Nang maihatid ang dalawang magkaibigan sa kanilang bahay ay hindi muna dumiretsong umuwi si Tricia sa bahay ng kanyang tiyahin bagkus ay sumama muna ito sa lumang bahay. Bago sila makapasok ng gate ay may naaninag na si Mark sa hindi kalayuan na nakamasid sa kanila ni Tricia. Itinuro niya ito sa kaibigan. "Tricia, huwag kang papahalata." "Bakit?" "Nakikita mo ba 'yung naaaninag ko na lalaki malapit sa kanto? Tingnan mo ng pasimple huwag ka lang magpapahalata." "Ha? Wala naman, ah!" "Ano? Hindi mo ba siya nakikita?" "Sino? Wala namang tao sa kanto. Tingnan mo kasi." Muling lumingon si Mark kung saan nakatayo ang lalaki pero wala na ito ng muli niya itong tingnan. "Nasaan na 'yun? Kanina lang ay nakatayo siya malapit sa kanto. Nakasuot pa nga siya ng sumbrero na asul." "Baka naman u

