BINITIWAN ko ang stick ng sigarilyo at marahan ko iyong tinapakan sa sementadong sahig. Narinig ko ang mahinang tunog ng pagkadurog ng baga sa ilalim ng sapatos ko, at ilang segundo pa’y tanging usok na lang ang naiwan sa pagitan ng mga daliri ko. Nakasandal ako sa kotse, malamig ang metal sa likod ko, at tanging ilaw ng veranda ng Villa ang nagbibigay-liwanag sa madilim na paligid. Tahimik ang gabi, maliban sa tunog ng mga kuliglig at ihip ng hangin mula sa bukirin sa di kalayuan. Pero sa katahimikang iyon, ramdam kong hindi rin mapakali ang loob ko. Hinihintay ko talaga siyang lumabas—si Katrina. Alam kong hindi siya papayag na hindi umuwi ngayong gabi. Alam kong gusto niyang makaalis, gusto niyang bumalik sa Maynila—dahil ayaw niya akong makita. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hind

