Chapter 56 ELIE Pagkatapos ng isang linggo ay napagdesisyonan kong bumalik na sa trabaho kahit alam kong makikita ko si Apollo sa opisina dahil hindi pa kami pwedeng umalis na dalawa. Our colleague knew about what happened between us and they also tried to keep our environment formal as usual. Mas tahimik nga lang ngayon dahil wala din si Kap at kasalukiyan siyang kinwekwestiyon ng mga nakakataas. Wala din si Venzo na laging nangungulit kay Florie at hindi din naman pwedeng pumasok dito si Peanut. Iniba rin nila ang arrangement ng mga lamesa dahil dati, halos magkadikit ang lamesa namen ni Apollo pero ngayon ay nakipagpalit ito ng upuan kay Kyle kaya malayo siya sa pwesto ko. That also helps because I can also concentrate to my work. Nakapasa na rin ako ng resignation ko at tinatapos n

