Habang sila ay nakasilong sa malaking puno ay may narinig si Mark na tumawag ng kanyang pangalan ngunit mahina lang ito kaya hindi ito gaanong narinig ni Tricia. Nang mapalingon si Mark sa kanyang likuran ay nakita nito ang babaeng walang ulo. "Bianca?" Mahinang bulong ni Mark sa kanyang sarili. Nang mapatingin sa kanya si Tricia ay napangiti lang ito sa dalaga. Gustuhin man niyang sabihin na nasa likuran nila si Bianca ay baka kumaripas ito ng takbo. Kaya hinayaan na lang niya muna na walang alam ang kaibigan. Maya-maya pa ay nagpaalam siya kay Tricia. "Tricia, dito ka lang muna may babalikan lang ako sa looban." "Ha? Bakit ano naman ang babalikan mo sa looban? Sama na lang ako. Ayoko maiwan mag-isa rito." "Sandali lang naman ako roon. Basta dyan ka lang muna. Okay?" "O, sige basta

