Chapter 1 Swerte
Swerte
Ready na ang kanyang company luggage. Pati na rin ang kanyang hand carry bag. Excited na siyang mag-flight pauwi ng Pilipinas. Kung pwede nga sanang lumipad na lang ay kanya ng ginawa. Halos tatlong taon siyang naging All Around Beautician sa bansang Saudi Arabia. Sa bansang nasa Gitnang Silangan kung saan may mas pinakamaraming manggagawang pinoy.
Ewan nga ba kung bakit siya nakumbinsi noon na mangibang bansa. Kung tutuusin naman ay tapos siya ng BEED at pumasa pa sa board exam samakatuwid isa siyang licensed teacher na pwedeng magturo. Nakapagturo naman siya ng sandaling panahon kaso hindi niya nagustuhan. Palibhasa kasi hindi niya kursunada ang kursong natapos. Ayaw niya ang maging teacher. Nursing sana ang kanyang plano kaso walang pera para sa kanyang pangarap na kurso.
"Anak mura ang tuition ng teacher kaya 'yon na lang ang kunin mong kurso. Hindi namin kaya ng iyong ama ang nursing na iyan," pakiusap na sabi ng kanyang ina.
"Sige po."
Iyon na ang sinunod ni Danish ang kagustuhan ng mga magulang. Natapos niya ang pagiging teacher na may karangalang sabit na medalya.
Nang nagkaroon ng biglaang pagkakataon para siya ay makapag abroad bilang Beautician kaagad niya itong sinunggaban sa pag-aakalang masarap ang buhay sa abroad. Kung makapagpost nga naman kasi sa f*******: ang kanyang mga ka batch mate noong high school ay parang nakapasaya ang magtrabaho sa ibang bansa. Gumaganda ang mga ito at naging mga mukhang mayayaman pa.
"Hello friend! Gusto mo ba dito"
Tinutukoy noon ni Laarni na kanyang bestfriend since high school ang visa. Nagpunta kasi dito sa pinas noon mismo ang Arabong amo ni Laarni na may dalang ready visa.
"Ows! talaga sige. Sige gusto ko," excited niyang sagot.
"O sige tawagan ko lang si Babah at sabihin kong papuntahin kita bukas."
"Sige, sige! Pero teka lang, hindi ba naman ako mamatay dyan. Di di ba nga close country 'yan. Mahigpit silang masyado," birong hirit ni Danish.
"Eh di sana namatay na ako," natatawang sagot naman ng kaibigan.
"Sure ka dyan ha! Ano ba 'yong totoo? Hindi ba nakakatakot dyan. Baka kasi mamatay ako dyan huhuhu. Ayoko namang mamatay ng maaga noo! Sayang ang magiging lahi ko," makulit na turan ni Danish.
"Nandito ako kasama mo. Bago ka mamatay ako muna ang mauna."
Natatawa na lang ang kaibigang si Laarni sa mga kaduwagang hirit ni Danish. Kilala kasi niya ang kaibigan. Matapang lang kung magsalita si Danish pero mahina ang loob.
"Ah basta pagka namatay ako dyan ipa- cremate mo ako tapos isaboy mo sa Jordan River ang aking abo para hindi na ako dumagdag pa sa polusyon ng mundo. O kaya pagka iuwi ako dito sa Pilipinas pink ang kabaong ko. Gusto ko Hello Kitty ang print. Kaya sige na okay na ako sa abroad-abroadan na 'yan."
Sa dami ng kanyang sinabi siya rin ang napahagalpak ng tawa. Sumasakit na ang panga ni Danish sa mga sinasabi niyang puro naman kalokohan.
"Sos! naman mamatay ka na rin lang, ang dami mo pa ring kuda. Hindi ba pwedeng iba na lang ang isipin mo. Na pagka nandito ka gaganda ka lalo kasi dito centralized aircon. Mag C.R ka na lang naka aircon ka. At dito may taga laba hindi ka magkukusot ng damit mo kasi ihatid mo lang sa laundry. Sigurado akong puputi ka ng husto na parang papel dahil maputi ka na. Iyang kutis mong labanos naku! mahihigitan pa yan. Saka 'yong pangarap mong araw-araw maliligo ng milk with lemon. Naku! naku! matutupad dito 'yan kasi mura lahat ng bilihin. At 'yong pagka fashionista mo naku! naku! lalo mong mapagbuti. Maraming damit dito na magaganda. Sa murang halaga lang makakabili ka na ng original at signature pa. At ito pa araw-araw mong mapapalitan ang kulay ng nail polish mo dahil libre. Ganun din ang hair color mo pwede mong ibahin araw-araw. Sa parlor kasi tayo hindi mo kailangang gumastos. Ang gusto ni Babah kailangan nagpapaganda ang kanyang mga beautician. Tayo rin ang mga modelong tinitingnan ng mga customer. Huwag ka ng matakot. Isipin mo gaganda ka rito lalo."
Todo ang pagkumbinsi ni Laarni sa kanya. Kaya unti-unti na nga siyang nahikayat.
"Wee hindi nga! Doon ako masyadong nakumbinsi sa maliligo ng milk with lemon eh. Na pwede ko siyang araw -araw gawin. Hahaha bet ko 'yang mga ganoong bisyo. Talaga lang ha baka naman hindi na ako makita sa sobrang kaputian niyan. Pero gusto ko 'yan, sige push natin 'yan. Teka baka naman nakalimutan mo hindi naman ako marunong sa trabaho ng parlor. Paano ba 'yan? Baka patayin nga ako ng arabiana dyan. Lalo na kung naputol ko na ang kanilang buhok. At magmukha na silang pugo sa ginawa kong gupit. Pati na 'yang manicure pedicure. Naku po! Baka mamatay lahat ng mga kuko nila at ako naman ang isunod nila. Lalo pa 'yang pag me make up na 'yan baka magmukha pa silang si Voltra sa make up na gawa ko. Iyong hairstyle pa na 'yan. Naku ewan! Huwag na kaya back out na ako."
Madaming kinatakutan sa pagiging parlorista si Danish. Kaya umuurong na siya. Maiisip pa lang niya na wala naman talaga siyang alam tapos ganoong trabaho ang papasukin niya.
"Ano ka ba lahat naman niyan napag-aaralan eh! O di ba ako wala namang alam. Kita mo ngayon kahit nakapikit ako kayang-kaya ko ng gawin ang mga 'yan. Basta maganda ka 'yan ang importante." Tuloy na paliwanag ni Laarni kahit umaatras na ang kabigan.
"Naku naman. Ano naman ng kinalaman kung maganda ako sa pagiging Beautician na 'yan. Baka kasi hindi ko sila mapaganda magalit lang mga customers. Malamang ipa-deport lang din ako kaagad. Hindi mapigil ni Danish ang maduwag sa trabahong hindi niya alam gawin.
"Malaki ang kinalaman ng pagiging maganda sa pagiging beautician. Dahil sa ganda ka unang magugustuhan ni Babah upang maging beautician ng parlor nila. Gusto rin kasi ng mga arabiana na maganda ang mga beautician na nakikita nilang nag-aayos o kaya nag-aasikaso sa kanila. Paano nga daw sila mapaganda ng beautician kung hindi mapaganda ng beautician ang mga sarili. Katulad ng maganda ang kilay ng beautician, sasabihin na kaagad ng arabiana na 'Inteh alhagib, helwa. Ana ebaga inteh sawi ana' Na ang ibig sabihin 'Maganda ang kilay mo. Gusto ko ikaw ang gagawa sa akin. Magtiwala ka naman sa akin, Danish. Basta nandito ako hindi kita pababayaan. Lahat ng kaya kong gawin ay matutunan mo rin. Madali ka namang matuto ang talino mo kaya. Kaya madali lang ang lahat 'wag ka ng matakot," pampalakas loob ni Laarni kay Danish.
"O ayan na binobola mo pa ako. Talaga lang ha ikaw nga 'yang hindi magpakopya sa akin noon. Ganun pala 'yon. Kailangan maganda ang beautician," natatawang sabi ni Danish.
Kinabahan man siya sa nagiging desisyon pero itutuloy niya ang pangingibang bansa dahil kasama niya ang kaibigan.
"Okay. Sige na papayag na ako. Basta ba kikita ako ng maraming pera dyan. Dahil magpapaaral pa ako ng kapatid na bunso at magpapagamot ng aking amang maysakit. Tatapangan ko na loob ko para sa kanila. Kaya okay na papayag na ako."
"O sige bye na mainit na 'yong tainga ko. Kanina pa tayo dito sa messanger Malamang magrereklamo na ang net sa atin. Sasabihing abusado daw tayo. Kakain pa lang ako ng hapunan," paalam na sabi ni Laarni.
Kumain na ito ng hapunan. Alas 9:00 pa lang ng gabi sa bansang Saudi Arabia, limang oras itong nahuhuli sa oras ng Pilipinas. Maaga itong natulog upang maaga ring magising para sa panibagong araw na naman kinabukasan sa trabaho.
Samantalang si Danish ay hindi na nakabalik sa pagtulog. Nagpabiling biling na lang sa higaan at maraming bagay ang pumasok sa isipan.