Chapter 46 ELIE Halos hindi na kami lumabas ng bahay sa ikatlong araw naming nandito dahil sa mga dami ng gawain kahit magsama-sama kaming lahat. Umasa din kami sa delivery ng mga pagkain ni Cassy dahil sa kagustuhan naming matapos agad ang imbestgasyon ay hindi na rin naming magawang magluto ng pagkain at ipinaubaya na din namin sa kape ang buong lakas namin. “Got it.” Masayang sabi ni Peanut kaya napatigil kaming lahat at lumapit sa kanya. Nakangisi itong tumingin kay Kap at ipinakita ang nasa kanyang laptop. “This unknown post was deleted and luckily I still made it recovered. The hospital was built under Thomas Pedro I. Sapilitan lang siyang bumaba sa pwesto nang makasuhan siya ng kaso at ang sumunod na naging presidente ng ospital ay ang grandfather nina Sylvia at Rose. Doon na rin

