Chapter Hotel

1202 Words
Chapter 2 Hotel Maaga nga namang pumunta sa hotel si Danish. Para magpa interview kay Babah, ang Arabo na magiging amo niya. Sa baba pa lang kinakabahan na siya. Panay na ang lingon niya sa dingding ng hotel. Tinitingnan niya ang kanyang sarili. Nagre reflect kasi doon ang kanyang hitsura kaya nagkaroon siya ng huling pagkakataon upang makapagsalamin. Nasa pintuan na sila ng elevator. Kasama niya ang interpreter na katiwala din ng agency. Samahan siya sa among Arabo dahil hindi nakakaintindi ng salitang tagalog. Pinagpag ni Danish ang kanyang rubber shoes dahil may kaunting alikabok. Mainit sa labas kaya tuyo kaagad ang kanyang pawisang likod. Magulo ang kanyang buhok kahit pasimple na niya itong sinuklay ng bahagya gamit ang mga daliri. Ganun pa man makikita pa rin sa mukha ng dalaga ang kakaibang ganda. May lahing kastila din ang kanuno nunuan niya sa father side at mother side. "Sige mauna ka na," utos na sabi ng Arabong interpreter. Pinauna siyang pumasok sa elevator at nakasunod ito sa kanyang likuran. Gentleman kumbaga ang ugali ng interpreter. Ugaling natutunan na rin dito sa Pilipinas. Kaya panatag ang loob ni Danish. Tahimik siyang nakiramdam habang paakyat na ang elevator kung saan naka check-in si Babah. Sa lobby pa lang naroon na ang Arabo. May kasama itong magandang babae. "Wow," napamanghang saad ni Danish. Abot ang kanyang tanaw sa ganda ng Morocco. Nakikita niya na kaagad ang taglay nitong kagandahang meron sa ibang lahi. "Wow!" Halatang napa-wow din na nakatingin sa kanya ang magiging amo niyang Arabo at ang girlfriend nito. Nakaupo na sila sa sofa na naroon lang sa lobby. Kitang- kita niyang babaero nga ito. Hindi na nagtaka si Danish. Bumulong ito sa Arabo namang interpreter. Tumango ang interpreter at nagkangitian pa silang dalawa. "Ang ganda mo raw sabi niya. Gusto ka raw niya kuning Beautician. Ayusin mo na raw ang iyong mga papeles at ang lahat ng iyong kailangan," maliwanag na sabi ng interpreter. "Kaagad agad na po ba? Kasi mag-uumpisa pa po akong lakarin ..at...at," nauutal na sagot ni Dansih. Kasi ang totoo wala pa siyang budget para sa mga papeles. Bumulong ang interpreter kay Babah.. Nag-abot kaagad ito 500 riyal. Ngumiti at lumingon kay Danish habang inabot ang pera. "Tanggapin mo para makuha na lahat ng kailangan mong papeles sa pera na 'yan," utos na sabi ng interpreter. Noong una nag-alangan si Danish ngunit mabilis na humawak ng kanyang phone si Babah.. "Ana jib fulos hadi Coffera badin hiya roh alatol." Tuloy-tuloy na nagsasalita si Babah sa kausap. Si Laarni na pala ang naroon sa kabilang linya. Saka ito inabot sa kanya. "Laarni feh kalam." Dahil wala siyang maintindihan lumingon siya sa Arabong interpreter. Hinintay niya kung ano ang ibig sabihin ni Babah. "May sinasabi daw si Laarni kausapin mo," utos sa kanya ng interpreter. "Shunga! Kunin mo na 'yang perang inaabot dahil panggastos mo 'yan sa papeles mo. Bigay daw iyan, 'yan ang sabi niya. Kunin mo, hindi basta-basta nag-aabot ng bigay lang 'yan si Babah." Swerte mo dahil wala ka ng gagastusin kahit na singkong duling. "Ah okay sige," bukod tanging naisagot ni Danish sa kaibigan. Inabot uli sa kanya ang pera. Tinanggap na nga lang ni Danish ang perang riyal at ibinulsa. Sinunod ang utos ni Laarni. "Shukran shukran." Nagkamayan ang dalawang Arabo. Nagpaalam na rin sila. Kasama niya uli ang interpreter at inihatid siya pabalik sa agency. Nakangiti lahat ng staff sa agency nang narinig ang kuwento tungkol sa pagka interview sa kanya. "Naku mga tipo mo pala ang gusto ni Babah. Napakahaba ng pila dito kahapon. Nag-interview pero wala man lang kahit isa na nagustuhan. Aba'y chosy," sabi ng isang staff ng agency. Ngiti lang ang tanging naisagot ni Danish sa mga staff. Dahil hindi naman talaga siya na interview. Tumingin lang sa mukha niya at nag-abot na kaagad ng pera panggastos para sa papeles. "Okay na po kunin mo na lahat ng papeles. Pati medical mo sagot na ni Babah. Anytime pwede ka ng pumunta sa laboratory para magpa medical. Dalhin mo itong referral slip," paliwanag ng staff ng agency. Napailing si Danish habang nakaupo na sa LRT. Nakasakay na siya pauwi. Akalain ba naman niyang matutuloy talaga siya sa pag-aabroad. Pero palagay naman niya magandang pagkakataon para sa kanya ang lahat. Baka nga ukol ito ng tadhana sa kanya. Iyon na lang ang mga isiniksik niya sa utak. Ilang minuto lang kasi noong unang tumawag si Laarni ay mataimtim siyang nagdasal. Na mabigyan siya ng pagkakataon na makapag-abroad upang matustusan ang maintenance na gamot ng ama. At makapag-enroll ang bunso niyang kapatid sa college. Kaya nang inalok nga sa kanya ng kaibigan ang maging Beautician dahil may ready visa. Natakot lang siya sa una. Pero nanaig din ang kanyang pananalig dahil siya ay nagdasal. Isa pa madaling makaalis dahil may ready visa kaya kanya na itong sinunggaban. Lalong pinanindigan ni Danish ang desisyon nang pumayag naman parehas ang kanyang ama't ina. "O ano na?"boses ni Laarni sa messanger call. Pinag-uusapan na naman nilang magkaibigan na matutuloy na nga ang kanyang pag-aabroad. Kahit pagod si Danish sa maghapon, tuwang-tuwa pa rin niyang ikinukwento sa kaibigan ang mga nangyari. Kahit doon lang niya sa lobby nakausap si Babah. "Iyon ba ang asawa ni Babah," nagtatakang tanong ni Danish. Matanda na kasi ang siya. Samantalang napakabata ng dalagang Morocco. Palagay niya ay nasa dise otso lang ang edad. Mukha itong modelo sa tindig dahil napakaganda at matangkad pa. "Hindi iyon ang asawa ni Babah. Nandito lang sa Saudi ang asawa niya. Babaero siya. Pero huwag kang mag-alala dahil sa nasisilaw lang din sa pera niya ang mga nagiging babae niya. Kaya safe naman sa kanya ang hindi interesado sa pera niya." "Ah ganun ba. Pero bata pa 'yong babae eh." "Walang matanda o bata sa pera," natatawang saad ni Laarni "Ah okay," sagot ni Danish. "Basta ayusin mo na lahat ng kailangan mong matapos ayusin. Sana matapos mo 'yan in 3 weeks para magkakasabay sabay kayong lahat na darating dito. "Ilan ba kami na may ready Visa na," tanong ni Danish. "Anim kayong darating dito," mabilis na sagot ng kaibigan. "Pati iyong mga kailangang dadalhin ay unti-unti mo ng ihanda. Huwag ka na magdala ng maraming damit," dugtong na bilin ni Laarni. "Okay copy, tatandaan ko lahat." Nagpaalam na sa isa't isa ang magkaibigan. Pagod si Danish pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Excited siya sa kanyang bagong adventure sa buhay. Makakarating na rin siyang ibang bansa. At higit sa lahat sasakay siya ng eroplano. Bahala na ang kaibigan niya sa kanya sa pagturo paano maging parlorista. Natatawa na lang siya habang iniisip na maging Beautician. Wala ito sa kanyang bokabularyo pero mukhang ito 'yong bago niyang tadhana. Single naman siya walang boyfriend kaya wala siyang karelasyong maiiwan. Tanging mga magulang niya at mga kapatid ang inaasikaso. Nag-iisang babae si Danish. Panganay sa apat na magkapatid. Tatlong lalaki ang mga ito. Sa edad niyang trenta hindi pa siya nag-asawa. Maton na rin kung kumilos si Danish dahil sa mga lalaki niyang kapatid. Pumapasok siya sa opisina ng kanilang baranggay hall. Sumasahod naman siya ng minimum at may tamang benepisyo pero kulang pa sa pangangailangan ng pamilya. Hindi nakakapagtrabano ang kanyang ama na maysakit sa puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD