KILLIAN 19

1491 Words
19 CALIRAYA POV: Natapos na ako sa pagluluto at paglilinis sa mga ginamit ko sa pagluluto, pero walang Killian na dumating. I stood up and went to my room to freshen up, para pagkatapos ng hapunan ay pwede na akong matulog. Natapos na ako sa pagligo ngunit walang Killian na dumating, tumingin ako sa wall clock pasado alas otso na pala ng gabi. Tumutunog na rin ang tiyan ko hudyat na gutom na. Pero dahil sa kagustuhan kong kasama siyang kumain ay matiyaga akong naghihintay sa kanya. Baka kasi naipit lang sa traffic on di kaya'y kakatapos lang ng trabaho. Nakaupo ako sa sofa habang naghihintay sa kanya, sobrang nakakapagod ang araw ko dahil sa intense ng meeting kanina. Tsaka napagod din ako sa panunuod ng tutorial kanina paano gawin ang adobong manok. Habang naghihintay ako sa asawa ko ay biglang nag-vibrate ang phone ko, I saw the name of my best friend, Khala's name. "Yes hello Beb?” I asked. "Beb, how are you?" Tanong niya. "I'm okay beb, how are you?” balik tanong niya sa akin. I sighed, "I'm fine beb, even if I'm busy with my work.” I answered her, a smile skipped on my lips, “Di na tayo nakapag date, how about dinner tayo some other time? Maybe next week?” I said. Dahil pareho kaming may trabaho ay hindi na makapag-usap pa tulad ng dati. "Sure! I love that,” she said. “By the way, I have some news for you, I'm not sure if you already knew, but I still want to tell you.” "What is it?” I asked, and my heart skipped a beat. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla. “It's about your husband, is it okay with you?” May pag-aalala na tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim, mas lalong kumakabog ang dibdib ko, pero gusto ko din malaman. “I-it's okay Beb,” mahinang sagot ko at pigil ang hininga na hinintay ang kanyang sasabihin “It’s already confirmed that the rumour is true, Killian Santiago will be the new CEO,” she said. My eyes almost pop out because of shock, I mean, of course Killian will be the next CEO because it's their business. Kanina ba kasi ipapamana yon e siya lang naman ang anak. “Really?!” Ani ko at hindi pinahalata na gulat sa nalaman. “Pero bakit hindi niya sinabi sa akin? I mean, I'm his wife right? Kahit text o panandaliang tawag lang ay ayos na ako. I'm still a part of their family.” Hindi ko mapigilang madismaya. My heart felt heavy, para bang binagsakan ako ng buong mundo. Did they see me as a family member? Mom didn't say anything, not even Dad. Kahit simpleng text man lang ay wala talaga akong nabalitaan. “Hindi mo alam?!” gulantang na tanong ni Khala sa sakin, “Pero alam ng sambayanan yan beb, sa bagay we already know them or baka sasabihin pa lang nila?” “Sana ganyan ang rason nila, pero nakakadismaya lang beb. I'm part of the family but why?” tanong ko. Naiiyak na ako, hindi ko inakala na ganito ang kahahantungan ko matapos ang kasal. Dahil iba ang imahinasyon ko, hindi ko iniisip ang realidad bago magpakasal. “Akala ko talaga ay alam mo na, kaya naman binalingan ko sayo.” nahihimigan ko ang pag-alala sa boses ng kaibigan ko. “Alright, next topic. Kumusta pala ang trabaho mo bilang sekretarya ng SK company?” tanong niya. Huminga ako ng malalim upang pigilan ang luha, “Ayos lang naman, medyo kakaiba lang ang mood ng boss namin, but keri naman ang pagiging suplado niya minsan.” ani ko at pinaglaruan ang dulo ng sleepwear na suot ko. “You mean, suplado ang CEO ng DK company?!” halos pasigaw na tanong niya. “Nangunot naman ang noo ko, “You know him? Bakit parang natuwa ka dyan?” “Of course kilala ko ang gagong yon, magkakilala sila ng boss ko.” sagot niya at hindi na mapigilan ang kanyang tawa. Napatango na lang ako, kung saan na narating ang usapan namin ni Khala hanggang sa napatingin ako sa orasan. Alas dyes na ng gabi at wala pa rin si Killian. “Beb, matutulog na ako maaga pa ako bukas.” paalam ko sa kanya. Isang oras ang lumipas simula ng nahinto ang tawagan namin ni Khala pero wala pa rin si Killian. Ipinikit ko ang mata ko ngunit hindi ko namalayan na nakatulogan ko na pala ang paghihintay sa kanya. Isang mahinang tampal ang nararamdaman ko sa pisngi ko, “Cali wake up, why are you sleeping here?” malamig na boses ni Killian ang narinig ko. Napakurap ako at pilit na inaninag kung siya ba talaga at baka panaginip lang o hallucinate lang dahil sa paghihintay sa kanya. “K-killian is that you? Anong oras na ba? I'm sorry nakatulog ako sa paghihintay, iini—” Ang pagkabalisa at pagkataranta ko ay nahinto sa ere, he cut me off. “Go to your room.” malamig na sabi niya at agad na tumalikod upang pumunta sa kanyang kwarto. I don't know how to react, ang kamay ko ay nahinto sa ere at ang boses ko ay parang biglang nawala. Pinanood ko na lang siyang naglalakad patungo sa kanyang kwarto, umaasa pa din akong babalik siya sa kung saan ako at sasabihin na kakain na kami ng sabay, ngunit ang pag-asang yon ay nawala na parang bula. He slammed his door loudly, malungkot akong tumingin sa kusina kung saan ang mga niluto ko kanina. Mabagal akong tumayo at naglakad patungo doon, hindi na mainit ang mga yon. I know it's not good to throw a food pero ginawa ko pa rin, hindi ko alam ang gagawin basta ko na lang yon tinapun. Mabuti na lang at hindi gaano ka dami ang niluto ko, kung kanina ay gutom ako ngayon wala na akong ganang kumain. Hinugasan ko nalang ang mga ginamit ko at kaagad na pumunta sa kwarto. Pagpasok ko ay kaagad tumulo ang luha na kanina ko pa pilit pinigilan. Naninikip ang dibdib ko habang walang tunog na umiyak, tinakpan ko din ang mukha ko ng unan. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak hanggang nakatulugan ko ito. “P-pa? Is that y-you? Papa sasama na lang po ako sa inyo ni Mama oh, sobrang sakit na po kasi ng dibdib ko po. Hindi ko na po kakayanin.“ sabi ko, kumakaway si Papa at Mama habang umiiling silang dalawa. Pero hindi ko sila pinakinggan, naglakad ako papalapit sa kanila, pero umaatras naman sila. “Mama, Papa please… huwag niyo na akong iwan.” umiiyak na pakiusap ko sa kanila, pero umiling sila at unti-unting naglaho. Nagising akong sobrang basa ng mukha ko hudyat na kanina pa ako umiiyak dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, dahil napanaginipan ko ang mga magulang ko. Tinignan ko ang orasan at nakitang alas singko na pala ng umaga, agad akong tumayo at dumeretso sa banyo upang makapag ligo dahil may trabaho pa ako. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad kong binitbit ang handbag na binigay ni Papa, May binigay naman si Killian pero mumurahin at tsaka hindi siya ang personal na nagbigay non si Mommy kaya kahit hindi ako sure kung sa kanya ba talaga nanggaling ay itinago ko pa din. Hindi ko ginagamit dahil nasasayangan ako, baka kasi masira. Paglabas ko ay kaagad kong namataan si Killian na nagkakape habang seryosong nakatitig sa kanyang laptop, mukhang hindi niya napansin ang presensya ko— “You waste a lot of food, sana hindi ka nagluto ng mati kung hindi mo kayang ubusin.” malamig ang kanyang boses habang nakatutok pa din sa kanyang laptop. Kaagad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat, bigla na namang magsalita. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, gustong-gusto ko siyang sigawan, gusto kong sabihin sa kanya na para sa aming dalawa ang niluto ko ngunit matagal siyang umuwi at hindi man lang tinignan ang kusina o di kaya'y tinanong ako kung kumain na ba. He already knows that I will cook our dinner — “Are you deaf? I said your date a lot of food, maraming nagugutom sa kalye habang ikaw ay nagsasayang ng pagkain—” Hindi ko napigilan ng sarili ko kaya naman ay humarap ako sa kanya, tinignan ko siya ng diretso walang pinagbago ang kanyang expression malamig at blangko pa din ngunit wala akong pakialam. “I already told you yesterday that I will cook dinner, pero ano ang ginawa mo? Matagal kang umuwi tapos ngayon sisihin mo akong nagsasayang ng pagkain?!” Galit na sigaw ko. Nakatitig lang siya sa akin, parang pang nagulat dahil sa sigaw ko. Bago ako tumalikod upang umalis ay may nakita pa akong emotion na hindi ko mabasa at agad rin nawala. Sobrang kabog ng dibdib ko habang lumabas sa condo. Gosh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD