakaramdaman siya ng kaunting sakit matapos magmarka ng bagong curse na na-sealed niya, pero wala pa ang sakit na naramdaman niya ngayon sa naramdaman niya nung binigyan siya ng example ng Demon Lord. “Mark!” Napalingon kaagad si Mark sa gilid niya nang marinig niyang may sumigaw sa pangalan niya at nakita niya ang manager nila na galit. “Sorry po,” Agad namang pumasok si Mark at hindi na muna pinagalitan ng manager nila dahil marami pang gawain sa loob ng restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD