"Bakit ako matatakot sa isang engkanto lang? Marami na akong nakaharap na kakaibang nilalang ultimo nga ang isang Demon Lord ay nakaharap ko na. Ano pa ba ang dapat kong katakutan." Pagmamayabang na sabi nito sa sarili. Pagkatapos kumain ay hinanda na niya ang kanyang gamit na dadalhin sa pagsugod sa manliligaw ni Lyka. Naisip niyang huwag ng isama si Tricia para hindi na ito makadagdag pa sa kanyang isipin. At ayaw rin naman niyang madamay pa ito sa galit ng engkanto. Hindi biro na makaharap ang isang engkanto. Maraming pagsubok ang maaaring suungin ni Mark bago niya marating ang sinasabi nitong kaharian. Pero isa sa nabasa niya sa itim na libro ay ang pagkakaroon nito ng bahay na katulad ng isang pangkaraniwang tao. At ang bahay na 'yon ang pwedeng makapagturo sa kanya kung saan mahaha

