CHAPTER 44. Hayop ka talaga si Maria nagawa niyang lokohin si Eduard. Isa din ‘tong si Arvy akala ko kaibigan siya pero hindi. Tinraydor niya lang din si Eduard. “Mga hayop kayo!” malakas kong sambit. Tinawanan lang ako ni Maria. “Bye bicth!” Naglakad na siya palabas ng pintuan. Naiwan si Arvy sa tabi ko at hindi niya ako matignan. “Sa‘n siya pupunta?” tanong ko kay Arvy. “Manonood na siya ng performance ng kambal 9:30 PM na eh 10:00 PM mag i-start ang performance nila.” Gosh! Kailangan ko ng makaalis dito. Kailangan kong mapanood ang performance nila Eduard at Edmon. “Kalagan mo ‘ko!” utos ko kay Arvy. “I‘m sorry, ‘di ko gagawin ‘yon” tumalikod lang siya sa ‘kin at umupo siya sa isang mesa. “Hayop ka Arvy! Akala ko ba si Maui ang gusto mo?! Ba‘t ‘di ko alam na may relasy

