Paglabas niya ng flower shop ay dumiretso naman siya sa bilihan ng mga imported na tsokolate. Pagpasok niya sa loob ng tindahan ay laking gulat niya sa dami ng tao na naroroon. Napakamot na lang siya tuloy ng ulo lalo nang makita nito ang hilera ng mga imported na tsokolate. Napabuntong-hininga pa siya dahil hindi na naman niya alam kung ano ang kanyang bibilhin na tiyak na magugustuhan ni Tricia. Niligid na muna niya ang kanyang mga mata para magmasid kung ano ang karaniwang dinadampot ng mga mamimili ng tsokolate. Napaisip siyang bigla na hindi naman niya pwedeng gayahin ang mga kinukuha ng mga ito dahil iba't ibang klase naman ang tsokolate na dinadampot ng mga mamimili. Kaya ibinaling naman niya ang kanyang tingin sa iba pang mamimili. At sa pagligid ng kanyang mga mata ay may nakita

