Chapter 44 ELIE Maaga kaming gumising ni Apollo kinabukasan dahil ngayon pupunta si Peanut para tulungan kami sa mga kaso. Kahit pa alam na ni Kapa ng mukha niya ay hindi pa rin pumayag si Apollo na dalhin siya ng personal at sinabing para na din sa proteksyon nito. Nagprisinta na din akong magluto ng agahan habang sine-set up nila ang isang kwarto para maging opisina nito. Naglagay na rin kami ng mga CCTV sa labas ng unit at dito sa mismong loob para kahit papaano ay magiging secured ang paligid namin. Hindi ko mapigilang hindi sila pagmasdan habang busy sila sa mga kanya-kanyang ginagawa lalo na si Apollo na kanina pa umaalalay kay Peanut. Hindi naman sa selos ang nararamdaman ko at hindi din ako nangangamba na ipagpalit ako. Nakikita ko kasi ngayon kung gaano at paano nito tratuhin

