Nang marinig ni Mark ang mga boses kung saan siya nakatayo ay nilapitan niya ang isang pinto na nakabukas at mula roon ay nakarating siya sa isang lugar na pamilyar sa kanya. Napuntahan na niya iyon noong bata pa siya kaya alam niya ang lugar na iyon. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakaharap na niya ang engkanto na dumukot kay Lyka. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ng harapan ang engkanto na nakikita lamang niya sa kanyang panaginip o maging sa mga librong pambata. Napabuntong-hininga siya bago ito nakapagsalita. "Ikaw? Nasaan si Lyka? Pakawalan mo na siya?" "At bakit ko naman gagawin iyon? Sino ka ba sa akala mo? Isang ordinaryong tao na napunta lang sa aming mundo. Umuwi ka na kung ayaw mong pati ikaw ay makulong sa aming mundo." "Uuwi lang ako kapag kasama ko na si

