"H-HOW do I do this?" tulalang tanong ni Fiony sa sarili. Hitsura niyang parang pinagsakluban ng langit at lupa. Tambak ang labahin. Gabundok. Nagbago ang isip ni Steve. Magpapalaba na raw ito sa kaniya. Ayos lang naman sa kaniya dahil siya naman ay nag-volunteer din noong una. Ngunit hindi niya inaasahan ang ganito. Akala niya ay paisa-isang pares lang na pantaas at pambaba, 'magagawan' niya iyon ng paraan. Pero... hindi lang isang pares ang nakikita niya ngayon kundi pang isang linggo na yata. Ang masama pa, isinama rin nito ang mga kumot, punda, bedsheet at kurtina na hindi niya alam kung ilang buwan nang hindi nalalabhan. This was torture to her, never pa siyang nakakapaglaba ni underwear niya buong buhay niya. "Speaking of..." Sa kabila ng 'problema' ay nakuha niya pang ngumiti. I

