Pinainom muna ni Mark ng tubig si Tricia dahil sa sobrang hingal nito sa pag-akyat ng hagdan. Nang umigi na ang pakiramdam ni Tricia ay saka nito sinabi ang masamang balita kay Mark. "Bakit ka nga pala humahangos? May problema ba?" "M-mark, s-si hepe–" "Bakit? May nangyari ba kay hepe?" "Huwag kang mabibigla. Mark, wala na si hepe." "Ha? Hindi kita maintindihan. Anong wala na si hepe?" "Kani-kanila lang bago raw pumunta si hepe sa lugar na pinuntahan natin kahapon ay–" "Ay ano, Tricia?" "May nagpasabog daw ng sasakyan niya at kasama siya sa pagsabog. At ang masaklap pa roon ay dala-dala niya ang lahat ng ebidensya na makapagtuturo sana kay Sandro." "A-ano?" Nang marinig ni Mark ang masamang balita ay napaupo ito at napatulala sa isang tabi. Lahat ng pinaghirapan nila na ebidensya

