Maagang nakapagpahinga si Tricia at si Mark. Dahil balak ni Mark na dalawin ang dalaga sa bahay ng tiyahin nito kinabukasan para alamin kung galit pa nga ito sa kanya. Habang si Mark ay iniisip ang pagdalaw niya kay Tricia at kung ano ang pwede niyang ibigay para mabawasan ang galit nito sa kanya. Samantala, si Tricia naman ay walang tigil sa katatawa na animo'y nasisiraan na ng ulo. Marahil ay walang pagsidlan ang kasiyahan nito sa nadarama niya magmula nang sabihin ni Mark ang tunay nitong nararamdaman para sa kanya. Dahil sa lakas ng tawa ni Tricia ay nagising ang tiyahin nito sa kanyang pagtulog. Tumayo ito sa kama at pinuntahan ang pamangkin na walang magawa kung hindi ang tumawa nang tumawa. Nakakunot ang noo nito habang papalabas ng kwarto. Pagtapat niya sa kwarto ng kanyang pamang

