Pagkaharap namin ni Eduard kay Maria Harina, agad siyang pumalupot kay Eduard. “Ahhh!!!” sigaw ni Maria. Nagulat ang lahat at nagbulangan. Nang biglang itulak ni Eduard si Maria. Buti nga sakanya! May mga natawa at may ilan namang nainis. Lumapit sakanya ‘yong dalawa niyang kaibigan. Taray to the rescueness. “Oh my ghad! Ano‘ng ginawa mo? Eduard ko? Ba‘t mo ‘ko tinulak?” maarteng sambit ni Maria. Tumayo ito at pinagpapagan ang palda niya. “Don‘t call me Eduard ko! I‘m not yours!” sambit ni Eduard, tinignan niya ang lahat ng taong nasa paligid namin. “Everyone! I would like you to meet Lindsay! I‘m courting her” Nanlaki ‘yong mata ko sa sinabi niya. Pati ang mga taong nandito. Lalo na si Maria Harina na kulang nalang ay mahimatay sa kanyang narinig. Bumilis ‘yong t***k ng puso ko.

