CHAPTER 2

908 Words
"Faith Mariano, ikaw ba yan? Ang laki na ng pinagbago mo ha! Lalo kang gumanda. Saan ka nag-aaral ng college ngayon? Oo nga pala, balita ko patay na sina tito at tita. Condolence pala, pasensiya at hindi man lang kita nadamayan noong panahon na kailangan mo ng karamay," sunod-sunod na sabi pa nito. Sino ba 'tong lalaking ito? Hindi ko na matandaan, simula kasi ng namatay sina mama't papa ay kinalimutan ko na ang lahat ng mga bagay na dapat kong kalimutan pati ang mga taong malapit sa 'kin dahil sila lang ang magpapaalala kung paanong nag-iba ang takbo ng buhay ko. "Faith hindi mo na ba ako tanda? Ako 'to si Handsome Agulto a.k.a Hans, kaklase mo simula first year hanggang fourth year high school tayo sa Sacred Academy Manila. Ako yung masugid mong manliligaw na guwapo!" sabi pa nito na umaktong parang heartthrob. "Hala, ikaw pala 'yan? Ang kaklase kong may kakaibang pangalan kaya kapag naririnig ng iba e hindi p. Hindi kita nakilala kasi ang laki na ng pinagbago mo! Lalo ka kasing humangin, giniginaw tuloy ako ngayon," nakataas kilay na sabi ko pa sa kanya. "Sus, nagparinig ka pa! Gusto mo lang ata ng yakap ko e! Huwag ka ng mahiya libre lang naman. Puwede mo naman akong yakapin," sabi niya sa 'kin habang nakaumang ang kanyang braso at akmang yayakapin ako pero agad na nakaiwas ako. "Ikaw talaga Faith hindi ka na mabiro! Alam mo namang maloko lang ako pero hindi ako bastos!" "So papasalamatan na kita? Mabuti naman may mga lalaki pang may respeto pa rin sa mga babae," nakaismid na sabi ko sa kanya. "Oo naman...hindi ako katulad ng ibang lalaki na nakakasalamuha mo riyan sa bar na pinapasukan mo," sabi pa nito na habang nakaturo. "A-a-alam mo na nagtatrabaho ako riyan?" gulat na tanong ko sa kanya. "Paano mo nalaman? Stalker ba kita? Baka naman pinagtatawanan mo na ako dahil ang dati mong nililigawan na isang matalino, maarte, mataas ang tingin sa sarili at ilang beses ka binasted ay mapupunta sa lugar kung saan ang mga babae ay pinagpipiyestahan ng mga lalaking sabik na sabik na nanunuod sa halos h***d na naming katawan!" "Hindi sa ganoon Faith! Alam mo ba kung paano ko nalamang nagtatrabaho ka rito? Dahil sa mga kakilala kong nagagawi rito! Lagi nilang bukambibig ang pangalang Bright Salvador na napakaganda na parang isang anghel at napakagaling gumiling. Noong ipinakita nila sa akin ang picture sa cellphone nila ay alam ko ng ikaw 'yon. Kahit lagyan ka pa ng maraming make up at magsuot ka pa ng wig alam kong ikaw 'yon," paliwanag niya sa akin sa malungkot na tinig. "Bakit ka lumapit sa akin ngayon? Hindi ka na ba makatiis na panoorin ako sa malayo at gusto mo na rin akong lapitan para ano? Para ikama? Kaya mo rin ba akong bayaran ng mahal? Pasensiya na dahil hindi ako tumatanggap ng barya!" Pagkasabi ko noon ay naglakad na lang ako palayo sa waiting shed na kaninang pinaghihintayan ko ng taxi pauwi sana sa bahay. Mabuti na lang maliwanag dito sa lugar kung saan ako nagtatrabaho kaya hindi ako tatakot maglakad kahit dis oras na ng gabi. Pero bago pa ako makalayo ay may humila ng braso ko. "Alam mo Faith hindi ako nandito para ayain kitang ikama. Nandito ako dahil gusto kitang ihatid sa inyo at ligawan ulit. Hindi ako mayaman pero kaya na kitang buhayin dahil may negosyo na ako mula sa ipon ko. Alam kong hindi ka tulad ng ibang p********e na pumapayag na ikama sila ng costumer nila." "Nasasabi mo lang 'yan ngayon, pero kapag nagtagal kapag tapos mo ng makuha ang katawan ko ay itatapon mo na lang ako! Kunwari may respeto ka sa akin pero ang totoo gusto mo lang akong tikman!" "Sige, papatunayan ko na mahal kita kaya liligawan kita hanggang sagutin mo ako. Pero ngayon ihahatid muna kita at palagi ko na itong gagawin para patunayang seryoso ako sa 'yo..." Ramdam kong may gusto pa siyang sabihin pero hindi na siya nagsalita pa ulit. "Si-sige ngayon papayag ako dahil ilang minuto na rin akong naghihintay dito ng taxi. Ano bang sasakyan natin?" Pumayag na rin ako na ihatid niya ako dahil baka maabutan pa ako ng mga lalaking gusto akong ikama tulad na lang ni Governor David Lumacad. Tignan ko lang kung makakatagal siyang ligawan ako kapag sinungitan at tinarayan ko siya. Tutal naman boring na ako sa buhay ko baka kailangan ko na ngayon ng pagkakaabalahan. Dati pa naman ay gusto ko na siya. Kapag nakita kong talagang mahal niya ako baka ngayon pa lang ako magkaroon ng experience maikama ng isang lalaki. Teka ang layo na ng inabot ng isipan ko. "May dala akong motor kaya huwag kang mag-alala. Kumapit ka lang sa macho kong katawan at hindi ka mapapahamak!" sabay abot g suot niyang helmet at inilagay sa ulo ko. "Manigas ka riyan, sa bakal ako hahawak! Ayaw kong madikit ang katawan ko sa katawan mo! Mamaya manigas 'yang p*********i mo at baka gahasain mo pa ako!" "Kita mo 'to! Pinag-iisipan mo pa ako ng malaswa riyan. Bahala ka, ikaw rin kapag nalaglag ka walang sisihan ha!" ngumiti siya pagkatapos niyang magsalita't mukhang may kalokohan pang naiisip. "Tse! Bilisan mo na nga diyan Hans para makauwi na ako," sabay angkas ko sa motor niya. Kumapit ako ng husto sa bakal na nasa likod ko dahil baka paharurutin niya pa ang motor at mangyari nga na malaglag ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD