Chapter 57 ELIE Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakapagsalita nang hilain ako ni Apollo patungo sa sasakyan nito. Tahimik lang kaming nagbiyahe kahit hindi namin alam ang pupuntahan namin. Naka-video call naman si Florie sa amin para kung sakaling may update sila sa location ng primary suspect namin ay mabilis nilang maipagbibigay alam sa amin. Hinayaan ko lang din naman itong tahimik dahil wala naman din akong balak kausapin ito. Ilang araw ko din siyang hindi nakikita at sinunod naman nito ang sinabi kong layuan niya ako. Kinuha niya ang cellphone niya sa bag at nakita kong tinawagan niya si Peanut. Hindi naman nagtagal nang sumagot ito kaya tahimik lang din akong nakinig. “Nakatakas si Carlita Fernandez at kasalukuyang hostage niya si Kap. She called us a while back but Florie

