Chapter 34 ELIE Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa resort nina Apollo kung nasaan si Cassy at doon ako parang batang umiyak na iniwan ng isang ina sa mall. Ala una na ng madaling araw ng makarating ako sa kanya at laking gulat nito nang makita ang itsura ko. Ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko sa kakaiyak at tila hindi rin nauubos ang mga luha ko. I know I don’t have to explain myself so instead of shouting me because I disturb her sleep, she just silently opens her door for me to walk in. Tahimik akong naupo sa sofa nito at tinignan ko lang siya ng bigyan niya ako ng tubig. She closed her eyes and stared at my face again. “Anong ginawa sa’yo ni Apollo?” Agad na tanong niya pagkatapos kong uminom pero umiling lang ako bilang sagot. “Bakit kayo naghiwalay ni Apollo?” Ulit ni

