"Galit pa rin kayo sa akin?" nakaupo na kami sa couch. Nakayakap ako kay Kuya King. Habang si Kuya Stephen ay sinusuri ang mga gasgas ko mula sa pagkakatilapon ko. "Masama ang loob namin, Lupita. Kailan ba darating iyong panahon na makukuha mo nang makinig sa amin?" tanong ni Kuya Stephen. "I'm sorry, sadyang inilagay lang ako ni Papa Silas sa sitwasyon na ayaw ko. Love ko kayong lahat, kaya nga sumang-ayon ako sa kanya. Ayaw kong mawala kayo sa akin. Huwag na kayong magalit, hinanap lang talaga namin iyong treasure ng mga De Rama at wala kaming napala." "Lang? Pero may mga galos ka." "Well, sumabog kasi iyong kweba sa hacienda ng mga Rodriguez. Damay pati mga tauhan ni Papa Silas. Nasa labas lang naman kaming dalawa. Impact lang ito nang pagsabog sa loob." "My gosh! Paano na lang kun

