Habang nagtititigan ang dalawang magkaibigan ay may biglang sumingit na kapitbahay at nagwika, "Naku, baka naman hindi kayo matunaw niyan sa lagkit ng inyong tinginan." Nagulat na lang ang dalawa nang may biglang nagsalita sa likuran ni Tricia. At dahil sa sinabi ng kapitbahay ay nagtawanan ang dalawa. "Uy! Ano ba wala ka bang balak na papasukin ako?" Umiling-iling si Mark saka niya tinalikuran ang dalaga. Pagtalikod niya ay lihim naman itong tumawa. Alam niya kapag ginawa niya iyon ay tiyak na magwawala na naman sa galit si Tricia at iyon ang gusto niyang mangyari. Dahan-dahan siyang lumalayo sa gate para lalong inisin ang dalaga. Pero imbes na mainis ito ay may nakahanda rin siyang pang-inis dito. "Okay lang kung ayaw mong buksan ang gate." Pero hindi naman natinag si Mark sa sinab

