KATRINA’S POV Sa bus pauwi ng Maynila, nakasandal ako sa malamig na bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa highway na unti-unting nagiging alon ng dilaw at pula sa labas. Ang bawat ilaw ng poste ay parang kumikislap sa mata ko, pero wala talaga akong ibang iniisip kundi ang mga nangyari kanina sa Villa Montemayor. Hindi ko man aminin, mabigat pa rin ang dibdib ko. Ilang oras na akong nakatingin sa labas, pero si Joaquinn pa rin ang laman ng isip ko. Pumikit ako, pinilit kong alisin ang imahe ng mga mata niyang puno ng pagpigil—parang laging gustong magsalita pero natatakot. Napabuntong-hininga ako bago ko hinugot ang cellphone sa bag. Kailangan kong tumawag kay Tyron. Hindi ko kayang hayaang magkaroon na naman ng lamat sa amin. Ayokong magtampo siya o mag-isip ng kung ano. “Hello

