Habang pinagmamasdan niya ang anino na nakamasid sa dalaga ay bigla itong nakaramdam ng kaba sa maaaring gawin ng engkanto kay Lyka. Inaabangan ni Mark ang susunod na hakbang na gagawin nito sa dalaga. Unti-unting lumalapit ang engkanto sa kinaroroonan ni Lyka. Walang kamalay-malay si Lyka na nasa tabi na pala niya ang engkanto na kanyang kinamumuhian. Bago pa magising si Lyka ay may orasyon na sinambit ang ang engkanto para ito ay makatulog pa ng mahimbing pagkatapos ay isinagawa na niya ang maitim nitong balak sa dalaga. Binitbit nito ang tulog na katawan ni Lyka at pinalitan ng isang katawan ng saging na animo'y tao rin na kawangis ng dalaga. Iyon ang nakikita sa ngayon ng kanyang ina. Nang mabitbit na ng engkanto ang katawan ni Lyka ay umalis na ito at nagtungo kung saan siya nakatira

