Chapter 43

1577 Words

Chapter 43 ELIE Nang matapos ang usapan at pagpayag ni Peanut na tumulong ay umuwi muna kami ni Apollo para makapagpahinga at kinuha na din namin ang mga ibang files na gagawin namin habang pinagbawalan kaming humawak ng kaso sa hindi pa rin malinaw na dahilan. Dahil na rin sa ilang plano na naming kumain ng buttered shrimp na hindi matuloy-tuloy ay napagdesisyonan na lang naming magpa-deliver ng pagkain sa unit niya at mag-inom kahit ngayong gabi lang para naman ma-relax ang isip namin kahit konti. Agad kong tinanggal ang sapatos at medyas ko at ibinagsak ang sarili ko sa sofa nang makapasok ako sa unit nito. Parang mas naramdaman ko ang pagod at antok ngayong nakauwi na kami kaya pipikit na sana ako nang maramdaman ko ang pagbuhat ni Apollo sa’akin parang sako lang na ipinatong sa ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD