Rr pov.
Mag isa ngayon akong naglalakad sa hallway dahil yung magaling na si Arjay ayun nasa classroom pa at hindi ko alam kung ano ang ginagawa basta hintayin ko lang daw sya sa gate nitong school namin.
Hindi ko na alam kung anong nangyari kahapon hindi naman kasi sumugod si Diane sa classroom kahapon.
Nabalitaan ko nalang na pagbibigyan muna nya ako sa ngayon pero sisiguraduhin nyang babawi din daw sya.Edi wow sya na ang magrerevenge.
"Hay nako, baka mamaya mapano na yun ahhh"bulong ko, napahinto lang ako sa paglalakad ng biglang may tumawag ng panglan ko.
"Ryyyiiiaaann"rinig kong sigaw ng isang lalaki galing sa likuran ko haharap na sana ako ng bigla nya akong tapikin mula sa likod ko.
Taas kilay ko naman syang tinignan at sinamaan ng tingin.
"Anong kailangan mo? " supladang tanong ko dito.
"Wala lang, kukumustahin lang sana kita hehehe"sabay takbo ng mabilis papalayo saakin.
What is his problem men, may pakumusta kumusta pa akala mo naman close kami men.
"Ulol, kuya hindi tayo close kaya hwag kang masyadong ashuming dahil masyado kang feelingerong frog" sigaw ko sa classmate kong masyadong close, sorry hindi ko pa alam kung anong pangalan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng bigla na namang may tumapik sa likoran ko, paglingon ko isa na naman sa mga kaklase ko.
"Your'e so beautiful today Rose just like a... Yeah basta ganon na yun" sabi naman ni classmate no. 2 saka naglakad papalayo saakin.
Sa pagtataka ko nagulat nalang ako ng biglang may babaeng sumampal saakin galing sa likuran ko.
"What is that for?! " nagtatakang sigaw ko dito nanlalaki pa ang aking mga mata dahil sa pagkagulat.
"Huh?, anong what is that? Ehh nasa likod mo na nga hindi mo pa alam masyado ka atang papansin" Supladang tanong nito saakin.
"Huh? "Nagtataka ako kumunot na din yung noo ko dahil sa mga sinabi nya.
"Tanga"at saka umalis, pagkaalis nya agad ko namang kinapa yung likod ko kung meron ba talagang nakalagay wala akong nahawakan kaya nagpatuloy ulet ako sa paglalakad na may halong pagtataka.
"Yow man"singit ulet nung isa ko pang kaklase saka ako tinapik tapik sa likuran.
"Putcha kanina pa yang mga yan ahh"galit na sabi ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
Napansin kong meron na namang papalapit saakin kaya dali dali akong lumingon sa aking likuran.
Paglingon ko nakakita ako ng isa pang alagad ng kadiliman na may hawak hwak na papel at tatapikin na naman sana ako sa likuran ko. Agad ko naman kinuha yung papel at binasa ang naka sulat dito.
"Slap me very hard and when you done please pakitanggal at muli akong magsusulat mwa love u all, thank you.
Love Rr the papansin. "Basa ko sa naka sulat agad namang nag init ang ulo ko at isinampal kay koike ang papel dahil sya ang naabutan kong magdidikit sana sa likuran ko.
"Ouchh,yow men, that's hurt men, what's your proble men? " pamaang maangan pa ni bansot na may halong pang aasar parang hindi nasaktan sa ginawa ko kanina.
"Putragis naman ohh,sino namang matinong tao ang maglalagay ng slap me very hard sa likod nya?! Ha?!"
Sigaw ko sa baliw na nasa harap ko.
"Ikaw yon men, and please don't talk tagalog men, cuz i can't understand tagalog men"pag aasar ulet ni bansot may accent pang nalalaman, puta sya, bwisit.
"Men mo yang mukha mo, engot ka"asar na sabi ko dito sabay naglakad ulet, iniwan ko na sya doon at hindi ko alam kung saan sya pumunta basta ang alam ko lang maka layo ako sa bwisit na yun.
Nakauwi naman na ako ng ligtas sa bahay hindi ko na rin hinintay si Arjay, kumain lang at natulog na ako agad dahil sa pagod atah.
KINABUKASAN
"RRRRRRRRRRRRRR"sigaw ni Arjay ng makita nya akong naglalakad mag isa sa hallway, hindi ko na sya hinintay sa bahay dahil ang tagal tagal nya at ayaw kong tumambay sa bahay mas lalo't nandon yung pinsan kong sabog.
"Ohh bakit ngayon ka lang? " sita ko dito.
"Wala lang,late na ako nagising ginawa ko pa yung homework ko kahapon kaya ayun late din ako natulog"explain nito.
"Abah, masipag, kailan ka pa nagkasakit ha? "May pagtatakang tanong ko dito dahil sa pagkakaalam ko ay tamad yang gamawa ng assignment kung magpupuyat man yan dahil sa sss, tweeter, ml at kung ano ano pang bagay na may kinalaman sa gadget at pagkapasok ay mangongopya lang ang hudas saakin.
"Bakit masama bang maging masipag minsan?"may halong pagtatampong tanong sa kanyang boses.
"Ahh hindi naman, maganda nga yon ehh"sagot ko naman dito, pero after minute ay tinatawag na ako ng kalikasan kaya agad akong nagpaalam kay Arjay na magbabanyo muna, at hihintayin nya nalang daw ako sa labas para sabay na kaming pumasok sa classroom.
Pagkalabas ko naabutan ko syang nag tetext na naman sa kanyang cp, gugulatin ko sana sya ng bigla syang himarap sa likod kung saan nandon ako napansin nya atang tapos na ako.
"Ohh bat ang tagal mo? "Tanong agad nya saakin.
"Daming tao sa Cr ehh, uyy alam mo pala?, nanaginip ako kagabi tumalon daw ako sa mataas na building tapos nahulog ako sayo... Ayyiiee"sabi ko dito.
"Hahahahaaha hak dog (ehem) sinalo ba kita? Hahahahaha"pag aasar naman nya saakin.
"Aawwwttsss"kunwaring nasaktan ako sa kanyang sinabi may pahawak pa sa puso effect.
"Syempre kahit ganon ka kabigat sasaluhin parin kita Ryian"bulong nya pero hindi ko na narinig kasi nagsimula na kaming maglakad ulet.
"Huh? Ano nga ulet yun? "Tanong ko ulet dito dahil hindi ko narinig yung sinabi nya kanina.
"Huh?, meron ba?, wala yun halika na pasok na tayo"sabay hila nya saakin, hindi ko na rin ako nagpumilit pa dahil alam ko namang wala rin namang silbi yung sinabi nya, sa ugali pa naman ng taong humihila saakin ngayon, malabong magseryoso sya.
SAMMY POV.
I am busy watching my classmates when i saw that slut girl enter this room together with her bestfriend Arjay.
Wala naman akong problem kay Arjay pero sa babaeng yan?, marami mas lalo pat naging cousin nya yung pangit na yun... hindi rin magtatagal ay magsisisi rin syang pumasok sa classroom na ito, pahihirapan ko yang babaeng yan para mawala na yang peste dito sa classroom. I will make her life misirable.
"Ohh, chill ka lang pre grabe naman yang tingin mo, parang handa ng kainin si miss pretty gurly"biglang sita saakin nitong asungot na kanina pa kain ng kain ng lolipop.
"Ohhh just shut up"sita ko rin sakanya.
"Ang init-init talaga ng ulo mo kahit kailan, maganda naman sya ahh, beautiful nga lang hahahahaaha"pang aasar pa nito saka tumawa ng pagkalakas lakas na di kalaunan ay bumalik din sa pagkakatitig sa new transferee.
"Tskk"saka binalik ko rin yung attention ko sa pagbabasa ng libro.
"Ahh, nga pala sabihin mo sa iba sa base tayo mamaya may pagmemeetingan"baling ko ulet dito sa baliw na pinagpapantasyahan na atah tong babaeng toh.
"Yes boss"sabay tingin ulet sa babaeng slut na yun.
"And can you stop staring at her?, you look possesive who want to rape her"sita ko ulet sakanya.
"Ehe, selos ka lang ehh"at saka nagbasa na rin sya ng libro.
Hindi ko na sya pinansin at muli ko nalang ibinalik ang aking atensyon sa pagbabasa.
RR POV.
"Ha hakdog, ilabas mo na yang pang healthy food mo at nagugutom na tong mga bulate sa tyan ko"kanina pa to reklamo ng reklamo na gutom na daw kaya ngayon ayun nung marinig nya yung time na hudyat na para sa Recess break ay nagrereklamo ulet sya.
Agad ko namang nilabas yung mga tinatawag nyang healthy foods, gusto nyong malaman? Junk foods at puro chocolates lang naman yung mga yun.
"Hay, sa awa ng Diyos naka raos din"rinig kong sabi nito habang busy na sa pagkain ng kanyang kinakain.
Bigla namang may kumalabit saakin sabay sabing"pahenge naman ako"pagtingin ko, lahat pala ng mga classmate namin ay nasa tabi ko na at parang asong ulol na gutom na gutom na at nasa akin lang yung mga pagkain nila.
"Gustong gusto mo talagang nagdadala ng pagkain ehh no? " Sammy suddenly asked na ngayon ay nasa likod ko na.
Ano na naman ba ang problema mong hayop ka?
"Ahh ehh, hindi naman sadyang ayaw ko lang lumalabas tuwing Recess hindi naman sa gustong gusto ko napasobrahan ka atah ehh" nahihiyang sagot ko sa demonyong nasa likod ko ngayon na pinag effort an ko pang lingunin.
"Then may ipapagawa ako sayo mamaya"sabi nito sabay bumalik ulet sa kanyang kinauupuan.
"Lol, lolo mo panot ayaw ko nga, ano ako katulong mo?, in your dreams" mahinang sigaw ko pa dito pero ang loko hindi ako pinansin at nag ayus nalang kami ng pumasok na yung teacher namin sa History.
Ano na naman kaya ang ipapagawa ng lokong yun?, baka mamaya kalokohan na naman yan, abah mahirap na baka kung ano pa ipagawa nya saakin kapag nagkataon kakalbuhin ko talaga yung magaspang nyang buhok.
Tapos na ang klase at nag aayus na ako ng gamit ko handa ng lumabas para sa lunch break ng biglang may tumawag saakin.
"RR"Si bubwit lang pala
"Ohh anong kailangan mo naman ngayon? "Bored kong tanong sakanya.
"Wala lang naman"at ngumiti sya ng pagkatamis tamis bigla naman akong kinabahan sa ngiti nyang yun.
Hindi ko namalayan na papalapit lahat ng kaklase ko sa direksyon namin as lahat sila pati si Sammy at yung si Stingray na kanyang buntot.
"Heto"sabay abot nya saakin ng papel.
Inabot ko naman ito sabay tanong ng"anong gagawin ko naman dito? " may pagtatakang tanong ko sakanya.
"Ahh, kainin mo siguro at ng mabusog ka"pampipilosopo nya saakin kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Kung ako kaya ang magpakain sayo neto? "Inis kong sabi sakanya.
"Ehh, kung sa buksan mo nalang kaya at ng malaman mo"inis nya ring sagot saakin kaya agad ko namang binuksan para wala ng problema.
Pagkabukas ko listahan lang naman ng mga pagkain at mga pangalan ng mga kaklase kong magagaling isama mo pa yung pangalan ni Sammy yeah bro nandon rin yung pangalan nya.
Veniz
2rice, Minudo, kare kare, softdrink
Albert
2rice, Dinuguan, minudo, softdrink
John loyd
1/2rice, pinritong bangus, sinabawang hipon at tubig
Arjay
3rice, 3fried chicken at softdrink
WTF? PATI BA NAMAN SI ARJAY NAKI SALI NA REN?!
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ulet ako nagsalita.
"So ano to? "Tanong ko ulet sa mga bwisit na toh
"Papel yan tanga"singit ulet ni Sammy kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Order namin yan... Ikaw bumili sa canteen"singit naman ng kaklase kong isa.
"At dahil mahilig ka namang nagdadala ng pagkain dito, diba mas mainam naman na bilhan mo nalang kami? "Pagpapatuloy ni Sammy sa sinasabi nya kanina.
"Ano?! Ang dami dami kaya nyan, helooo pipol of the philipines aware ba kayong mag isa ko lang?kaya ko yan?, kaya ko yan? And FYI hindi nyo ako katulong dito"sigaw ko sakanila.
"Edi gawan mo ng paraan"singit pa ni buntot ni Sammy.
Woahh, ang init ng ulo chill lang pwede? Tskk
"Pano kung ayaw ko? "Matapang kong sagot sakanila.
"It's simple ikaw nalang ang kakainin namin, aware ka rin naman na puro mga lalaki kami dito?,at hindi mo magugustuhan kapag kami ang nagutom"sabay kindat pa ni Sammy.
Nagpapatawa ba tong isang ito?, ihampas ko sakanila tong papel ehh.
Tinaasan ko lang naman sya ng kilay saka ako pumayag nalang dahil sa takot at katotohanang mag isa nga lang akong babae dito at baka ako pa ang kainin nila mahirap na.
"Yes makakakain na tayo"
"Ho, hindi na tayo magugutom"
"Putakte, foods, foods"
"Hayss, mabubusog na rin ako"
Hindi ko maiwasang matawa dahil sa mga sinasabi ng mga kaklase ko kasabay non ang pagtataka na bakit ayaw nilang pumuntang canteen sa katotohanang pwedeng pwede naman silang omorder nalang.
Nagulat nalang ako ng may inaabot saakin si Sammy na agad ko namang tinaggap.
"Bayad namin yan"sagot nito
1... 2... 3...4... 5... 6... Ang dami naman atah? 7... 8... 9... 10
Ten lang naman pala...anoooo?!! What the heck? Ten Thousand? Ang dami naman nito? Sobra sobra to sa mga pagkaing inorder nila, hindi namang halatang masyado syang maluho?
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng pera para hindi ito mawala, mahirap na baka malintikan pa ako neto.
Padabog naman akong lumabas ng classroom hanggang sa naka abot na ako sa canteen , agad kong ibinigay kay manang Selia yung order ng mga patay gutom dahil wala naman ng pila kaya agad agad din naman syang kumilos, kilala ko na si Manang Selia at kilala ko na rin naman sya.
"Pinagtripan ka na naman ba nung mga tao sa Section E? "Tanong nya saakin habang inaayos yung mga order ng mga demonyo.
"Opo nga po ehh mga walang hiya"sagot ko naman sakanya at saka tumawa lang din naman sya kaya tumahimik nalang ako habang hinihintay kong matapos sya sa kanyang ginagawa.
"Iha, may dala ka bang paglalagyan?"Tanong ulet saakin ni Manang Selia.
"Manang, may kahon po ba kayo dyan? "Nahihiyang tanong ko sa matanda.
"Meron"naka ngiti nyang sagot
"Doon nyo nalang po ilagay"
Huhuhu please lord bigyan nyo po ako ng lakas para mapatay ko yung mga demonyo sa classroom na kinabibilangan ko ngayon huhuhuhu.
Habang naka tanga lang ako at hinihintay yung order ko---ay mali, order pala nila ay nakatingin na pala yung ibang estudyante saakin at pinag uusapan na ako.
"Diba yan yung transferee na nasa section nila Sammy? "
"Ang gwapo talaga ni Sammy noh"
"Grabe naman, yan ba ang ginagawa nya para maging mabait sila sakanya?, nagpapaalila? "
"Ang kapal naman ng feslak ng babaeng yan, hayss lande teh lande"
"Ang cute talaga ni Koike kahit kailan"
"Nakita ko kanina yung kambal na si Yato at Jaime ang gwapo talaga nila"
"Ang gwapo talaga ni Stingray hahaha"
"Diba don din yung si Veniz? Yung ex ni Jenia? "
"Hahahah assumera"
Hindi ko nalang sila pinansin dahil sa bulong bulongan nilang hanggang atah sa labas nitong canteen ay dinig na dinig kaya hindi na ako magtataka inabala ko nalang ang sarili ko sa katititig sa dalawang butiking gumagawa ng milagro sa madilim na lugar nitong lamesa.
Yuckk naman pati ba naman dito? Mahiya nga kayo putrages namang buhay toh ohh
Pero agad ko rin itong kinalimutan ng maalala ko yung narinig ko kanina about sa mag ex daw, sino kaya yung mga yun?