ANG DIARY NI INDAY Written by, Supermcluna CHAPTER 45. - (Eduardo‘s POV) Nasa back stage kami ngayon ni Kuya Edmon, kasama ang mga kabanda namin na kambal din. Sina Arvin at Alvin pati sina Enrique at Enrinco. No‘ng nag-away kami ni Kuya ay umalis ako sa banda nila. Pero nagka-ayos na kami. Mag pe-perform kami mamaya. Actually 10 minutes na lang mag i-start na kaming mag perform. Ang performance namin na ‘to ay para kay Lindsay. Sana magustuhan niya. Napakaganda ni Lindsay ngayong gabi, nag-ayos siya. ‘Di ko akalahin na gano‘n pala siya kaganda kapag nag-ayos. Dati kasi simple lang siya. Nagustuhan ko naman siya sa pagiging simple niya at ‘di ‘yon mawawala. Ayokong baguhin niya pa ang sarili niya. Maging simple lang siya sapat na sa ‘kin ‘yon. Maganda na siya sa paningin ko kay

