KILLIAN 18

1373 Words
CALIRAYA POV: It's been a week, but I feel like I've only been at work for a day, I'm very grateful to my co-workers because they're kind. Sometimes I didn't understand my boss's mood. Nakaupo ako sa kama habang kinukusot ang mga mata ko. Napabuntong-hininga ako. Sana magiging madali ang araw ko ngayon. Mabilis akong nag-ayos at lumabas para kumain ng almusal. Habang nagmamadali akong magbihis, napapansin kong medyo madilim ang langit. "Sana hindi uulan ngayon," bulong ko sa sarili. Hindi ko na iniisip kung nakauwi ba si Killian o hindi, baka ito ang magiging paraan ko upang pakawalan siya? Sana lang makalimutan ko siya dahil sa sobrang busy ng araw ko. Nang makarating ako sa opisina, agad akong nagtungo sa opisina ng amo ko. "Good morning, Sir," pagbati ko. Pero nang makita ko ang kanyang tuxedo, napa-awang ang bibig ko. Sobrang dungis nito! Para ng basahan! Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga mantsa. "Sir, ano po ang nangyari sa tuxedo mo?" Tanong ko. "Ah, nahulog ako sa putikan kaga—umaga I mean," sagot niya. "Hindi ko alam kung paano nangyari." Hindi ka umuwi sa inyo? Bakit ka nahulog kagabi, wala naman tayong kanal rito sa building?” sabi ko. "Kailangan po nating linisin 'yan, may maaga kang meeting ngayon.” "Yes, yes, can you clean it for me?" he said, no matter how husky his voice was now it was the opposite of his face. Nagmukha pa rin itong galit sa buong mundo. "Don't worry, Sir," I said. "I'll take care of it." He didn't answer, instead he just nodded. "Sandali lang po," sabi ko. "Maghahanap muna ako ng blower at wet wipes para po malinisan ko po yan." Nagmamadali akong lumabas ng opisina para maghanap ng blower, dumaan din ako sa mesa ko upang kunin ang wet wipes sa bag ko, mabuti na lang talaga at meron akong nadala kanina. Nang makita ko ang blower ay kaagad akong bumalik sa opisina upang linisin ang kanyang tuxedo dahil malapit na ang oras para sa meeting niya. Hindi pwedeng ma-late dahil importanteng tao ang kaharap namin. Pagdating ko sa opisina ay nakakunot ang kanyang noo, nakatingin siya sa kanyang selpon. “Sir,” tawag pansin ko sa kanya. “You're married?” halos pabulong na tanong niya. Nahinto naman agad ako sa paglapit sa kanya, hindi ko inakala na kaagad niyang malaman atsaka lihim ang kasal namin ni Killian kaya hindi ko na naisip na ilagay sa resume ko na isa akong Mrs. Santiago. I took a deep breath before slowly nodding, "Y-yes, I thought you didn't dig my information.” "I'm sorry, I just didn't think you were married. Because I didn't see a ring on your finger; I'm also sorry because I made you investigate without asking for your permission," he said with a hand on his head. Hilaw naman akong tumango at ngumiti, “My wedding is a private, atsaka ayoko pong makuha ang atensyon ng mga tao. Lalo na sa istado ng naging asawa ko.” “You're honest huh?! Here, linisan mo ito please.” aniya sabay lahad sa kanyang tuxedo sa akin. Kahit nanginginig ang kamay ay tinanggap ko ito at kaagad na nilinisan, ilang patak na lang ng minuto ay magsisimula na ang meeting. Pagkatapos kong malinisan ang Tuxedo ay kaagad kaming lumabas sa opisina at tinungo ang meeting room. Nasa loob ako ng meeting room, nakaupo sa isang sulok at nagtatala ng mga importanteng detalye. Sobrang intense ng meeting. Ang mga mata ng mga kasamahan ko ay nakatuon sa lalaking nasa harap ng lamesa, ang asawa ko na si Killian. Ang gwapo niya sa suot niyang business attire, bumagay sa kanyang supladong itsura. "So, Mr. Santiago," sabi ni Drake, ang CEO ng DK Company ang boss ko. "Ano ang masasabi mo sa aming proposal?" "Well, Mr. Drake," sagot ni Killian at napatingin sa banda ko. "Napakaganda ng proposal mo. Pero kailangan kong pag-isipan ng mabuti." "Naiintindihan namin," sagot ni Drake. "Pero sana mabilis lang ang desisyon mo. Kailangan namin ng dagdag na pondo para sa aming expansion." "Oo naman," sagot ni Killian. "Ipaalam ko na lang sayo ang desisyon ko sa lalong madaling panahon." "Salamat, Mr.Santiago.” sabi ni Drake. Nang matapos ang meeting, lumabas na si Killian ng meeting room. "Caliraya," tawag sa akin ni Drake. "Pwede ka bang makipag-usap sa kanya?" "Bakit po, Sir?" Tanong ko. Nakakunot ang noo ko, kahit kalmado ang mukha ko ay sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko ibang Santiago ang ka-meeting namin ngayon, di ko akalain na si Killian mismo ang kaharap namin. Ang mata niya din kanina ay paulit-ulit na tumingin sa akin na nagpanginig ng kalamnan ko. "Gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman niya tungkol sa proposal natin," sagot ng boss ko. "Sige po, Sir," sagot ko. “Susubukan ko po,” Lumabas ako ng meeting room at hinanap si Killian. "Killian," tawag ko. Lumingon siya at sobrang sama ng kanyang tingin sa akin, "Caliraya," sagot niya. "Ano ang ginagawa mo rito?" "Pinapunta ako ng boss ko para magtanong tungkol sa proposal," mahinang sagot ko. "Hindi yan ang gusto kong marinig, ano ang ginagawa mo rito?" Sagot niya at tinitigan ako. "Nagtatrabaho," sagot ko at sinabayan ang kanyang titig. “Kailan pa?” malamig na tanong niya. “Noong hindi kita mahagilap sa buong condominium, wala din naman akong gagawin kaya nagtatrabaho na lang ako.” mahinang sagot ko, “So ano ang masasabi mo sa proposal namin?” tanong ko ulit. “I will call him later,” malamig na sagot niya at agad na tumalikod sa akin. Nagdadalawang isip pa ako kung tatawagin ko ba siya upang tanungin, “K-killian, uuwi ka ba mamaya?” sa wakas ay naitanong ko. Huminto siya pero hindi bumaling sa akin, “Yes,” malamig pa rin na sagot niya at nagpapatuloy sa paglalakad. Bago ako bumalik sa opisina upang sabihin sa amo ko na tatawagan ito mamaya ay, hinintay ko munang makaalis siya ng tuluyan si Killian. Pagdating ko naman sa opisina ay nakatalikod sa akin ang amo ko, nakaharap siya sa malaking salamin na makikita ang buong city. “Boss,” tawag pansin ko sa kanya. "Yes? What did he say, Caliraya?” he asked while still turning his back to me. I cleared my throat before answering, "He will call you later," I answered weakly and put down the note I made earlier. “Thanks, Cali.” mahinang sagot niya at tumingin sa akin. Napahinto ako sa pagtangka na umalis ng marinig ko ang kanyang tawag sa akin, “P-po?” “Can I call you Cali instead of calling your full name?” Kahit naguguluhan ay tumango ako, “Yes po—” “Huwag kang mag po sa akin, tawagin mo ako sa pangalan k—” “Pero amo po kita, hindi naman pwedeng tatawagin kita sa pangalan mo. Nakakabastos po yon,” rason ko. Mahina naman siyang natawa, “Ganito na lang, you can call my name kapag tayo lang or wala sa loob ng trabaho.” Ilang minuto akong tahimik upang pag-isipan ang kanyang sinabi, ilang sandali ay marahan akong tumango wala din naman kasing mawawala sa aking kung tatawagin ko siya sa pangalan niya atsaka siya naman mismo ang nagsabi na tatawagin ko siya sa pangalan niya. Pagdating ng hapon ay unti-unti ng umalis ang mga kasamahan ko, pagtingin ko sa orasan ay alas kwatro na ng hapon at balak ko sanang umuwi ng maaga upang makapag-luto ng hapunan. Manunuod na lang ako ng tutorial sa YT sa lulutuin ko. (Guys nakalimutan ko kung marunong bang magluto si Cali, kaya naman comment naman kayo kung nabasa niyong nagluluto siya. Thank you) Kumatok ako sa opisina ni Drake ang amo ko upang magpaaalam na pwede bang umuwi ngayon ng maaga. Nang marinig ko ang kanyang pahintulot mula sa loob ay kaagad kong tinulak ang pinto upang makapasok. “Boss, pwede ba akong makauwi ngayon ng maaga? Natapos ko na ang pinagawa mo sa akin.” diretsahan na tanong ko. Sa una ay kumunot ang kanyang noo, ngunit ilang sandali ay tumango ito.“Just send the file later, you can go home early. Lalo na sobrang busy natin ngayon, magpahinga ka ng maaga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD