"Basta! Iba ang nakita kong galit niya sa kanyang ina." "Nakita? Pa-paanong nakita? Saan?" "Nakita ko sa panaginip ang lahat ng mga nangyari kay Lyka bago pa siya kuhanin ng engkanto. Kaya nasabi ko sa'yo na iba ang galit ni Lyka sa kanyang ina. Parang may iba pang dahilan ang galit niya." "Baka ang sinasabi mo ay 'yung galit niya sa ama-amahan niya ngayon?" "Ama-amahan? Bakit nag-asawa ba ulit ang mama niya?" "Oo. At isa 'yun sa dahilan kung bakit maagang nawala ang ninong." "Ganun ba? Kaya siguro." "Anong siguro?" "Sabi kasi ng engkanto kapag sumama raw sa kanya si Lyka ay wala ng sakit siyang mararamdaman. Baka iyon ang gustong ipahiwatig ng engkanto sa kanya. Pero alam mo parang hindi naman ganun kasama 'yung engkanto parang may puso naman 'yon kaysa sa ibang engkanto." "Paano

