NAKARINIG ako nang kaluskos mula sa sala, isang tunog na nagpatigil sa akin at nagdulot ng instant relief. Bumalik na yata si Joaquinn. Ang aking puso, na kanina’y punung-puno ng anxiety dahil sa kanyang tagal, ay biglang bumilis sa excitement. Tumayo na ako matapos kong ibalik sa taguan ang mga gamot ko, sinigurado kong mahigpit na nakasara ang brown pouch at ligtas sa ilalim ng maleta. Handa na akong salubungin siya, punung-puno ng mga tanong tungkol sa kung bakit siya nagtagal at kung kailan kami aalis. "KANINA pa kita hinihintay, bakit ngayon ka—" "Katrina." Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Ang relief ay agad napalitan ng ice-cold dread. Hindi si Joaquinn ang nakita ko sa sala. Sa halip, nakita ko si Kuya Hunter, ang kanyang kapatid, ang lalaking siniguro kong hindi na namin makik

