Chapter 3 Alaala

1063 Words
Chapter 3 Alaala Tinimbang niya na ang kanyang company luggage para siguradong hindi siya susobra. Naalala niya noon kung gaano siya ka excited sa kanyang pag-aabroad. Ang makatapak ng ibang bansa at makasakay ng eroplano. Ganun din siya ka excited namang makauwi na ng Pilipinas. Mag-trenta edos na ang bilang ng kanyang edad. Lagpas na nga siya sa kalendaryo pero wala siyang kasintahan. Bakasyon lang ang kanyang paalam kaya kay Babah. Meron siyang re-entry visa para makabalik. Hindi na siya sigurado na babalik pa. Sinadya niya lang na mag re-entry visa, dahil alam niyang pahirapan humingi ng exit visa sa amo. Kung exit visa ang kanyang kukunin baka abutin pa siya ng siyam -siyam bago payagan. Uwing-uwi na si Danish. Sobra na niya pinanabikan ang bansang sinilangan. Inilibot niya na ang paningin sa loob ng akomodasyon bilang huling mga sulyap. Naalala niya ang lahat kung paano siya naka-survive mag-isa sa halos tatlong taon. Hiwalay ang tirahan ng Beautician sa amo. Binibigyan sila ng maganda at komportableng tirahan. Mataas kasi ang tingin ng mga Arabiana kapag ka sa mga Beautician. Pakiramdam nila sa Beautician nakasalalay ang kanilang kinabukasan at kagandahan. Hindi sana ganun kahirap para kay Danish kung kasama niya sa bahay ang lahat na mga beautician. Sa parlor na lang sila nagkikita. Nagkanya-kanyang lovelife ang mga ito. Pati na ang kaibigan niyang si Laarni na kumuha sa kanya dito sa Pilipinas. Nagtungo muna si Danish sa parlor upang kumaway at magpaalam sa mga kasamahan. Naalala ni Danish noong unang beses siyang gumupit ng buhok. Inabot muna sa kanya ang resibo noon. Saka nagsasalita ng salitang arabic ang modera. "Inta sawi gas," saad nito sa kanya. "Naku po hindi pa ako marunong. Bakit sa akin mo ibibigay 'yan?" inis na wika ni Danish. Ibig sabihin kasi ng modera sa kanyang sinasabi "Ikaw ang magupit." Lumapit si Laarni, gusto siyang salbahin pero mariin ang sabi ng modera. Ibig nitong ipagpilitan ang kanyang utos. "La ana ebaga Danish sawi," makulit nitong inulit ang kanyang gusto. "Ano daw," tanong ni Danish kay Laarni. "Ikaw daw ang gusto niyang gumupit." Wala na ring magawa si Laarni kundi dalhin ang customer sa loob ng Haircutting Room upang pagupitan kay Danish. Hindi pa nasiyahan ang modera sumunod pa sa pagupitan upang panoorin si Danish na gugupit. "Huuh kaninis naman 'yan sumama pa 'yang babaetang iyan," nagrereklamong sabi niya "Hahaha," natatawang sagot ni Laarni. "Esh kalam Dansih, Laarni? Mukhang naiiritang tanong ni modera at nagtatanong kung ano daw ang sabi ni Danish . "Danish kalam, hiya sawi fanan jabon," paliwanag ni Laarni sa modera. "Ano naman sinabi mo dyan," kunot noong tanong ni Danish sa kaibigan. "Ay sinabi ko na gagawin mong maganda ang customer," natatawa na namang sabi ni Laarni. Nanlalamig ang kamay ni Danish habang hawak ang gunting. Unang beses niyang gugupit ng buhok sa customer. 'Danish ayusin mo para mapabilib mo ang lintik na modera na 'yan at para mapataas sahod mo, sipsip kay Babah 'yan' bulong niya sa sarili. "Huh parang alam ko 'yang nasa isip mo. Nakikita ko sarili ko noong unang araw ko na gumupit. Pero kaya mo yan," seryosong sabi ni Laarni. Parang himala din naman para kay Danish. Nagawa niya ang gusto ng customer. "Wow, ana fanan shajar fanan, gas kweyesh. Esh ismic inta?" tanong sa kanya. "Anong pinagsasabi nito," tanong ni Danish sa kaibigan. "Sabi niya ang ganda, ang ganda ng buhok niya at ang ganda ng pagkagupit mo. Ano daw ang pangalan mo?" masayang paliwanag ni Laarni sa kanya. "Danish ana kalam Babah inta ratib sawi fug, ashan inta kweyesh sawi gas kalam jabon," papuring sabi ng modera. Lumingon na naman si Danish kay Laarni upang malaman kung ano ang sinasabi ng modera. "Sasabihin daw niya kay Babah na taasan ang sahod mo dahil magaling kang gumupit sabi ng customer ," tuwang-tuwa si Laarni habang nagpapaliwanag sa kanya. "Wow talaga," bulalas niya sa tuwa. Napangiti si Danish at lihim na nagpapasalamat sa Maykapal. Kinabukasan lang ay pinasabak na si Danish sa maramihang gupit dahil new year. Tuwing new year kaugalian ng mga babae roon ang magpa new look. Kaya maghapon nakatapos ng mahigit 60 pirasong resibo mula alas nuwebe ng umaga hanggat alas dose ng gabi. Masyado kasing dayuhin ang parlor. Mula sa malalayong lugar dumadayo pa para lang magpaganda. Importante sa kanila ang kagandahan at sa parlorista nila higit na inaasa. Bahagyang naputol ang kanyang pagbabalik alaala nang may kumausap sa kanyang isa ring pinay niyang kasamang Beautician. "Wow magbabakasyon na siya. Pasalubong ha!" bilin sa kanya ng kasamahan taga make up na nag-aakalang siya ay babalik pa. "Oo naman," kunyaring sabi ni Danish. Sumilip siya sa make-up room. Unang niyang naalala sa pagme make up ay iyong customer niya na mukha ng espasol. Gusto pa ring magpalagay ng foundation na puti. Gusto ng custumer niya na masunod ang sariling paraan kahit hindi naman siya marunong kasi iyon nga raw ang bagay sa kanya. Na ikinagagalit ng ina dahil ang pangit daw ng make-up ng kanyang anak. Sisilipin kasi ng lalaki ang mukha ng dalaga na ang ay edad dise-siyete anyos niyang customer. Titingnan kung magustuhan at maari ng pakasalan ito. Kaya importanteng maganda ang pagkaka make-up sa dalaga.. Hangga't sa pinaghilamos na lang ng modera ang dalaga dahil puro kuda ang kanyang ina.r Pinalipat ng ibang taga make-up dahil narindi ang modera sa reklamo ng ina ng customer na dalaga. Sa hindi kalaunan natutunan naman din ni Danish ang pag make-up. Pumasok na rin si Danish sa Hairstyle Room at nagmasid sandali sa inaayusan na ikakasal. Sa pag aayos ng buhok matagal na-assign si Danish. Mas madali niyang nagugustuhan itong gawin kaya madali ring natutunan. Dumiretso si Danish sa kulayan ng buhok kung saan naasar siya tuwing doon siya nakatoka. Madumi kasi, dumidikit ang pangkulay ng buhok kahit pa naka gloves. Hindi naiiwasang minsan abot pa sa braso ang mantsa. Pati ang suot na damit sa kulayan ay namumuti dahil sa pang bleach ng buhok. "Danish feh sayara barah dahin. Kalam Babah sawa sawa inteh roh," boses ng sumigaw na modera." Ang ibig sabihn ay may sasakyan na sa labas sabi ni Babah kasabay na siyang aalis. Lahing yemini ang modera o nangangasiwa ng parlor. Arabic din ang salita dahil hindi marunong mag english. Pinabuhat na ni Danish sa driver ang kanyang dalang malaking company luggage bag. Kumaway at tumalikod. "Bye bye to all," nakangiting paalam niya sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD