ANG DIARY NI INDAY Chapter 30 Written by, EMENELPen ---- Ilang minuto pa ay nakadating na rin kami sa school. Pagpasok palang namin sa loob ng gate ay pinagtitinginan at pinagbubulungan na kaming dalawa ni Eduard. “s**t! Ang landi naman nang Lindsay na ‘yan!” “Oo nga, si Eduardo nanaman ang kasama niya!” “Akala ko ba boyfriend siya ni Edmon?” “Nakakainis naman ‘yang malandi na ‘yan!” “Malandi talaga, magkahawak pa talaga sila ng kamay ng Wyrlo ko!” Hindi nalang namin pinansin ‘yong mga babaeng higad na judgementalness. Hays. “Hayaan mo sila,” sambit ni Eduard. Napahinto kami sa paglalakad ni Eduard. “This girl is really mang-aagaw at napakalandi talaga niya! Gosh! Eduard ko, ba‘t ka ba nagpapalandi diyan sa panget na babaeng ‘yan?” Binitawan ni Eduard ang kamay ko at binu

