Chapter 33 ELIE Hindi ko alam kung kaya ko pa bang harapin si Apollo sa nalaman ko kaya nagpaiwan ako sa itaas para makapag-isip ng maayos. Alam ko sa sarili ko na hindi iyon sinasadya ng papa ko pero naiintindihan ko naman si Apollo kung galit siya kay papa dahil buhay naman ng mag-ina niya ang nawala at hinding-hindi na maibabalik pa. I saw how devastated and lost he became and knowing that my father was also a part from that incident broke my heart into million pieces. Paano na lang kung malaman niyang ama ko ang nakabangga ng mag-ina niya? Ngayon nga, hindi niya masabing mahal niya ako…kapag malaman niya pa kaya ang totoo? Iniisip ko na din ang pamilya nitong walang ibang ginawa kundi tratuhin ako ng mabuti. Paano na din kapag nalaman nila ang totoo? “Elie…” Nagbalik ako sa reyal

