CHAPTER 1
Simula noong namatay ang magulang ko at hindi na ako sinusustentuhan ng mga tito at tita ko para pag-aralin at bigyan ako ng allowance ay umisip ako ng paraan para buhayin na ang sarili ko. Wala na akong ibang pagpipilian kung hindi gawin ang bagay na sa pangarap ay di ko lubusang maisip na gagawin ko.
"Bright akin ka na lang!"
"Ang sarap mo talagang tinnan Bright... mukhang ang sarap mo rin ikama katulad ni Sheena!"
"Bright ibuka mo pa yung mga binti mo para makita ko 'yang hinaharap mo!"
"Igiling mo pa ng igiling Bright!"
"Bright, can I touch your body?"
'Yan ang kadalasang mga naririnig ko sa mga lalaking nasa loob ng high class bar na ito tuwing lalabas ako sa stage para sumayaw.
Nakakadiri ang amoy ng pinaghalo-halong alak, pabango at pawis ng mga kalalakihan ang nandito. Nakakasuka at napakababoy ng makikita mo sa loob nito dahil kahit high class ang mga nagpupunta rito ay wala pa rin silang pinagkaiba sa mga hayop na akala mo ay ngayon lang nakakita ng katawan ng babae.
Puro makamundong pagnanasa lang ang makikita mo sa mata at mukha ng mga kalalakihang nanonood sa akin habang sumasayaw ako sa saliw ng "Careless Whisper". Mula sa sensuwal na tugtuging sinasabayan ko ng indayog ng aking bewang at balakang. Ang pagsayaw ko ng parang wala ng bukas para lang ako ay mabuhay ang ginagawa ko gabi-gabi.
Sa ilang minuto ng pagtitiis ko sa pagsayaw sa harap ng mga kalalakihan na ang tanging suot lang ay makintab na kulay gintong b*a at maiksing short ay bumaba na ako sa stage.
Ngayon ay nandito na ako sa dressing room na nakalaan para sa aming mga dancer. Nagbihis na ako para makauwi na sa bahay at makapagpahinga na rin. Tapos na kasi ang oras ko sa pagtatrabaho sa club kaya wala ng saysay para mag-stay pa rito.
Palabas ako ng dressing room ay bigla na lang may narinig akong yabag ng mga paa na mukhang papunta sa direksyon ko.
"Bright, honey, puwede ka bang maikama? Babayaran kita ng 50 thousand pesos' o kahit 100 thousand pesos kung gusto mo? Sige na pagbigyan mo na ako Bright! Matagal na kitang gustong tikman pero masyado kang mapili," wala sa sariling sabi ng matandang lalaki na regular ng customer ng bar na pinagtatrabahuan ko habang inaamoy at hinahalik-halikan niya ang kamay ko at leeg.
Shit! Mukhang nakalagpas 'to sa bantay ang matandang 'to baka pinabayaan ng mga bouncer dahil isa itong gobernador ng bayang ito. Nakakaletse talaga sa lahat ng ayaw ko iyong pinipilit akong ikama ng kung sino-sino lang.
Nag-dancer ako rito sa club pero hindi ako pumapayag na ikama ako ng kahit sinong lalaki. Ang motto ko ay, "They can look...but they can't touch my body" at walang sinumang makakapagkama sa akin. Sa apat na buwang nagsasayaw ako sa letseng bar na ito kung sino-sino na ang nagyayayang ikama ako at hinding-hindi ako makapapayag na ang nag-iisang dangal na natitira sa akin ay mawala pa.
Yayakap pa sana siya ngunit iniangat ko ang paa ko na para akong sumipa sa hangin. Sinadyang iniwasan ko ang matandang hukluban na ito dahil isa ito sa pinakamakulit at maimpluwensiyang tao na gusto akong ikama. Mabuti na lang ay black belter ako kaya mabilis ang reflexes ko kaya hindi na siya nakaalma pa sa ginawa ko sa kanya pero kita ko pa rin ang pagnanasa sa mata niya. Gustuhin ko man siyang balian ng buto ay hindi puwede.
Dali-dali na akong naglakad palayo ng dressing room papuntang opisina ng boss ko para kunin ang kinita ko ngayong araw.
"Sir kukunin ko na 'yong kinita ko para makapagpahinga at makabili ng mga kailangan ko."
"O Bright, mabuti natakasan mo si governor. Matagal ka na rin niyang gustong ilabas. Pero tama 'yan, huwag mong hayaan na malublob ka lalo sa kumunoy. Hangga't maaari ay mag-ipon ka para makaalis ka na rito. Nanghihinayang ako sa'yo dahil isa kang matalino at magandang bata. Eto na yung 20 thousand na kita mo ngayong araw," sabi pa ni Sir Tacio habang kinukuha ang pera sa kanyang kaha.
"'yon na nga po ang gagawin ko," tinanggap ko 'yong pera saka nilagay sa dala kong maliit na sling bag. "Maraming salamat po talaga dahil naging mabait kayo sa 'kin at hindi niyo ako pinipilit sa hindi ko gustong gawin."
"Wala 'yon... alam mo Bright para ka na ring anak ko. Kung mayaman lang talaga ako tinulungan na kita kaso kailangan ko ring kumita."
"Naku wala 'yon sir! Sapat na sa akin na napakabait ninyo sa aminng lahat na nagtatrabaho rito. Alam ko naman pong kailangan niyo rin ng pera para sa pamilya niyo. Sige sir, uuwi na po ako."
"Mag-ingat ka iha!"
Naglakad na ako palabas ng opisina ni Sir Tacio. Mabuti na lang ay mabait siya hindi katulad ng ibang mga may-ari ng bar na pinipilit na ipakama ang mga GRO na nagtatrabaho sa kanila. Kaya nagtagal din ako rito dahil doon at 'yong mga kasama ko rin dito ay mga mababait. Ako 'yong pinakabata rito sa lahat ng mga dancer kaya itinuturing nila akong bunso.
Di na ako nakapag-college dahil sa pagkamatay nila papa at mama dahil sa isang plane crash kaya eto ako ngayon. Pero hindi ko sila sinisisi dahil naging ganito ako alam ko naman na hindi rin nila gugustuhin na maging dancer ako sa club.
"Kung hindi sana kayo umalis para sa business trip niyo papuntang Paris buhay pa sana kayo at siguro 1st year college na ako ngayon," sabi ko sa aking sarili habang naghihintay ako ng taxi sa tapat ng bar pauwi sa inuupahan kong bahay.
Mayamaya ay nagulat na lang ako na may lalaking biglang lumapit sa akin.