Ilang linggo na rin ang nakalipas mula ng magkita kami at ihatid ni Handsome sa inuupahan kong bahay sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Napatunayan ko na talaga ngang di pa rin nagbago ang pagmamahal niya para sa akin.
Bukod kasi sa palagi niya akong sinusundo ay itinuring niya akong prinsesa simula ng lumipat ako sa condo na pagmamay-ari niya. Pinaalis na kasi ako ng may-ari ng boarding house dahil ire-renovate raw nila para gawing junk shop.
Balak ko na siyang sagutin ngayong gabi pagkatapos ng dance number ko at ito na rin ang huling gabi na magsasayaw ako rito. Gusto ko na rin kasing bumalik sa pag-aaral at makatapos ng kolehiyo. Sasapat na rin ang naipon kong pera mula sa pagsasayaw dito sa club.
"Bright sige lang igiling mo pa!"
"Bright hubarin mo na yang panty at b*a mo! Huwag ka ng mahiya!"
"I want to eat you Bright! Let me eat you, please!"
"Lumapit ka rito Bright at dadalhin kita sa langit!"
Gustuhin man niyang sipain isa-isa ang mga ito ay hindi niya puwedeng gawin.
"Tiisin mo na lang Faith, tiisin mo na lang! Hanggang ngayong gabi na lang naman ito," sabi ko sa aking sarili.
Nakikita ko si Handsome na nanggagalaiti na sa mga naririnig niya pero mukhang para sa kanya ay tiniis na lang nito ang mga naririnig na hiyawan ng mga kalalakihang parokyano ng bar na ito at hindi niya na pinatulan pa ang mga ito.
Habang sumasayaw ako sa gitna ng stage na pinaliligiran ng mga makukulay na ilaw ay sa kanya lang ako nakatingin. Iniisip ko na siya lang ang kasama ko sa kuwarto ko at sinasayawan siya.
Baka sakali siya pa lang ang lalaking makakapitas sa aking natatagong hiyas kung sakaling magkaroon ng tiyansang magkasarilinan kami. Kahit magkasama kaming nakatira sa condo niya ay masasabi kong walang araw na hindi niya ipinakitang nirerespeto niya ako dahil hindi niya ako pinilit na ikama ako.
Habang sumasayaw kami ng mga kasama ko ay may nakita akong pamilyar na bulto ng katawan papunta dito sa kinatatayuan ko kaya nakaramdam ako ng bahagyang pagkabog ng dibdib.
"Hay...ayaw pa ring tumigil ng matandang ito," inis na sabi ko habang patuloy kong iniindayog ang aking balakang sa saliw ng tugtugin.
"Bright, bakit ba kasi nagpapakahirap ka pang sumayaw," sabay lapit sa akin ni Governor David saka hinapit ako palapit sa kanyang amoy lupang katawan, "Hindi ka na lang sumama sa akin at nang matikman ko na 'yang makinis at malambot mong kata..."
Napasinghap na lang ako ng makita kong sinuntok siya sa mukha at tiyan ni Hans.
"Walang hiya ka! Anong ginagawa mo sa kanya! Tanggalin mo ang kamay mo kung hindi makikita mo ang hinahanap mo!"
Nakita kong nagpupuyos sa galit ang mga mata ni Hans pagkatapos ay hinila niya ang braso ko papunta sa kanya. Mukhang anumang oras ay sasabog na siya sa nararamdamang galit.
"Bakit? Sino ka ba at nangangaelam ka? Do you want to f**k her too? Huwag kang mag-alala pagkatapos ko siyang pagsawaan e baka maisipan kong ibigay siya sa iyo."
Kahit kailan talaga ang bastos ng matandang 'to. Kung nakamamatay lang ang tingin ay matagal ko ng ginawa para mabawasan man lang ng masasama ang mundong ito.
"Governor tumigil ka na sa kahibangan mo sa akin dahil kahit kailan hindi mo ako pagmamay-ari! At kung gusto mo pang lumabas ng walang bali sa katawan ay umalis-alis ka na sa harapan ko! O baka naman gusto mong mag-viral ang video mo sa social media?" nakataas ang kilay na sabi ko habang mahigpit na nakahawak sa braso ni Hans para pigilan siyang sugurin ito at gumawa ng puwede nitong pagsisihin sa bandang huli.
Pagkasabi ko ng salitang 'yun ay para siyang tinakasan ng dugo at biglang nag-iba ang ihip ng hangin na nawala siya sa paningin namin.
At parang walang nangyari na tuloy pa rin ang pagsasayaw ng mga kasama ko at kasiyahan ng mga parokyanong nasa loob ng bar.
Mabuti na lang ito na yung huling araw na sasayaw ako sa harap ng mga lalaki ng naka-panty't b*a kaya hindi na ulit mauulit ang tagpong ito.
"Tara na Hans! Umuwi na tayo... huwag kang mag-alala ito na rin ang huling araw ko rito kaya kalimutan mon a ang nangyari kanina," mabilis na akong naglakad palayo ng stage papuntang dressing room para makapagbihis.
"Bakit ito na ang huling araw mo rito sa bar? Saan ka pupunta?" naguguluhang tanong pa nito sa akin.
"Wala akong pupuntahan. Ito na 'yong huling araw ko dahil gusto ko ng tumigil sa pagsasayaw. Saka nakaipon na rin naman ako sa loob ng tatlong buwan na pamamalagi ko rito ng pera para mabuhay at makapag-aral ako ng college."
"Sabagay, tama ka Bright! Masaya ako at ititigil mo na ang pagsasayaw mo rito. Huwag kang mag-alala tutulungan kita sa pag-aaral mo."
"Salamat sa suportang ibinibigay mo at isa ka rin sa dahilan kung bakit pinili kong itigil na ang pagsasayaw sa bar. Saka 'yong tita ko na nasa Canada kahapon e kinausap niya ako na tutulungan niya ako para makapag-aral ng college. At gusto kong ipaalam sa iyo na mahal na kita Hans kaya simula ngayon ay tayo na."
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat sa mga sinabi ko sa kanya. Kaya para makaiwas ay mabilis na akong pumasok sa dressing room para makapagpalit na ng t-shirt at pantalon.
Mayamaya ay naramdaman ko na sinundan niya ako.
"Talaga bang mahal mo na ako, Faith? Talaga bang sinasagot mo na ako?" naninigurong sabi niya sa akin pagkatapos ay niyakap ako. Mabuti na lang wala 'yong ibang dancer dito sa loob ng dressing room kung hindi nakakahiya kapag nakita kami sa ganitong pagkakataon.
"Oo mahal na kita Handsome Agulto! At ikaw lang 'yong lalaking nangulit at nanligaw sa akin na hindi napagod. Ipinaramdam mo sa akin na dapat lang kaming respetuhing mga babae. Hindi mo rin ikinahiyang ipakilala ako sa magulang mo at mga kaibigan kahit na alam mo kung anong uri ng trabaho ang meron ako."
"Alam mo naman Faith na noon pang high school pa lang tayo mahal na kita! Hinangaan na kita kasi matalino, mabait, maganda at na sa'yo na lahat ang katangian na gusto ko para sa babae. Kahit na nalihis ka ng landas alam ko namang hindi mo naman ginusto kaya ka nandito sa bar. Kung nalaman ko lang agad ang nangyari sa 'yo hindi kita papayagang magtrabaho rito. Pero huwag ka mag-alala dahil ang mahalaga para sa akin ay ang ngayon at ang magiging kasalukuyan natin na magkasama."
"Ayos lang, mahirap 'yong naranasan ko pero may natutunan naman ako kahit papaano tungkol sa kung gaano kahirap ang mabuhay ng walang taong tumutulong sa 'yo. Tara na nga, umuwi na tayo at baka magkaiyakan pa tayo rito."
"Oo na po mahal na prinsesa," nakangiting sabi ko sabay akbay sa kanya.
Bago tuluyang umalis ay nagpaalam muna ako sa mga naging ate ko sa bar at kay Sir Tacio. Pagkatapos ng simpleng paalaman ay naglakad na kami ni Hans palayo ng bar na pinagtrabahuan ko sa loob ng ilang buwan. Nakuha ko na rin ang huling bayad ko para sa pagsayaw ko kanina.
Masasabi ko lang na hindi naman lahat ng babae na nagtatrabaho sa club ay mga patapong babae na ang hanap lang ay magpaligaya ng mga lalaki dahil gusto nila. Dahil ang iba ay nagtatrabaho para sila ay mabuhay at matustusan ang pangangailangan ng pamilya nila.
Tama ngang maiintindihan mo ang isang tao kapag ikaw rin ay nasa sitwasyon kung nasaan sila. Kaya masasabi kong hindi ako masamang babae o p********e na ang habol lang ay sumira ng pamilya ng may pamilya. Kaya ako naging dancer ay para mabuhay at matustusan ang pangangailangan ko hindi ang maikama ng kung sino-sinong Poncio Pilato.
Alam ko na ito na ang katuparan ng mga pangarap ko.