bc

Since High School, with Love

book_age16+
500
FOLLOW
5.5K
READ
HE
drama
bxg
serious
campus
highschool
first love
school
friends
shy
like
intro-logo
Blurb

High School pa lang si Dianne ay malaki na ang paghanga niya sa president ng student council nila na si Luis. He is rich, kind, good-looking and outstanding student kaya di kataka-takang marami ang magkagusto rito. Akala niya ay hindi na siya makakalapit dito hanggang sa maging kasambahay siya sa pamilya nito at ituring siya bilang isa sa mga kaibigang malapit dito hanggang sa umalis ito papuntang Maynila upang doon mag-aral na naging sanhi ng maraming taong hindi nila pagkikita.

Nang magbalik ito ay inakala niyang wala na ang naramdaman niya para sa binata ngunit sa halip, ang dating simpleng paghanga niya rito ay naging pag-ibig pa. Ano ang gagawin niya kung hanggang ngayon ay kaibigan pa rin ang turing nito sa kanya at nalaman pa niyang ikakasal na pala ito sa babaeng kasama nito galing Maynila? Ano ang ipapanama niya sa angking kagandahan ng dalaga kung isa lang siyang hamak na probinsyana?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"Hoy Dianne sinong tinitingnan mo dyan?" Pukaw ng isang tinig sa tabi ng dalagita habang nakatulala at nakatanaw sa gawi ng isang classroom na halatang may sinisino sa loob niyon. Nasa isang bench siya na nalililiman ng nagtatayugang puno ng Mangium di-kalayuan sa hilera ng classroom na kanina pa tinitingnan. Gulat na lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. Nakaupo na rin ito sa tabi niya at ginaya siya habang nakakunot ang noo. "Carla ikaw pala. Kanina ka pa dyan?" "Kakarating ko lang. Sinong tinitingnan mo doon ha?" Ulit nito sa tanong sabay nguso sa tinitingnan niyang classroom kani-kanina. "Wala no. Ikaw ang inaabangan ko, kanina pa kasi ako dito." iwas niya. Tinawanan siya nito. "Bakit naman sa classroom na iyon mo ako tinitingnan e nasa may likuran mo yung gate ng school natin?" Pang-aasar nitong dag-dag. Pinandilatan niya ang kaibigan pagkuwa'y pakunwaring inagaw niya rito ang sukbit nitong backpack. "Ikaw ang hinahagilap ko kasi wala pa akong sagot sa assignment natin sa Math." sabi niya ng makuha ang bag. "Ako daw." nanunuksong sabi nito. "Ikaw nga." Tigas niyang tanggi. "O sige ako na." pambubuska pa nito. "May dala akong pansit diyan, gusto mo?" alok nito sabay kuha sa bag nito na hawak-hawak niya pa rin at binuksan iyon. Mula roon ay inilabas nito ang dalang baunan at inilapag sa bench na kinauupuan nilang dalawa habang ang bag ay isinasaayos sa may likuran nito. "Siyempre. Nagugutom na nga ako e." "Di ka na naman kumain sa inyo bago ka umalis?" Halata ang pag-aalala sa boses ng kaibigan niya sa tanong nito. Umiling siya. Binuksan nito ang dalang maliit na lunch box na may lamang pansit at dalawang hiwa ng tasty bread at iniabot iyon sa kanya. "Sayo yan lahat. Binalot ko talaga yan para sayo. Alam ko namang paborito mo yan e." Nahihiyang nginitian niya ang kaibigan at sumubo ng pansit. “Salamat." "Walang anuman. Para yan nga lang e." Bukas na libro na ang buhay niya sa kaibigan. Paano'y mga bata pa lamang ng maging magkaibigan sila ni Carla kaya halos lahat ng detalye sa buhay niya ay alam na nito. Bata pa lamang siya ng maulila sa ina, ni hindi na nga niya matandaan ang hitsura nito. Ayon sa kanyang ama ay mag-aanim na taon pa lang siya noon ng bawian ito ng buhay dahil sa malubhang karamdaman sa puso na hindi naagapan. Ang ama niya ang tumayong ama't ina ng pumanaw ito at hindi na niya iyon malilimot. Masaya na rin siya na dalawa lamang sila ng kanyang ama dahil napupunan naman ng ama niya ang lahat ng pangangailangan niya noon ngunit di naglaon ay nag asawa rin ito. Sampung taon siya ng dinala nito sa bahay nila ang madrasta niya. Mabait ito sa kanya noong una, ngunit alam niyang nagpapanggap lamang ito at habang tumatagal nga ang pananatili nito sa kanilang tahanan ay napapatunayan niya ang kanyang hinala at unti-unti niya rin itong nakilala. Nagiging malupit ito sa kanya kapag wala ang kanyang ama. Ginagawa siya nitong tagalaba, tagalinis ng bahay at tagaluto pero ng mamatay ang ama niya ay domoble pa ang pagpapahirap nito sa kanya. Napakaliit nga niya para sa edad niyang labing apat paano ay hindi naman siya makakain ng maayos maliban sa sobra-sobrang gawain na iniatang sa kanya ng kanyang madrasta. Mabuti na nga lang at kapag araw ng sabado at linggo ay nakakapag-trabaho siya sa karenderya ng isa nilang kapitbahay, si Aling Nemfa, at ang kinikita niya doon ang ginagamit niya sa kanyang mga kailangan sa eskwela, sa mga bayarin niya, at pambaon niya sa araw-araw na pagpasok sa eskwela. Kung tutuusin ay ang kaibigan na niya halos ang nagpapakain sa kanya sa araw-araw katulad ngayon na wala siyang almusal. Mag-aalas-otso palang iyon ng umaga pero kumakalam na ang kanyang sikmura. Habang lumilipas ang segundo ay unti-unti nang nagdatingan ang mga estudyante na kalaunan ay pumuno sa kanilang maliit na covered court kung saan ginaganap ang kanilang flag ceremony at iba pang school activity. Binilisan niya ang kaniyang pagkain habnag nakamata lang si Carla sa kanya. Nang matapos siya at mailigpit ang baunan ay agad silang tumayong magkaibigan at lumakad papunta sa covered court. Nakipagsiksikan sila sa mga estudyanteng naroon hanggang sa narating nila ang iba pa nilang kaklase na nakapila na ng dalawahan. Sa hulihan ng pila silang magkaibigan pumuwesto. Buo ang atensyon na itinuon niya ang paningin sa harap. Malapit na niyang makita ang kanina pa niya hinahanap. Sa lahat ng pagkakataon ay sa harapan ng pila ng mga estudyante ito nakapwesto dahil ito ang nagli-lead sa kanilang Panatang Makabayan at madalas na nagtataas ng flag sa flag raising. Makaraan nga ang ilang minuto ay nakita na niya ito at ng lumingon siya sa gawi ng kaibigan ay nanunuksong ngiti ang iginawad nito sa kanya. Kinahapunan, malayo palang si Dianne ay tanaw na niya ang madrasta niyang nakatayo sa may pintuan ng bahay. Hindi niya maiwasang matakot ng matanaw ito. Nakikini-kinita na niya kung anong mangyayari sa mga susunod na minuto. Sasaktan na naman siya nito kung sakaling natalo na naman ito sa sugal at madalas sa madalas ay talo ito at siya naman ang laging napagbubuntungan ng galit ng madrasta. "Dianne! Bilisan mo ngang maglakad dyan! Ang kupad kupad mo!" Malayo pa pero dinig na dinig na niya ang pagsigaw nito na mas lalo pa yatang naging mas nakakatakot dahil sa nakita niyang ayos ng buhok ng madrasta na kita mula sa kinaroroonan niya ang pananayo niyon. Kulang nalang ay magbitbit ito ng walis para mapagkamalang mangkukulam. Binilisan niya ang paglalakad. "Nay Gina." Bati niya dito at inakmang abutin ang kanang kamay para magmano pero hindi nito iyon hinawakan sa halip ay inasikan tuloy siya. "Ikaw na bata ka! Hindi ka naglinis kanina ng bahay bago ka umalis no?" Sabi nito sabay tulak sa kanya papasok. "Tingnan mo nga, ang dumi ng sahig." "Nag-nagwalis po ako kanina bago umalis." Takot niyang sagot rito ng makitang madumi nga ang sahig mula mula sa apak ng manok na nakamarka roon. . Pinamaywangan siya nito. "Aba e bakit pala madumi tong bahay kung naglinis ka?" "B-baka po nakapasok yung mga manok habang nasa eskwela ako." Aniya. "Eskwela." Gagad nito sa sinabi niya na sinabayan pa ng irap. "Hala. Huwag ka ng sumagot-sagot diyan.” Kumumpas-kumpas ito sa hangin. “Magbihis ka at maglinis at maya-maya'y maghahanda ka pa ng hapunan." Pagkatapos ay tinalikuran siya nito. Pumasok siya sa nag-iisang kwarto sa bahay nila na natatabingan lang ng kurtina. Ipinatong niya ang dala niyang bag sa ibabaw ng mga damit niya na nakalagay sa mga lumang karton. Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas siya kaagad ng silid. Wala na doon ang madrasta. Marahil ay nasa sugalan na ito. Huminga siya ng malalim. Pero mas mabuti na iyon at ng makapag-trabaho siya ng matiwasay. Sinimulan na niyang maglinis. Winalis niya ang mga dumi at pinunasan ang kahoy na sahig ng basang basahan at ng matuyo ay nilampaso iyon. Alam niyang kagagalitan siya ulit ng kanyang madrasta kapag nakakita pa ito ng dumi sa sahig nila pag dumating ito. Isinunod niya kaagad ang pagsasaing pagkatapos niyang maglinis. May nakita siyang nakasupot na maliliit na isda na tinatakpan sa may lababo na dala marahil ng madrasta kanina. Nilinis niya iyon at iniluto. Mukhang may pera ang madrasta niya at maganda-ganda pa ang mood nito dahil kung hindi, malamang ay wala siyang mailulutong ulam ngayon at malamang ay hindi lang din talak kanina ang natikman niya mula rito. Pagkatapos niyang magluto ay hinarap naman niya ang kanyang mga takdang aralin. Hindi siya matalino, kaya naman kinakailangan niyang magsumikap para pumasa. Nagsindi siya ng gasera at itinutok ang buong atensyon sa pag-intindi sa kanyang aralin. Kabaliktaran siya ni Carla. Magaling ito sa klase. Mabilis itong matuto sa mga aralin, hindi rin ito nahihirapang intindihin kahit anong subject nila. Hindi rin ito nagugutom na gaya niya palibhasa ay hindi naman ito naghihikahos sa buhay dahil may mga magulang na nag-aalaga rito at higit sa lahat ay napakaganda pa nito. Minsan tuloy hindi niya maiwasang mainggit sa kaibigan. Lahat na yata kasi ng pinapangarap niyang maging sa buhay ay na kay Carla na. Mula sa estado sa buhay, sa talino at lalo na sa pisikal na anyo. Isang guro sa elementarya ang mama ni Carla samantalang isa namang kawani sa city hall ang tatay nito. Nag-iisa lang din itong anak kaya lahat ng gusto nito ay nasusunod bagama't hindi naman maluho ang kaibigan niya. Si Carla din ang nangunguna sa kanilang klase. Minsan nga ay inilalaban pa ito sa ibang seksyon sa debate at ito din lagi ang kanilang representative sa mga quiz bee sa lahat ng subject ng section nila. Kung ang itsura naman ang pag-uusapan, maputi ito at makinis. Medyo singkit ang mga mata at mahaba ang tuwid nitong buhok, kaya nga ito ang napili nilang muse sa klase samantalang siya ay kayumanggi ang balat, maalon ang buhok at mabibilog ang kanyang mga mata. Sabi nga ng mga kaklase nila ay magkaibang-magkaiba daw sila ng kaibigan, kahit sa ugali, medyo madaldal kasi ang kanyang kaibigan habang siya ay tahimik lang. Minsan tuloy hindi niya maiwasang magtaka kung bakit siya kinaibigan nito. Walang-wala siya sa kalingkingan ng kaibigan. Sabagay mabait si Carla at ni minsan hindi nito pinaramdam sa kanya na mas mababa siya rito. Ipinilig niya ang ulo ng makaramdam ng pagod. Hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Gabi na at kumakalam na ang kaniyang tiyan. Sinilip niya ang orasan, mag aalas otso na pala, pero wala pa rin ang madrasta niya. Napabuntung-hininga siya, sa probinsiya kasi, maaga pa lang ay natutulog na ang mga tao, palibhasa hindi pa naman umuuso ang telebisyon sa kanilang baranggay bagaman at may mangilan-ngilan na rin namang mga kabahayan nila ang mayroon ng elektrisidad. Tumuloy siya sa kusina pagkatapos niyang iligpit ang kanyang mga gamit. Inilapag niya ang maliit nilang gasera sa lamesa, pagkuwa'y naghain na ng makakain para sa sarili niya. Mabuti nalang at kahit matatakutin ay kinakaya niya lagi ang mag-isa siguro ay dahil nasanay na siya. Binilisan na lang niya ang kanyang pagkain at pagkatapos ay mabilis na naglatag ng higaan sa pinakasala nila at agad na natulog. Kinabukasan, maaga pa lang ay ginising na si Dianne ng kanyang madrasta. Hindi na niya namalayan ang pag-uwi nito, kung kagabi pa ba ito umuwi o kakarating lang nito ngayong umaga ng magisnan niya. "Dianne bumangon ka na diyan. Maraming labahan ang nakatambak aba at kung di ka pa sasabihan ay di ka pa kikilos a." Painot-inot siyang bumangon at inililigpit ang pinagtulugan niya habang humihikab. "Pagkatapos mo diyan, mag-almusal ka na nang makapagsimula ka ng maglaba. Bilisan mo." Asik nito. "Nay Gina may pasok pa po ako sa eskwela mamaya." Protesta niya. "Wala naman akong sinabing 'wag kang pumasok a. Pumasok ka pagkatapos mong maglaba." Paliwanag nito na akala mo ay hindi siya nakakaintindi. "Aalis ako pero uuwi din ako mamayang tanghali kaya huwag mong ubusin yung ulam." Bilin nito. "Sige po." Tanging nasambit niya. Umalis ito kaagad at siya naman ay nag almusal ng bahaw na kanin at tirang isda noong gabi. Pagkatapos niyang kumain ay sinimulan na niyang ipunin lahat ng labahan. Halos lahat ay sa madrasta niya, siya naman ay araw-araw na naglalaba ng marumi niyang damit bago pumasok ng eskwela para hindi na dumami ang labahin at para wala na siyang iintindihin kapag araw ng sabado at linggo dahil namamasukan siya sa karinderya pero sa huli ay natatambakan pa rin siya. Tiningnan niya muna ang orasan bago niya binitbit ang mga labahan sa isang sulok ng kusina. Alas singko palang naman ng umaga, matatapos naman siguro niya ang paglalaba bago mag alas-otso. Gusto pa sana niyang magbasa-basa ng mga aralin bago pumasok dahil mayroon silang mga quizzes sa araw na ito sa ilang subjects kaso imposible na niyang magawa yun. Binilisan nalang niya ang pagkusot. Ayaw niyang mahuli sa klase dahil terror ang guro nila sa kanilang pinakaunang subject at isa pa ay isa siya sa hindi gaanong matalas ang utak sa kanilang seksyon kaya kung mahuhuli pa siya ay baka mas lalo siyang mapag-initan nito. Kahit anong bilis ng kilos niya ay eksaktong alas-otso pa rin ng makaalis ng bahay nila si Dianne. Alam niyang hindi na siya aabot sa kanilang flag ceremony, at sigurado siyang sermon ang aabutin niya kay Misis Rivas pero mas binilisan niya pa rin ang paglalakad. Lakad-takbo na nga ang ginawa niya para lang umabot ng mas maaga sa paaralan nila dahil maraming baon na tanong ang guro nila sa nahuhuli sa klase nito. Isang kanto pa ang layo ni Dianne sa paaralan ay dinig na niya ang bell na hudyat ng pagsisimula ng klase. Tinulinan pa niya ang lakad-takbong ginagawa kanina upang makarating agad hanggang sa hindi na niya namalayan ang isang estudyante na parating na sa gawi niya. Katulad niya ay nagmamadali rin marahil ito. Ang naramdaman nalang niya ay ang sakit ng paglapat ng kanyang balakang sa lupa. "Sorry. Nagmamadali kasi ako. Nasaktan ka ba?" Tanong sa kanya ng nakabunggo sa kanya na nasa may likuran niya. "Ayos lang ako." kahit nakatungo ay sagot niya. "Aray ko." napapangiwing sambit niya ng sinubukan niyang tumayo. Naramdaman nalang niya ang paguhit ng sakit sa may likuran niya sanhi ng kanyang pagkakapagsak. "Akala ko okey ka. Tulungan na kita" Gumawi ito sa harapan niya. Nahimigan niya sa boses ng binatilyong nakabangga sa kanya ang pagmamadali at inis. Inabot nito sa kanya ang kamay nito. Sinubukan niyang tumayo sa sariling sikap pero ng naramdaman niyang sumakit ulit ang likuran niya ay humawak na rin siya sa kamay nito. Bahagyang tumaas ang kilay niya at may kung anong panibugho siyang naramdaman ng mahawakan ang kamay niyon. Malambot ang kamay ng binatilyo at walang panlaban ang mga kalyuhin niyang kamay. Napatingin siya dito na nagpalaki sa mga bilugan na niyang mga mata. Hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ngayon ang binatilyong sa tuwina ay sinusubukan niya lang masulyapan sa loob ng classroom nito. Si Luis Ignacio Jr. Ito ang president ng student council sa eskwelahan nila. Kilala ito sa pagiging matalino, gwapo at higit sa lahat ay anak ito ng mayor sa bayan nila, ang San Isidro, at ang sabi nang ilan ay medyo masungit din ito kaya ganoon na lang ang pangilag niya ng mapagsino ito. "Okey ka na ba?" untag nito sa kanya. Tumango-tango siya. Noon niya naisipang bawiin ang mga kamay. Nang makita nitong maayos na ang pagkakatayo niya'y umakma na itong aalis. "Pasensya na." despensa nito. Nahihiya siyang tumungo. Nang nag-angat siya ng ulo ay wala na ito sa harap niya. Sinimulan niyang lumakad ng paika-ika. Masakit pa rin ang likuran niya. Medyo napalakas yata ang pagkakabagsak dahil nahihirapan siyang lumakad. Mas lalo siyang malalagot ngayon kay Misis Rivas. Hinimas-himas niya ang kanyang likuran kaya naman hindi na niya napansin ang paglapit sa kanya ni Luis. Napapitlag siya ng humawak ito sa braso niya. "Tutulungan na nga kita total late na rin naman ako." anito sabay akay sa kanya. Bigla siyang na-concious sa sarili niya. "Bakit kasi alas-otso na e nasa labas ka pa? At isa pa di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" Pa-sermon nitong tanong habang nakatuon sa dinadaanan nila ang tingin. Siya pa talaga ang sinisi nito e ito nga ang bumangga sa kanya sa likuran. Mangani-ngani niyang ibulalas iyon pero wala siyang lakas ng loob para magsalita ng ganoon kahaba sa harapan nito sa halip ay hindi na lang siya umimik. Mas minabuti nalang niyang ituon ang lakas sa pagsisikap na makalad mag-isa. Hindi nga siya makatingin dito, ano pa kaya ang makipag-debate? "Saan ang klase mo?" Tanong nito ng makapasok sila sa gate ng eskwelahan. "Kay Misis Rivas. Sa Third year building." Aniya sa mahinang tono. Iginiya siya nito sa nabanggit niyang building. "Okey na ako. Kaya ko nang mag-isa papunta doon." Turo niya. Naaasiwa siya na hawak-hawak siya nito sa braso. Nahihiya siyang madikit dito. Hindi siya nito pinansin. "Ihahatid na kita doon. Ako na rin ang magpapaliwanag kay Misis Rivas." Turan nito na hindi manlang tumingin sa kanya. Pansamantalang itinigil ni Misis Rivas ang pagli-lecture sa harap ng klase ng dumating sila ni Luis. Nag-excuse muna silang dalawa pagkatapos ay inalalayan siya nito papunta sa kanyang upuan. Nang paalis na ito ay nakita niyang kinausap muna nito si Misis Rivas sa labas ng classroom. 'Iba na talaga pagkilala ka sa school, kahit sinong teacher pwede mong makausap.' Naisaloob niya habang nakasunod ng tingin sa mga ito. "Ano yun. Bakit ka hinatid ni president?" Maya-maya ay bulong sa kanya ng katabi niyang si Carla. "At bakit ka na-late ha?" "Mamaya na" ganting bulong niya dito. Itinapat niya ang hintuturo sa kanyang bibig ng makitang pumasok na ulit sa classroom si Misis Rivas."Shhhhhhhh." "Let's continue our discussion class." Anang guro na tinapunan lang siya ng isang tipid na tingin. Ano kaya ang ginawang paliwanag dito ng student council president at hindi siya sinita nito? Natapos lahat ng subject nila sa araw na iyon na maganda ang pakiramdam niya kahit na sumasakit pa rin ang balakang niya dahil sa pagkakabagsak kanina. At least nakita niya si Luis ng malapitan. Paika-ikang lumabas siya ng gate ng paaralan. Oras na ng uwian noon, si Carla ay naunag umalis dahil dinadaanan nito ang ina sa pag-uwi at siya naman ay kailangan na ring magmadaling umuwi at baka mauna pa ang mdrasta niya sa bahay nila at siguradong mapapagalitan na naman siya nito kaso tinawag siya ng gwardiya ng eskwelahan nila na si Mang Fred. "Daan ka nga muna dito Ineng. Merong ipinapabigay sa iyo dito." Tawag nito sa kanya. Naging kaibigan na niya ito dahil lagi itong kumakain sa karinderya na pinapasukan niya. "Ano po ba yan Mang Fred?" Takang tanong niya dito pagkalapit sa postguard. "Aba'y di ko rin alam e. Kanina ay iniabot lang ito ni Luis, yung anak baga ni Mayor. Yun ba e kaibigan mo?" Tanong nito habang may inaabot sa ilalim ng mesa. Hindi siya sumagot. Nagtaka siya kung paanong nalaman ni Luis ang pangalan niya. Inilagay nito sa harap niya ang maliit na supot na papel. Binuksan niya ito kaagad. Nangiti siya ng makita ang laman nito. "Yan ba e ano, ha, Ineng?" "Mga gamot po." Napakunot ng noo ang matanda. "Bakit may sakit ka ba?" "Wala ho." Iling niya. "Bumagsak po ako kanina ng mabangga niya ako kaya ho siguro siya nagbigay nito." "Aba'y mabait na bata, ano?" "Oho. Salamat ho dito Mang Fred. Pasabi na rin sa kanya kapag nagtanong na nakuha ko ho kamo at salamat. Di ko ho iyon nakikita sa loob e." Ipinasok niya iyon sa bag niya. Tumango-tango ang matanda. "Ah. O hala sige at mag-iingat ka sa pag-uwi. Titingin ka sa kalsada pag-tatawid ka, ha." Bilin nito. "Oho, Mang Fred. Salamat po." Kinawayan niya ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook