Chapter 47 ELIE Malaking tulong ang tatlo naming kasama na gamay yata lahat ng parte ng teknolohiya lalo na si Peanut dahil palagi itong may joke na dala tuwing nararamdaman nitong pagod na kami sa ginagawa namin. Naka-disguise pa rin ito hanggang ngayon at ayaw ipakita ang totoong mukha dahil kasama na ng pag-ayos nito ang paglagay ng makapal na make up sa mukha. Sabagay. Sa’akin nga, hindi pa masabi ang totoong pangalan. “Pero paano natin ito maisasawalat sa publiko, Kap?” Tanong ni Kyle nang nasa meeting na ulit kami. “Power of ordinary people.” Maikling sagot ni Kap rito at nagsulat sa white board. “I’m sure they also control the media so we have to do it on one big shot. Of course, hindi nila tayo papalampasin pero iyan ang pag-uusapan natin pagkatapos nitong kaso.” Cap looked a

