CHAPTER 43. - Pagmulat ng mata ko ay na sa isang madilim na lugar ako. Medyo nahihilo pa ‘ko. Ang natatandaan ko lang ay may nakita ako kanina sa labas ng pintuan ng CR na taong nakaitim na hoodie jacket. Hindi ko nakita ang mukha, basta bigla na lang niya akong nilagyan ng panyo sa bibig at ilong ko at unti-unti na akong nanghina. Ngayon naman ay nagising na ako at ‘di ko alam kung nasaan ako. s**t! Tapos na kaya ang performance nila? Ngayon ko lang namalayan na may busal pala ako sa bibig kaya kahit magsisigaw ako ay ‘di ko magagawa. Nakatali din ako isang upuan kaya ‘di ako makaalis. Argh! Biglang bumukas ang pintuan at may bumungad sa ‘kin na dalawang tao. Naka hoodie jacket sila kaya ‘di ko makita ang mga mukha nila. Kalerki Robin Hood ganern? Inalis nila ‘yong busal ko.

