Halos itaboy na naman ni Tricia si Mark na umuwi. Pero bago ito umuwi ay may inabot sa kanya ang dalaga. "Ano ito, Tricia?" "Buksan mo kaya!" "Oo nga naman!" Natatawa naman si Mark habang binubuksan niya ang maliit na kahon. Kinakabahan pa ito habang nakatingin naman siya sa kaibigan at hindi sa kahon. Wala siyang ibang naiisip kung hindi ang butil na mayroon din si Tricia. Dahan-dahan pa niya itong binubuksan hanggang sa bigla na lang niya itong naibalibag sa sahig. "Mark! Bakit?" "Sorry!" "Hindi mo ba nagustuhan ang rosaryo? Bigay pa kasi sa akin iyan ni Tita Belen kaya gusto ko sana ay suotin mo iyan. Benditado na kasi iyan para naman may gabay ka at mailayo ka sa anumang panganib kapag hindi tayo magkasama lalo na ngayon na panay pa naman ang pananakit ng ulo mo." "Ah...eh!"

