Nang yakapin ni Mark si Tricia pakiramdam ng dalaga ay tapos na ang lahat ng kanyang problema. Ang hindi nito alam ay mayroon pang malaking suliranin silang kakaharapin. Sa yakap pa lang ni Mark ramdam niya na protektado siya nito anumang oras. "Okay ka na ba, Tricia? Baka may gusto ka pang sabihin sa akin na ikagagaan ng pakiramdam mo." "Ang alam ko sa ngayon ay wala na. Hindi lang ako sigurado sa susunod na mga araw. Sana nga wala ng problema na dumating sa ating dalawa." "So, ibig bang sabihin nito eh, pwede na kitang ligawan?" Bakas sa mukha ni Tricia ang pagkabigla sa sinabi ni Mark. Pero lihim naman itong natuwa sa kanyang narinig. Alam niyang darating din ang oras na manliligaw ang kaibigan kaya handa naman siya sa maaaring mangyari. Ang tanging problema na nga lang ay ang pagb

